3

1038 Words
Maagang nagising si Alorna, hindi dahil sa alarm kundi sa natural na liwanag na pumapasok mula sa floor-to-ceiling windows ng kanyang silid. Mula sa kama, tanaw niya ang hardin na may fountain sa gitna, at ang malawak na beranda kung saan madalas siyang uminom ng kape. Hindi siya nakatira sa maliit na apartment gaya ng inaakala ng iba. May sarili siyang kumpanya, isang interior design firm na kilala sa buong siyudad. Ang bahay na ito, malaki at elegante, ay disenyo mismo ng isip at kamay niya. Moderno, maluwag, at puno ng natural na liwanag. Pagkababa niya sa kusina, naghihintay na ang almusal mula sa kanilang chef. Ngunit sa halip na umupo, dumiretso siya sa opisina sa kabilang wing ng bahay. Isang silid na may dalawang malalaking mesa, blueprint rack at mga mood board sa dingding. Sa harap ng laptop, binuksan niya ang email. Marami nang naghihintay... mga bagong proyekto, supplier updates at meeting schedules. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho. Nire-review ang mga plano, tumatawag sa mga kliyente, at tumutugon sa mga urgent na concerns ng kanyang team. Habang tinatandaan ang listahan ng mga gawain, napahinto siya saglit. Sa tabi ng keyboard ay nakapatong ang isang lumang fountain pen. Regalo iyon ni Valerian noong unang taon nila bilang mag-asawa. Napasandal siya at napabuntong-hininga. 'Kamusta ka na kaya, Valerian?' Agad niyang inalog ang isip. 'Hindi. Focus tayo, Alorna. Hindi mo dapat iniisip pa ang lalaking iyon. Wala siyang kwenta.' Binuksan niya ang susunod na file. Isang high-end residential project para sa isang kliyente sa Tagaytay. Tinawagan niya ang lead designer para kumpirmahin ang mga adjustments. Sumunod, siya mismo ang nag-sketch ng bagong layout para sa living area. Kahit tuloy-tuloy ang galaw ng kamay niya sa tablet at ang boses niya sa cellphone. Sa kalagitnaan ng conference call, narinig niya sa background ng kabilang linya ang mahinang tugtog ng piano. Naalala niya tuloy ang mga gabi na si Valerian mismo ang tumutugtog habang siya ay gumuguhit ng mga plano sa kanilang lumang bahay. Natigil siya saglit. “Ma'am, ayos lang po ba kayo?” tanong ng isa sa mga staff. “Ah, oo. Tuloy lang tayo,” mabilis niyang sagot, tinatago ang bahagyang pagkalito sa sariling tono. Nang matapos ang tawag, umupo siya ng mas maayos. Sinipat ang kalendaryo at isiniksik ang oras para sa dalawang bagong site visits. Mas mabuti na abala siya. 'Tama lang ang ganito. Ang magpaka-busy.' Pagsapit ng hapon, pinuntahan niya ang isang on-going project. Pinagmasdan niya ang mga trabahador habang binubuo ang structural framework. Maingat niyang tiningnan ang detalye ng design, nagbigay ng adjustments at nagbiro sa foreman para magaan ang trabaho. Pero kahit sa gitna ng ingay ng construction, ramdam niya ang katahimikan sa loob. Parang may isang boses na gusto niyang marinig pero wala doon. Pag-uwi niya ng gabi, bumagsak siya sa sofa ng kanyang sala. Binuksan ang laptop at muling nagtrabaho. Kahit tapos na ang opisyal na oras. Habang nagta-type ng email, napatingin siya sa framed photo sa shelf.... larawan nila ni Valerian. Nakangiti sa isang gala night noong magkasama pa sila. Pinilit niyang ngumiti pabalik. Pero sa huli, ibinalik ang paningin sa monitor. 'Trabaho muna. Bukas ulit.' MAGHAHATINGGABI na nang matapos ni Alorna ang huling tawag sa overseas supplier para sa bagong leather imports. Nakasandal siya sa swivel chair, hawak ang isang tasa ng malamig nang kape. Tahimik ang buong opisina. Tanging ilaw mula sa desk lamp ang sumisinag sa paligid. Kahit abala siya buong araw hindi niya maiwasang madako ang isip sa isang mukha. Matangos na ilong, matalim na tingin at malamig na tinig. Si Valerian. Hindi niya alam kung bakit. Pero sa kabila ng lahat ng sakit may parte pa rin ng puso niya na naghahanap dito. Para bang may kulang sa bawat tagumpay kapag wala ito sa tabi niya. Naputol ang pag-iisip niya nang bumukas ang pinto. “Uy, pinsan,” bati ni Grace na may dalang paper bag. “Dinalhan kita ng dinner. Alam ko hindi ka na naman kumain ng maayos. Sira ka talaga," pagpapatuloy ni Grace. Napangiti si Alorna at kinuha ang bag. “Salamat. Kanina pa ako gutom pero hindi ko namalayan.” Umupo si Grace sa harap ng mesa. “Alam mo, hindi masama magpahinga paminsan-minsan. Hindi ka robot.” “Mas mabuti nang abala. At least, wala akong oras para mag-isip ng mga… bagay,” sagot ni Alorna na hindi makatingin ng diretso. Tumango si Grace. Pero seryosong nakatitig. “Valerian, ano? Alam mo, Alorna kahit anong dami ng trabaho mo, kung may puwang pa rin siya sa puso mo... kailangan mong harapin ’yon.” “Hindi naman sa-” “Hoy,” putol ni Grace. "Huwag na huwag mo nang babalikan ’yon. Wala kang utang na loob sa kanya para hayaan mong saktan ka ulit. Hindi ka laruan. Hindi mo siya kailangan para maging buo. Huwag kang tanga," mariing sabi ni Grace. Nanahimik si Alorna at tinitigan ang tasa ng kape. “Alam ko. Pero… hindi ganoon kadali.” “Alam ko rin,” malumanay na sagot ni Grace. "Pero isipin mo lahat ng tiniis mo. Lahat ng pinundar mo mag-isa. Lahat ng pagkakataon na pinalamig ka niya kahit binibigay mo ang init mo. Kung babalik ka sa kanya, parang ibinabalik mo ang sarili mo sa kulungan.” Humugot ng malalim na buntong-hininga si Alorna. “Hindi ko naman plano… pero minsan, gusto ko lang maramdaman ulit na may-" “Na may nagmamahal?” singit ni Grace. "Sus, hindi si Valerian ang sagot diyan. At hindi mo kailangan maghanap agad. Kasi Alorna, minahal mo na ang sarili mo sa wakas. Huwag mo nang sirain ’yon. Umayos ka nga!" sabi pa ni Grabe. Sandaling natahimik ang dalawa. Sa labas, tanaw ang city lights. Mga ilaw na para bang nagpapaalala na may buhay pa sa labas ng sakit. Ngumiti si Alorna kahit may bahid ng lungkot. “Salamat, Grace.” “Anytime, pinsan,” sagot nito sabay tapik sa kamay niya. “Ngayon, kumain ka na. Hindi mo pwedeng gawing dinner ang kape.” Napatawa si Alorna at sinimulang buksan ang pagkain. Kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya. At kahit may mga alaala pang kumakapit sa puso niya.. alam niyang may mga taong handang paalalahanan siyang huwag nang bumalik sa dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD