(Mariz POV) Mabigat ang talukap ng mata ko nang magising ako kinabukasan. Ang totoo, halos wala akong tulog kagabi. Ilang beses akong nagbalik-balik sa eksenang nangyari sa study, , yung malamig na tanong ni Sir Gabriel, yung matalim na titig niya, at yung mga salitang binitiwan kong kahit ako mismo hindi ko alam kung totoo. "Bagay ba kami ni Clarisse? Masaya ka ba para sa amin?" Parang may bato sa dibdib ko habang inuulit-ulit iyon sa isip ko. Ang dali-daling sagutin ng oo, pero sa bawat “oo” na pinilit kong bitawan kagabi, pakiramdam ko ay unti-unti akong namamatay. Huminga ako nang malalim at pinilit bumangon. Sa salamin, nakita ko ang namumugto kong mga mata. Agad kong tinapik ang pisngi ko at ngumiti pilit na ngiti, pero kailangang ipakita ko ulit yung masayahin kong mukha. Kaila

