(MARIZ POV)
Alam niyo yung feeling na kahit wala kang ginagawa, parang kasalanan mo pa rin?
Yun yung buhay ko dito sa mansion ni Sir Gabe.
Minsan nga naiisip ko, baka dapat “Sir” na lang pangalan niya. Kasi kahit anong gawin ko, para siyang robot na naka-program sa dalawang salita lang, Stop talking.
Kahapon lang, grabe yung tingin niya sa’kin nung binati ko siya ng “Welcome home!” Eh sorry na, gusto ko lang naman maging hospitable. Sa baryo kasi, automatic yun. Dumating ang kapitbahay, “Kain tayo!” Dito pala, dapat tahimik lang, parang multo.
E di wow.
---
Pagkagising ko kinabukasan, nagdesisyon ako, hindi ako pwedeng ma-intimidate. Hello? Probinsyana ako pero hindi ako pwedeng lamunin ng katahimikan ng mansion na ‘to. Kung si Sir Gabe walang balak maging tao, edi ako na lang.
Nasa kusina ako, nagluluto ng sinangag. Favorite ko kasi yun sa umaga. Habang kumukulo ang kawali, bigla kong naisip
Ano kaya kung ipagluto ko si Sir?
Kaso, sure akong hindi niya kakainin. Baka sabihin pa niyang unhygienic kasi hinawakan ko. O baka may pakulo pa siyang low-carb diet, high-protein nonsense.
Pero sige, try ko na lang. Malay natin, magbago mood niya.
“Good morning po, Sir!” bungad ko habang inilapag ang platong may sinangag at pritong itlog.
Napaangat siya ng tingin mula sa laptop niya. Walang reaction. Walang ngiti. Wala kahit kunot ng noo blanko lang.
“Breakfast po, niluto ko.”
Tahimik.
“Sir, promise, malinis ang kamay ko. Nag-alcohol pa ako ng tatlong beses”
“Mariz.”
“Yes po?”
“I said… don’t talk.”
Napairap ako nang palihim. Grabe naman, pati itlog na sunny side up, bawal bang ipagyabang?
Pero ayun, nilapitan niya rin yung plato. At guess what? Kinain niya. Hah! Points for Mariz!
---
After breakfast, sinubukan kong maglinis ng sala. Pero ang hirap, kasi tuwing dumadaan ako, ramdam ko yung titig niya. Yung tipong parang nag-e-exam ka at mahuhuli ka pag nagkamali ng walis.
“Sir, relax lang po. Marunong naman ako maglinis. Hindi naman ako magnanakaw ng carpet niyo.”
“Mariz.”
“Oops, sorry. Don’t talk. Copy.”
Pero syempre, hindi ko kayang manahimik ng matagal. Kaya habang nagpu-polish ako ng vase, kinakausap ko sarili ko. “Hay nako, Mariz, ang ganda mo talaga. Parang hindi bagay maglinis. Dapat artista ka na lang.”
“Mariz.”
Napalingon ako. Oops. Hindi pala sa isip ko lang nasabi yun.
Tumikhim ako. “Ano po?”
“Nothing. Just… focus.”
At nakita ko. Yung bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya. Hindi ko alam kung ilusyon lang, pero parang… parang napangiti siya ng konti.
Omg. Achievement unlocked!
Mas lalo pa akong ginahan maglinis, kaya imbis sa sala lang ako maglinis e halos linisin ko na buong mansion.
---
Kinahaponan, nagkataon na nasa hagdan ako, nagdadala ng tray ng baso. Siyempre, dala-dala ko with confidence, kasi sanay ako sa gawaing bahay. Pero biglang
Natapilok ako sa hagdan.
“Ay put—!!!”
Buti na lang, mabilis si Sir! Bigla niyang nahawakan ang braso ko at naiwasan kong tumilapon pababa. Naramdaman ko yung higpit ng kapit niya, yung init ng kamay niya sa balat ko… at yung titig niya.
For the first time, hindi malamig. Hindi galit. Kundi… nag-aalala.
“You okay?” mahina niyang tanong.
Napakurap ako. Wait lang. May concern??? Galing ba ‘to kay Sir Robot?
“O-opo… I mean, yes, Sir! Okay lang ako. Hindi pa po oras para ma-ospital.”
Napatingin siya sa tray, basag yung isang baso. Naka-expect na ako ng sermon. Pero ang sinabi lang niya
“Be careful next time.”
Tapos iniwan niya ako. Just like that.
Pero hindi ko makalimutan yung hawak niya.
Parang kahit suplado siya, may parte sa kanya na hindi bato. May konting init. May konting… humanity.
---
Pagbalik ko sa kwarto ko, napahiga ako sa kama, tinitigan ang kisame.
“Hay nako, Mariz. Wag kang magpaka-foolish. Hindi ka pwedeng kiligin kay boss mo. Hindi pwede.”
Pero syempre, sino bang niloloko ko?
Kinilig ako.