HIMBING na himbing sa pag kakatulog ang lalaking nakahiga sa higaang kahoy. Payapang nakapikit ang mga mata nito taglay ang mahaba nitong pilik mata. Matangos ang ilong at may kapulahan ang mahugis na labi. Walang sugat or gasgas manlang na natamo ang mukha nito na pinag taka ko.
Nalipat ang tingin ko sa braso nito at binti na hindi natatakpan ng kumot, halos mapuno yun ng maliliit na sugat at gasgas na parang sinadyang sugatan. Pero ang sabi ni papang parahil daw ay isa itong seaman na inihulog sa barko at swerteng napadpad dito sa isla.
Sino ka? Mahinang tanong ko dito kahit alam ko na malabo nitong marinig dahil malalim parin ang paghinga nito hudyat na malalim pa ang pag kakatulog nito.
Matangkad ito at maputi ang kulay ng balat na halata mong galing sa mayamang pamilya na kinabahala ng puso ko. Naagaw ng paningin ko ang maliit nitong tattoo sa ilalim ng tenga.
VL? Ano ang ibig sabihin ng dalawang letra na ito.
Omg. Ang tama nga si papang mo. Apaka pogi nga nito kasing kisig ni papa piolo. Nagulat ako sa mabilis na pag pasok ni Joanne sa silid at idinampi ang kamay sa kabuoan ng mukha ng lalaki. Na kinalaki ng mata ko, lumapit ako ito at pinalo ang kamay nito.
Aray. Ikaw, napaka damot mo! Bulyaw nito sakin. Hinila ko naman ito sa labas ng silid at duon hinarap.
Hindi kaba kinalibutan sa ginawa mong pag haplos sa mukha nung tao? Tulog yung tao pinag nanasaan mo. Bulong kong sagot dito. Paano na lamang kung magising yung lalaki sa ginawa nito.
Sinasabi mo pang minamanyak ko si pogi? Sigaw pa nito sakin, kababaeng tao nito ay maskulado ang boses. Tumango naman ako dito bilang sagot sa tanong nito. Bukas na bukas ang isip ni Joanne sa mga makamundong gawain, hindi ito pamaria clara na mag tatakip ng mata pag may nakitang ahas. Pero alam ko naman wala pa itong nakakasiping na lalaki dahil tulad ko, ito ay wala paring nagiging kasintahan.
Anong balak nyo jan? Sumeryoso ang mukha nito at humaba ang nguso na tinuro ang lalaki sa silid.
Sa oras na magising yan ay aalis na yan ito. Walang emosyon na wika ko. Sakto naman pag dating ni papang galing pangingisda.
Papang tutungo po muna kami ni joanne sa bayan. Ayus lamang ba kayo dito kasama ang tao na yan? Tukoy sa dayuhang nakahiga. Tumango naman ang matanda sa akin bilang sagot.
Madali lamang po ako sa bayan, babalik po agad ako. Baka naman po tulog payan hanggat makadating ako. Wika ko.
Malayo ang tahanan namin sa bayan. Kailangan pa naming sumakay ng bangka ng 30 minuto o maglakad nang isang oras sa kapatagan. Kaya bihira lamang ang napapadpad na taga-bayan dito..
“Matagal pa bang magbubukas 'yan? Aba’y halos isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito,” tanong ni Joanne sa akin.
Nakaupo na kami ngayon sa labas ng coffee shop na pag-aapplyan namin, at tirik na tirik na ang araw — kaya naman basa na ang kilikili namin sa pawis.
“Aba’y ewan ko sa’yo. Isinama mo ako rito nang hindi mo alam kung anong oras magbubukas?” balik kong tanong sa kanya. Naipaypay ko na lang ang hawak kong resumé sa sobrang init.
“Ibang bukas kasi ang alam ko—yung may magsasabing ‘open wide, baby,’” sagot niya sabay tawa, parang kinikiliti. Umikot ang mata ko sa kalaswaan ng bunganga nito.
Napalingon kami sa isang magarang sasakyang tumigil sa harapan namin. Bumaba roon ang isang napakagandang babae—parang si Mama Mary—suot ang bulaklaking bestida at mataas na sapin sa paa. Lumapit ito sa amin, may ngiti sa labi.
“Ano ang maipaglilingkod ko sa dalawang binibini?” pati boses, ang ganda. Mahinhin ang pagkakasabi at hindi makabasag-pinggan.
“Aaaa… Miss, kami po yung mag-aapply ng trabaho,” sagot ni Joanne, na parang natauhan mula sa pagkatulala sa “anghel” sa harapan namin.
“Ganun ba? Sige, pumasok na tayo sa loob. Mainit dito,” sabi nito.
Pagpasok pa lang sa coffee shop, sumalubong agad ang matapang na aroma ng kape. Halos lahat ng materyales ay gawa sa kahoy, at ang mga gamit ay antigong bagay na lalong nagpaganda sa lugar.
“Miara Abel. Pero Miss Ara na lang,” pagpapakilala niya. Nasa loob na kami ng opisina nito, nakaupo sa malambot na upuan.
“Joanne Kibo po, Ms. Ara,” pagpapakilala ni Joanne. Tumingin siya sa akin, parang sinasabing ako naman.
“Kasimira po,” wika ko naman. Ngumiti siya at bumaling sa papeles na ibinigay namin.
“So, anong position ang ina-applyan ninyo?” seryosong tanong niya pero malumanay pa rin.
“Waiter po ako, habang si Kasimira po ay dishwasher,” walang prenong sagot ni Joanne.
“Great. Makakapagsimula na kayo bukas. 10 a.m. ang open ng store, so dapat andito na kayo 9 a.m. para makapag-prepare. 6 p.m. ang closing, depende kung may guest na magpa-book ng event. For your salary, Manila rate kahit nasa probinsya tayo. About rules? Wala naman, just be good to the customer,” mahabang wika niya.
“Madalas akong wala dito, dahil sa Maynila talaga ang buhay ko. Kaya si Harrison ang magma-manage sa inyo. Mabait yun, pero medyo presko.” Nakaramdam ako ng panghihinayang. Si Joanne naman ay kumunot ang noo sa di ko maipaliwanag na dahilan.
“Harrison po?” tanong niya na parang may kilala.
“Yes. Si Harrison, business partner ko. Once na siyang nakapunta dito sa isla, kaso di na naulit dahil nag-aral sa ibang bansa. Pero ngayon, balik-Pinas na ulit.”
“I think that’s all. Pwede na kayong umalis. Bumalik na lang kayo bukas.” Nagpasalamat kami at lumabas.
“HOY Joanne, parang wala ka sa sarili. Nabaliw ka na ba?” bulyaw ko habang kami’y naglalakad pauwi. Hindi na kami nagpatawag pa ng bangka kay Mang Nato kaya katirikan ng araw kaming naglalakad sa kakahuyan.
Tapos itong kasama ko, kanina pa parang lutang. Ang lalim ng iniisip—akala mo naman may isip talaga. Kapag kinakausap, tango lang ang sagot. Ano kaya ‘yon? Hindi ko na siya kinibo at pinagpatuloy na lang ang paglalakad.
---------------------------
Malayo pa sa bahay pero natatanaw ko na si Nanang, abala sa pagwawalis ng mga tuyong dahon.
“Nang, ako na po ang magwawalis. Baka sumakit na naman ang likod ninyo,” nagmano ako at kinuha ang walis.
“Ikaw talagang bata ka, malakas pa ako!” natawa ako sa pagyayabang nito.
“Aba, siyempre ako din!” sagot ko.Napalingon ako kay Papang, kararating lang, may dalang dalawang baldeng tubig. Nanlaki ang mata ko.
Pang, di ba sabi ko huwag ka nang iigib? Yung braso at tuhod mo sasakit na naman ‘yan!” Napakamot ako sa ulo at lalapitan na sana siya nang biglang agawin sa akin ang balde.
Isang makisig na binata—maayos ang itsura ngayon, parang hindi nahimatay kagabi. Dala-dala niya ang balde na sana ako ang magdadala.
“Ako na.” Nanatili akong nakatulala hanggang makapasok siya sa kubo.
“Sangol! Ang laway mo tumutulo,” puna ni Papang. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at nagtawanan silang dalawa.
“Pang naman eh!” suway ko. Napalingon kami sa binatang lumabas ulit ng kubo, dala ang magandang ngiti.
“Iho, ito nga pala si Kasimira Mor—” hindi ko na siya pinatapos.
“Kasimira. Mira na lang.” mabilis kong wika bago pa niya masabi ang apelyido ko—kinain ng takot ang puso ko.
“Lorcan.” maiksing sagot ng binata habang tinanggap ang kamay ko. Kumunot ang noo niya, tumingin sa magulang ko. Agad ko namang binitawan ang kamay niya at nilapitan ang mga magulang ko.
“Anak nila ako,” walang emosyon kong tugon. Iba ang pakiramdam ko sa binatang ito simula nang marinig ko ang boses niya. Nakalimutan ko kung gaano ako nabighani kanina—mula sa pananalita niya, halatang mataas ang pinag-aralan.
“Mabuti at nakapagpakilala na kayo sa isa’t isa. Pumasok na tayo’t tikman n’yo ang niluto ko,” pagputol ni Nang sa tensyon.
Hangga’t maaga pa, kailangan na niyang lumayo. Ramdam kong may dalang gulo ang presensya niya—at ayokong madamay ang pamilya ko