(Mariz Pov) Ang hirap bumangon kinaumagahan. Para bang hindi pa rin ako makaget over sa nangyari kagabi. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, ramdam ko pa rin ang labi niya sa labi ko. Yung init ng yakap, yung paraan ng paghawak niya sa akin na parang ayaw niya akong pakawalan. Para akong lumulutang sa sa hangin. “Gabriel…” mahina kong bulong habang nakahiga, sabay takip ng unan sa mukha. Diyos ko, ano ba itong pinasok ko? Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko, dumiretso na ako sa kusina. Maaga pa, kaya inaasahan kong baka naroon na siya, gaya ng nakasanayan. Pero pagdating ko, ang nadatnan ko lang ay si Ate Linda na nag-aayos ng mesa. “Good morning, Mariz,” bati niya, kaswal lang. “Good morning po, Ate,” sagot ko, medyo disappointed na hindi ko siya nakita. “Hindi pa yata bumababa

