2

1013 Words
Kumunot ang noo ni Valerian nang makitang walang pagkain sa mesa ang nakahanda. Kagagaling niya lang sa trabaho. Madalas kapag uuwi siya, may nakahandang pagkain sa mesa para sa kanilang hapunan. Pero laking pagtataka niya dahil walang kahit ano sa mesa. Tahimik ang buong paligid ng malaking bagay na iyon nang pumasok siya sa loob. Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa kanya hanggang sa makarating siya sa loob ng kanyang kuwarto. Nagtungo siya sa banyo para maglinis ng katapos at saka nagbihis pagkatapos. Sa loob ng ilang taong pagsasama nila ni Alorna bilang mag-asawa, wala talaga siyang naramdamang kahit anong pagmamahal para sa kanyang asawa. Kahit na kay Alorna na ang lahat. Ang pagiging masipag, malambing, maasikaso at business minded, hindi iyon naging sapat para mahalin niya si Alorna. Pakiramdam niya nga, nasa loob siya ng isang kulungan. At iyon ay ang kasal nila. Pero kahit na hindi niya mahal si Alorna, ni minsan hindi naman siya tumikim ng ibang putahe. Hindi niya rin ginalaw si Alorna kahit isang beses. Galit kasi ang nangingibabaw sa puso niya. Lumabas siya ng kanyang kuwarto upang kumuha ng maiinom sa kusina. Naabutan niyang kumakain mag-isa ang asawa niya. Nagpa-deliver pala ng pagkain si Alorna. Tumikhim siya. "Bakit hindi ka nagluto?" "Ako lang naman ang kumakain mag-isa. Pagod lang inaabot ko," walang ganang tugon ng kanyang asawa nang hindi tumitingin sa kanya. Kumuha siya ng tubig at saka nagsalin ng tubig sa kanyang baso. Sinulyapan niya saglit si Alorna. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama ngunit pakiramdam niya, may kakaiba sa kanyang asawa. Hindi niya lang mawari kung ano. "Siya nga pala, ayokong makita ka dito sa bahay bukas. May darating akong bisita. Ayokong makita ka nila. Baka gumawa ka lang ng eksena." Doon na tumingin sa kanya si Alorna. Wala siyang nakikiyang emosyon sa mga mata nito. Umarko ang kilay niya bago asar na tumawa. "Bakit ganiyan ka kung makatingin? Hindi ka susunod sa sasabihin ko?" Bumuga ng hangin si Alorna. "Siguro mainam pang maghiwalay na lang tayo. Sa ibang bansa naman tayo kinasal kaya puwede tayong mag-file ng divorce. Tutal, ayaw mo naman akong makita ng nakakakilala sa iyo, 'di ba? Kinahihiya mo naman ako, tama?" Nangalit ang ngipin ni Valerian. Nagkiskisan iyon kaya lumikha ng kaunting tunog. "At kailan ka pa natutong magsalita ng ganiyan sa akin? Sa pagkakaalam ko, masaya ka sa ganito, 'di ba? Masaya kang nakatali ako sa iyo, tama? Dahil ganoon ka kabaliw sa akin," wika niya bago tumawa ng mapang-asar. Pumiksi si Alorna. "Oo tama ka. Pero noon iyon, hindi na ngayon. Masyado ng maraming luha ang sinayang ko sa iyo. Wala ka naman pa lang kwenta. Pinagsisisihan kong minahal kita. Pagod na ako sa iyo. Kaya mabuti pang tapusin na natin ito." Malakas na tumawa si Valerian bago pumalakpak. Habang si Alorna, nanatiling blangko ang itsura nito. Lalo siyang nakaramdam ng inis. Mas natutuwa siyang makitang nasasaktan at lumuluha si Alorna. Iyon ang nagiging ganti niya sa pagkakakulong niya sa marriage na iyon. "Sige, bukas na bukas magpa-file ako ng divorce. Ako pa ang tinakot mo. Matagal ko ng gustong makalaya sa iyo, Alorna. Matagal kong hinintay ang araw na makalaya sa kulungang kasalan na ito," saad niya bago umigting ang kanyang panga. Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Alorna. "Okay fine. Don't worry, pinapalaya ka na. Pagkatapos nito, wala na tayong pakialamanan pa sa isa't isa. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin at ganoon din ako." Hindi na inubos ni Alorna ang pagkain niya. Inilagay na lamang niya ito sa lababo at saka umakyat na patungo sa kanyang kuwarto. Naningkit ang mga mata ni Valerian sa inis habang nakasunod ng tingin sa kanyang asawa. 'Sino ba siya sa inaakala niya? Ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyan! Siya naman itong may gustong ikasal kami! Akala niya nagbibiro akong magpa-file ako ng divorce? Tingnan lang natin kung sino ang maghabol sa ating dalawa.' Muling nagsalin ng tubig si Valerian sa kanyang baso bago mabilis na inubos iyon. Humugot siya ng malalim na paghinga habang mahigpit ang hawak niya sa baso. KINABUKASAN, kinausap niya ang kanyang abogado para asikasuhin ang divorce papers nilang dalawa. Binabalot siya ng matinding inis dahil hindi siya sanay na gano'n ang reaksyon ni Alorna. Sanay siyang palagi itong nagmamakaawa sa kanya at palaging lumuluha. Hindi siya umuwi ng bahay kinagabihan. Hinihintay niya nga kung magme-message sa kanya si Alorna. Kapag kasi hindi siya umuuwi ng bahay noon, ang daming message sa kanya ng asawa niya. Nag-aalala si Alorna kung nasaan na ba siya. Kung saan siya natutulog. Pero sumapit na lang ang madaling araw, walang kahit anong message sa kanya si Alorna. Asar siyang natawa. 'At talagang nagmamatigas ka na ngayon, Alorna? Ano ang akala mo sa akin? Madadala mo ako sa pagmamatigas mo? Hindi mo ako mapapaikot, Alorna. Hindi ako maghahabol sa iyo dahil wala ka namang kwenta.' Sumunod na araw, umuwi na si Valerian sa kanilang bahay dala ang divorce papers na pirmado na niya. Saktong pagpasok niya sa bahay nila, lumabas ng kuwarto si Alorna. Kumunot ang noo niya dahil nakabihis ang kanyang asawa. Medyo revealing ang suot ni Alorna. Hindi naman niya maitatanggi ang magandang hubog ng katawan ni Alorna. Hour glass body. "Pirmahan mo na itong divorce papers. Para maipasa ko na sa korte," wika niya sabay lunok ng laway. Hindi siya tiningnan ni Alorna. Kumuha ito ng ballpen bago mabilis na pinirmahan ang dokumentong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata. Umaasa siyang iiyak pa si Alorna at magmamakaawa sa kanya na huwag ituloy ang paghihiwalay nila pero walang nangyaring ganoon. "Tapos na. May pipirmahan pa ba?" nakataas ang kilay na sabi ni Alorna. Nakatitig lamang siya kay Alorna bago umigting ang kanyang panga. "Talagang nagtatapang-tapangan ka?" Bumuga ng hangin si Alorna sabay suklay ng kanyang buhok gamit ang kanyang daliri. "Kung wala ka ng mahalagang sasabihin, aalis na ako. May party pa akong kailangang puntahan. Maiwan na kita." Malalaki ang hakbang ni Alorna patungo sa garahe. Kulang na lang umusok ang ilong ni Valerian sa galit habang nakasunod sa sasakyan ni Alorna paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD