(Mariz' POV) Tahimik na naman ang umaga sa mansion. Kung dati rati ay parang library dito, walang ingay, walang kwento, puro galawan lang ng mga maid na parang nasa military camp, ngayon ay iba na ang pakiramdam ko. Siguro dahil unti-unti ko nang nakikilala ang lahat. Pero kung may isa akong hindi pa rin mapatahimik hanggang ngayon... ako 'yon. "Aba, Mariz, dahan-dahan lang sa hagod ng mop! wala tayo sa karera ." Puna ni Ate Linda mula sa hallway, habang pinupunasan niya ang mga frame ng painting na parang kay Mahal na Hari kung irespeto. Napakamot ako ng batok at ngumisi. "Eh Ate, kung hindi ko bibilisan, baka abutan ako ni Coloring Book at siya pa ang mag-cleaning contest dito. Hindi ako papayag!" Narinig kong may malakas na tsk! mula sa kabilang gilid. At ayun na nga. Tulad ng hina

