"YOU KNOW what, bro, naninibago na talaga ako kay Mads, e. Malaki ang ipinagbago niya, medyo nagkakalaman na siya, which is expected naman dahil madalas na kaming kumain ng late sa gabi. But, lately, she was able to find a food na hindi naman niya particular na kinakain," wika niya kay Topher nang magkasalubong sila sa may lobby. "E, baka naman kasi nagsasawa na siya sa mga particular food na kinakain n'yo palagi?" Napaisip siya sandali. "P'wede, pero, posible kaya ang duda ko na.. buntis siya?" Doo'y sandaling natawa si Topher. "Buntis? E, ipinagtapat niya na ba sa'yo?" Hindi niya alam kung mapapailing ba siya o hindi. "Pero kung gusto mo namang malaman without asking her, try to figure out kung ano pa ba ang pagbabago na makikita mo sa kaniya. Nagsusuka ba siya, nahihilo, sumasakit

