(Mariz POV) Pagmulat ko ng umaga, naramdaman ko agad ang kakaibang gaan sa paligid. Hindi dahil magaan ang pakiramdam ko. Kundi dahil araw ng sahod. Araw na hinihintay ng lahat dito sa mansion. Sa ganitong araw, parang lahat ay masigla, mas maingay, mas mabilis ang kilos. Ang mga kasamahan ko, abala na agad sa kani-kanilang trabaho, sabay sabay na parang sabik na matapos ang lahat para sa sandaling iabot na ang sobre na puno ng pawis at pagod ng isang buwan. Ako rin, sabik. Hindi lang dahil sa sweldo, kundi dahil iyon ang tanging pagkakataon na kaya kong iparamdam sa sarili kong may halaga rin ang ginagawa ko dito. Na may kapalit kahit paano. Habang inaayos ko ang mga plato sa kusina, naroon na sina Ate Linda at Aling Berta na parehong masigla. “Hay naku, buti na lang sahod ngayon,”

