(Gabriel's Pov) Dalawang araw na mula nang mangyari ang gabing ‘yon sa garden. Dalawang araw na rin mula nang malasahan ko ang init ng labi ni Mariz, isang gabing pilit kong binabaon sa limot pero paulit-ulit namang bumabalik. At dalawang araw na rin mula nang ginawa kong parang invisible si Mariz. Kanina, habang nakaupo ako sa hapag-kainan, ramdam ko ang presensya niya habang nagsasalin ng tubig sa baso ko. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Tiningnan ko ang plato ko, ang tinidor, kahit ang mga kurtina sa gilid, lahat, basta huwag lang siya. Pero kahit pilit kong umiwas, naramdaman ko ang bahagyang pag-alog ng kamay niya, para bang nanginginig habang pinupuno ang baso ko. Narinig ko rin ang mahina niyang “sorry po, sir” nang halos mabitawan niya ang pitcher. At doon… para ban

