4

1230 Words
Mainit ang sikat ng araw na sumalubong kay Alorna pagpasok niya sa main entrance ng Beauty and Carry Company. Ang salamin na pader ng gusali ay kumikislap na para bang sumasalamin sa kinang ng kaniyang tagumpay. Sa bawat yapak niya, sumasabay ang mahinahong tunog ng high heels na parang sinasabi sa lahat ng naroroon na narito ang may-ari. Pagbukas ng glass doors, agad na sumalubong ang mga empleyado. Ilang bumabati at ilang tila hindi maalis ang tingin sa kaniya. Hindi lang dahil sa ganda at postura niya. Kundi dahil alam nilang siya ang utak at puso ng kumpanyang nagpapaikot sa milyong kita kada buwan. “Good morning, Ma’am Alorna,” bati ng kaniyang secretary si Mariz, sabay abot ng schedule folder. “Good morning,” magiliw niyang tugon. Sinilip niya ang mga nakalista. “Board meeting ng 9:30 am, product development check mamayang 11:00 am, tapos media interview bago lunch. Tight schedule, but let’s stick to it," mabilis na sabi ni Alorna. Sa loob ng conference room, puno ng presentasyon. Market updates at sales reports. Tahimik ang lahat tuwing magsasalita siya. Hindi lang siya CEO sa titulo. Alam niya ang bawat detalye ng produkto. Mula sa disenyo ng handbag hanggang sa pormulasyon ng bagong lipstick shade. Habang nakikinig sa report ng marketing head, napahawak siya sa tasa ng kape. Sa labas ng salaming dingding, tanaw ang siyudad na minsang pinangarap niyang makita kasama si Valerian. Bahagyang kumirot ang dibdib niya. 'Huwag ngayon, Alorna. Nasa trabaho ka.' Pagkatapos ng meeting, agad siyang dumiretso sa product lab. Pinagmasdan niya ang prototypes ng bagong koleksyon. Dumampi sa daliri niya ang premium leather ng bagong bag design. Malambot pero matibay. Parang sinasabi sa kaniya na kaya niyang maging elegante. “Tamang-tama ito para sa winter launch,” sabi niya at saka nilagdaan ang approval form. Sa gitna ng lahat ng iyon, hindi niya namalayang nakangiti na pala siya. Oo, nami-miss niya si Valerian. Pero sa bawat produktong lumalabas sa kaniyang kumpanya, nararamdaman niyang muli niyang binubuo ang sarili. Pagsapit ng gabi, handa na si Alorna para sa isang prestihiyosong gala na dinaluhan ng mga pinakamalalaking pangalan sa fashion at negosyo. Naka-black silk gown siya na bumagay sa kaniyang makinis na balat at matapang na postura. Ang buhok ay maayos na naka-updo, at sa bawat hakbang ay parang runway model ang dating. Pagsapit niya sa venue, bumungad ang mga flash ng camera. “Ma’am Alorna, this way!” tawag ng isang photographer. Ngumiti siya, sanay sa spotlight. Pero sa loob-loob niya, alam niyang trabaho lang ito. Isa pang paraan para manatiling abala at hindi isipin ang lalaking sinaktan siya. Habang lumalalim ang gabi, nakikipag-usap siya sa investors, pumipirma ng ilang kontrata at tumatanggap ng pagbati mula sa mga kilalang personalidad. Magaan ang lahat. Hanggang sa maramdaman niya ang isang presensya. Isang malamig na hangin ang tila dumampi sa batok niya. Parang mabagal ang pag-ikot ng paligid habang dahan-dahan siyang lumingon. At doon sa kabilang dulo ng hall… nakatayo si Valerian. Matangkad, nakasuot ng dark tailored suit, at nakatingin diretso sa kaniya. Walang ngiti. Walang salita. Tanging titig na parang naghuhukay ng lahat ng pader na itinayo niya nitong mga nakaraang buwan. Mabilis ang t***k ng puso niya. Pero hindi niya ipinakita. Lumapit siya nang dahan-dahan, dala ang pinakamagandang postura na kaya niya. “Valerian,” malamig niyang bati nang magkalapit sila. “Alorna,” mahinang sabi ni Valerian. Bago pa siya makasagot, yumuko si Valerian at bumulong sa tainga niya.... “Hindi pa tayo tapos.” Sandali siyang natigilan sa bulong ni Valerian. Para bang umalingawngaw iyon sa loob ng isipan niya kahit napakaiksi. Ang mabangong halimuyak ng pabango nito ay biglang nagbalik ng mga alaala. Ang init ng kamay nitong minsan ay humawak sa kaniya, at ang lamig ng mga gabing iniwan siya nitong mag-isa sa kanilang mansyon. Pero ngayon, hindi siya si Alorna na tahimik na lang sa gilid. Umangat ang baba niya at pinanatili ang mga mata sa dating asawa. “Kung tapos man o hindi, Valerian,” malumanay pero matalim ang boses ni Alorna. "Hindi na ikaw ang may hawak kung kailan ko isasara ang kabanata ng buhay ko. Wala ka ng karapatang diktahan ako, Valerian. Hindi mo na ako mapapasunod pa," matigas niyang sabi. Bahagyang kumunot ang noo ni Valerian. Ngunit nanatili itong walang ngiti. “Hindi mo ako kilala ng lubusan, Alorna,” tugon nito sa kanya. Mababa ang boses pero puno ng kontrol at maawtoridad. “At darating ang araw na gusto mong pakinggan ang mga sasabihin ko," dagdag pang sabi ni Valerian. Sa bawat salitang iyon dama niya ang tahimik na pag-angkin. Hindi galit pero may halong babala ang mga sinasabi ni Valerian. Napansin niyang ilang tao sa paligid ay patagong nakatingin sa kanila. Ayaw niyang maging sentro ng tsismis sa gabi ng trabaho. Kaya ngumiti siya. Ang uri ng ngiting pang-camera at bahagyang umatras. Tinalikuran siya para kausapin ang isang investor. Pero kahit nakangiti siya, sa loob-loob niya ay kumakabog ang dibdib. Hindi pa tapos ang laban. Pagkatapos ng event, nakaupo siya sa likod ng kaniyang black luxury car, nakatanaw sa labas habang dinaraanan ng sasakyan ang mga ilaw ng siyudad. Sa kamay niya, hawak pa rin niya ang wine glass na inabot ng waiter kanina. Hindi niya naubos. Bumalik sa isip niya ang paraan ng pagkakatitig ni Valerian. Hindi iyon basta titig. Para iyong susi na kayang buksan ang mga lihim na itinago niya. “Ma’am?” putol ng driver sa tahimik na gabi. “Diretso po ba tayo sa bahay?” “Mm,” maikling sagot niya. “Oo, sa bahay.” Nilingon niya ang kanyang cellphone. May tatlong tawag mula kay Grace, ang pinsan niyang mahilig mangulit. Pag-uwi niya sa mansyon, agad niyang tinawagan ito. “Hoy, Alorna! Kumusta ka sa event? Nakita mo ba-” “Si Valerian? Oo, nakita ko,” mabilis niyang sagot habang tinatanggal ang hikaw at inilalapag sa vanity table. “Oh my God! At anong ginawa mo?” “Wala. Kinausap ko lang ng maayos. Hindi ko siya hahayaang sirain ulit ang composure ko.” Tahimik si Grace sa kabilang linya bago nagsalita. “Alorna… promise me, never, as in never kang babalik sa kaniya. Wala siyang ginawa kundi saktan ka noon.” Napapikit si Alorna. Naalala niya ang mga gabing naghintay siya sa hapag habang lumalamig ang inihanda niyang hapunan. Naalala niya ang mga pagkakataong hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Valerian kahit anong effort niya. “Alam ko, Grace,” sagot niya. “Pero minsan… kahit alam mong masama para sa iyo, naiisip mo pa rin.” “’Yan ang tinatawag na lason na may halong asukal,” balik ni Grace. “Masarap sa simula, pero unti-unting papatay sa iyo. Kaya iwasan mo.” Napangiti ba lang si Alorna sa sinabi ng kanyang pinsan. Pero alam niyang may bigat ang sinabi nito. Pagsapit ng hatinggabi, nakahiga na siya sa malambot na kama, nakatingin sa kisame. Tahimik ang buong mansyon. Hanggang sa tumunog ang kaniyang telepono. Isang text message mula sa unknown number. “Hindi pa ako tapos sa ’yo. Magkikita tayo muli.... sa oras na ako ang pipili.” Napahawak siya sa dibdib. Walang pangalan, pero alam niya kung kanino galing. Muling bumalik sa pandinig niya ang malamig na bulong ni Valerian sa gala. At sa dilim ng kuwarto, hindi niya alam kung kaba ba o pananabik ang unti-unting bumabalot sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD