Prologo
Maaliwalas ang mga ngiti ni Leinara habang tumatakbo sa kinaroroonan ng kanyang kaibigang si Ashton. Sinabi kasi nito na may mahalagang sasabihin.
Palubog na ang araw sa mga oras na iyon na lalong nakapagpapaganda sa view ng Liciada beach. Sumasalubong rin ang hangin na tumatama sa kanyang maputing balat, at sa paglipad ng kanyang buhok palikod.
"What you wanted to say?" panimula ni Leinara kasabay ng kanyang matamis na ngiti.
Nakabihis ang binata na tila pinaghandaan ang kanilang pagkikita ngayon. Malapad din ang ngiting pinakita ni Ashton sa kanya sabay sabing, "Ang ganda mo ngayon."
Namula ng bahagya ang mga pisngi ng dalaga sabay iwas ng tingin. "Tumigil ka nga! Ano ba kasi 'yong sasabihin mo?"
"Gosh, aamin na ba siya? Sabi na, may gusto rin siya sa'kin!" wika ni Leinara mula sa kanyang isipan. Lalo pang lumakas ang kanyang hinala dahil sa kung anong tinatago ni Ashton sa kanyang likod.
Pasimpleng ngumiti ang dalaga bago niya harapin ang binata sa normal niyang expresyon. "Spill it 'cause I have lots of work to do," palusot niya upang lalong pakabahin ang binata.
"Sure," at ngumisi ang binata bago ipakita ang kanyang dala na kanina pa niya tinatago sa kanyang likuran.
Labis ang naging pagkasabik ni Leinara hanggang sa makita niya ito.
"Pilipinas Pasaporte," mabagal na pagbasa ni Leinara sa nasa kamay ng binata. Pigil-hininga niyang tiningnan sa mata si Ashton na hanggang ngayon ay masaya pa rin.
"Kahit ako rin hindi makapaniwala na mag-aaral ako sa ibang bansa. I hope me and Shane will be in the same section." Binuklat ni Ashton ang kanyang passport at saka pinagmayabang sa dalaga ang litrato nito.
Pilit ang mga ngiti ni Leinara habang pinipigilan niyang hindi maluha. "Yes, still handsome." Bakas sa kanyang boses ang lungkot.
"Bakit malungkot ka? What's the problem, Lei?" nag-aalalang tanong nito sa kaibigang nasa dagat ang tingin.
Hindi agad nakasagot si Lei dahil sa oras na magsalita siya, alam niyang tutulo na ang kanyang mga luha at ayaw niyang makita iyon ng kanyang mahal.
"I always want to say how much I love him, how much I care for him, and how much I want him to love me back. I thought today is the day but..." wika niya sa kanyang isipan ngunit tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.
"Lei, why are you crying?" Hahawakan na sana ni Ashton ang kanyang balikat ngunit mabilis siyang lumayo.
"I'm happy that finally you are one-step apart to your dream. I would also be glad if Shane will accompany you in China," nakangiting wika ng dalaga ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay ang sakit ng katotohanang hinding hindi siya nito magugustuhan.
Muling ngumiti ng malapad ang binata. "Don't worry kasi kasama ko naman siya."
Sandaling napatitig si Lei sa kabuuan ng mukha ni Ashton. Mula sa makinis nitong balat, sa makapal niyang kilay, sa lalim ng kanyang mga kayumangging mata na nagreresulta ng katangusan ng kanyang ilong, sa makipot at mapula nitong labi, hanggang sa magandang porma ng kanyang panga.
"I'm sorry, marami pa akong gagawin. I can't take you off. Take care," mabilis na paalam ni Lei habang tumatakbo palayo.
Tinatawag pa siya ni Ashton ngunit nagbingi-bingihan na lamang siya dahil wala ng mas sasakit pa sa kanyang nararamdaman. Hindi na rin malinaw ang kanyang dinadaanan dahil sa kanyang mga luha ngunit kahit anong takbo ang gawin niya palayo sa binata, mas lalong kumikirot ang kanyang puso.