"Ahh..." daing ni Charlie. "Charlie... Charlie!" Tumayo si Steph at nilapitan ito. "Gumising ka!" "S-Stephanie?" Nilinga-linga nito ang paligid. "Nasaan tayo?" Bumangon ito at sumandig sa pader ng malamig na kweba. Nasapo nito ang noo dahil sa nararamdamang pagkahilo. Ipinikit nang mariin ang mga mata saka muling dumilat. Unti-unting luminaw ang paningin at nabawasan ang panlalabo ng mga mata. "Aba ewan ko, kweba 'to ng nanay mo, eh." Umingos si Steph. "Bumangon ka na riyan." "Paano tayo napunta rito?" Sinapo ulit nito ang noo, medyo nahihilo pa rin ito pero kaya na niya. "Aba, ewan ko rin sa 'yo. Ikaw ang nagdala sa akin dito, eh." Inirapan ito ni Steph. "Ano ba ant pumasok sa isip mo at dinukot mo ako?" "W-Wala akong maalala." Tiningnan nito si Steph. "Ayos ka lang ba?" "Hindi. An

