CHAPTER 3

755 Words
(GABRIEL'S POV) Madalas kong simulan ang araw ko nang tahimik. Black coffee. Email. Meetings. Walang unnecessary conversations, walang energy wasted. Ganito na ang sistema ko for years predictable, efficient, at above all, controlled. Pero ngayong umaga, hindi ko magawa. Kahit ilang beses kong subukang i-review ang quarterly report ng kumpanya, ang naiisip ko lang ay yung bagong maid na dumating kahapon. Mariz. Kung ibang tao siguro, hindi ko na maalala. Pero siya? She’s… loud. Irritatingly loud. At hindi lang basta maingay sa salita kundi sa presence. Parang kahit wala siyang sinasabi, naririnig ko pa rin ang ingay niya sa utak ko. At hindi ko alam kung bakit. Pumasok ako sa opisina, dala ang laptop at folder ng mga kontratang dapat kong basahin. Sa conference room, nakapila na ang mga managers. Tumango lang ako. “Let’s start.” Pero habang nagsasalita ang isa sa kanila tungkol sa sales projections, bigla kong naalala yung eksena kaninang umaga. ‘Eh paano po yung abs niyo?’ Napapikit ako. Hindi dahil napagod, kundi dahil nainis. Bakit kailangan niyang banggitin yun? At bakit, sa dinami-dami ng sinabi niya, yun ang pabalik-balik sa utak ko ngayon habang nagsu-survive ako sa meeting na ito? Hindi dapat. Hindi ako dapat magpa-distract sa ganito. “Sir, what do you think?” tanong ng isa sa mga manager. Napatitig ako sa projector. Blurry. Hindi dahil sa presentation kundi dahil nakikita ko pa rin ang ngisi ng babaeng iyon. Yung nakakalokong kindat niya bago ako umalis ng bahay. “I’ll review the numbers later,” sagot ko, malamig ang tono. “Meeting adjourned.” Nagulat ang lahat. Karaniwan kasi, umaabot ng dalawang oras ang mga ganitong discussion. Pero ngayon? Sampung minuto lang, tinapos ko. I need silence. Pagbalik ko sa opisina, ibinagsak ko ang ballpen sa mesa. Bakit siya naiiba? Marami na akong nakasama sa bahay mga maids, drivers, staff. Lahat sila, maingat. Tahimik. Halos walang lakas ng loob para makipag-usap sa akin nang lampas sa “opo” at “sige po.” Pero itong si Mariz… parang wala siyang pakialam na ako si Gabriel Alcantara. Para bang tingin niya sa akin… normal na tao lang. At hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o… …matuwa. No. Hindi ako natutuwa. Napahawak ako sa sentido. This is ridiculous. Hindi pwedeng makaapekto sa akin ang isang probinsyana na hindi marunong tumahimik. Pag-uwi ko kinagabihan, tahimik ang bahay. Sa wakas, peace. O, at least, akala ko. “Sir! Welcome home!” And there she was. Nakasalubong ko agad sa pinto, nakangiti, kulang nalang magdala ng banner ng Congratulations, Nakabalik Ka! Napahinto ako. “What are you doing?” “Eh di binabati ko kayo! Sabi nila, importante raw yung warm welcome sa bahay. Para daw stress-free.” Stress-free? Kung stress ang gusto kong iwasan, dapat pinaalis na kita kanina pa lang. “Don’t do that again,” sagot ko, dumiretso na ako sa hagdan. “Copy, Sir! Next time, may pompom na ako!” Napahinto ako sa gitna ng hagdan. Dahan-dahan akong lumingon, at nakita ko siyang nakangiti nang parang wala siyang kasalanan. “Mariz…” malamig kong tono. “Yes, Sir?” “Stop. Talking.” Ngumiti siya, sabay thumbs up. “Roger that! …Pero Sir, gusto niyo bang i-massage yung balikat niyo? Para ma-relax—” “Mariz.” “Okay, okay! Shhh na ako.” Sabay tinakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay, pero hindi pa rin maitago yung mga mata niyang nagngingitian. I turned away, pero ramdam ko yung ngisi niya kahit hindi ko nakikita. Sa kwarto, binuksan ko ang laptop at pilit nagbasa ng report. Pero ilang minuto lang, sumuko ako. Hindi ko ma-concentrate. Ilang taon na akong sanay sa routine. Everything under control. Work, exercise, sleep. Walang abala. Pero ngayong nandito siya… lahat ng bagay nagiging… gulo. Yung kusina na dati’y tahimik, ngayon puno ng kwento niya tungkol sa baryo. Yung sala na dati’y laging maayos, ngayon may tunog ng pagtawa niya kahit simpleng walis lang ang hawak niya. And worse… yung utak ko, dati laging nakatutok sa negosyo, pero ngayon, punong-puno ng tanong Ano na naman kaya ang sasabihin niya bukas? Bakit kailangan niyang ngumiti ng ganun? At bakit… bakit parang hindi ko gustong tumigil siya? Napapikit ako. Hindi pwede. I’ve built my walls for a reason. Hindi ako pwede ulit madistract ng kahit sino lalo na ng isang kagaya niya. Pero kahit ilang beses kong kumbinsihin ang sarili ko, may isang katotohanan na hindi ko matakasan Na ang tahimik kong mundo, pilit yinayanig ng bagong katulong sa mansion ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD