CHAPTER 22

690 Words

(Mariz Pov) Ang hirap pala, no? Yung isang gabi lang, buong mundo mo parang gumulong na at hindi mo na alam kung saan ka lulugar kinabukasan. Pagmulat ko kaninang umaga, hindi mawala sa isip ko yung nangyari sa garden nung isang gabi, yung halik na ‘yon. Para akong tangang nakatitig sa kisame habang kinikilig, nanginginig, at sabay na natatakot. Iniisip ko kung totoo ba talaga ‘yon o baka panaginip lang. Pero hindi, ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang lambot ng labi niya, yung init ng hininga niya, yung bigat ng kamay niya sa pisngi ko… Pero bakit parang ako lang ang nakakaramdam ng lahat ng ‘to? Paglabas ko ng kwarto, nag-aabang ako kahit hindi ko sinasabi sa sarili ko. Ini-expect kong babatiin niya ako. O kahit sulyap man lang. Pero wala. Nakasalubong ko siya sa may hagdan kanina h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD