Mula sa magulo at maingay na syudad, hinihingal na tila nakikipagpatintero si Leinara upang iwasan ang mga batang naglalaro sa gitna ng eskinita.
Nadatnan niyang nakabukas ang pintuan ng kanilang magulo at maliit na bahay. Napailing na lamang siya at sinabi sa sarili, "They still don't know how to secure the house."
Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang pamilyar na boses na nanggagaling sa loob ng kanilang bahay. "Anong pakialam mo kung saan ko dinadala ang pera ko?!" boses ng kanyang amang lasing at may hawak pang bote ng alak.
Mabilis na pinuntahan ni Leinara ang pinanggagalingan ng pag-aaway.
"Jed, you're drunk! What I was asking from you is for our dinner but you spent all your money on drinking alcohol!" malakas na wika ng kanyang ina at pinipigilang maiyak.
Mabilis na pumagitna si Leinara at hinarang niya ang sarili sa ina bago pa man ito pagbuhatan ng kamay ng kanilang padre de pamilya.
"Dad, don't hurt Mom! Ang alak po ay sa tyan nilalagay, hindi sa init ng ulo! And can you stop spending your money to nonsense? You still have a family to provide needs," malakas ngunit may paggalang pa rin sa boses ni Leinara.
"Lei, he's drunk. Don't fight back, anak," nag-aalalang bulong ng kanyang ina mula sa kanyang likuran ngunit tila walang naririnig ang dalaga at tinapos ang nais sabihin sa ama.
Nanlisik ang mga mata ng pade de pamilya at lumalim ang bawat paghinga nito habang mahigpit nitong hawak ang bote ng alak na siyang naghatid ng takot sa dalaga na baka ihampas ito sa kanya.
Ngunit nabaling ang kanilang atensyon sa malalakas na pagputok ng baril mula sa labas ng kanilang bahay. Natatanaw din nila mula sa kanilang nakabukas na pintuan ang kanya-kanyang takbuhan ng mga tao papasok sa kanilang mga bahay.
"OMG! What's happening?!" tarantang bulalas ng kanyang ina hanggang sa tatlong lalaki ang tumigil sa kanilang pintuan.
Lalong nakapagbigay ng takot sa mag-ina ang laki ng kanilang katawan at ang hawak nilang mga rebolber.
Tuluyan nang napakapit si Lei sa braso ng kanyang ina nang ang isa sa mga armadong grupo ang lumapit sa nakatulalang padre de pamilya.
"Mr. Rubio, siguro naman hindi mo pa ako nakakalimutan. Siguro naman alam mo kung anong pakay ko ngayon," panimula ng lalaking malaki ang pangangatawan at mas matangkad pa kaysa sa kausap.
Napasalubong ang kilay ng mag-ina sa kung anong sinasabi ng armadong lalake.
"Mado, what's this?" halos mapiyok ang asawa dahil sa pagkalito sa nangyayari ngunit wala siyang natanggap na sagot.
Nakangising lumingon ang lalaki sa mag-ina kaya napa-atras sila ng kaunti. "Seems like your wife and your daughter know nothing," nakangisi nitong wika. "Don't worry, ako na ang magsasabi sa kanila."
Unti-unting nahimasmasan ang ama ni Leinara at sinubukan pang pigilang magsalita ang armadong lalaki.
"Recto, tayo na lang ang mag-usap. I know you will understand me–" Hindi natapos ng ginoo ang sinasabi nang patahimikin siya ng nagngangalang Recto.
"I won't buy your excuses anymore, Amado. We agreed that if you're not able to pay 2 million within two months, you will give me your remaining land at Liciada. May palugit ka pang isang buwan pero hindi ka tumupad sa usapan kaya kukunin ko kung anong dapat sa'kin."
Sa mga puntong iyon ni Recto ay lalong naguluhan ang mag-ina. Hindi makapaniwala ang naging reaksyon ni Leinara nang tumitingin siya sa balisang ama.
"Dad, akala namin binenta mo na lahat ng lupa natin?! Why do you still keeping 2 million-worth?! For what, Dad?! For your vices?! I hate you!" Hindi napigilan ng dalaga ang humagulgol dahil nagtiis silang tumira sa masikip at mabahong lugar na ito sa loob ng tatlong taon.
Naiinip na bumalik ang atensyon ni Recto kay Amado na hindi alam ang sasabihin.
"You decide, Amado. What will you give to me? The land..." Itinutok ni Recto ang baril sa mag-ina. "...or your family?"
Maagap na pinigil ni Amado si Recto, "Don't hurt them! Sige na, ibibigay ko na sayo, ngayon na rin mismo kaya 'wag mong sasaktan ang mag-ina ko."
Sa sandaling iyon ay agad rin namang inasikaso ni Amado ang mga dokumento para sa lupang magsisilbing kabayaran niya sa inutang niyang dalawang milyon.
Nang makaalis ang mga armadong lalaki, magdidilim na ngunit maliwanag pa rin sa kanilang mga isipan ang naging kaganapan.
"We didn't expect that you can do this to us, Amado. Tumigil si Lei ng tatlong taon sa pag-aaral para lamang tulungan tayo mula sa pagkaka-bankrupt na dahil din naman sayo," malamig na hinanaing ni Nerie–ang ilaw ng tahanan.
Hindi kumikibo si Amado. Napagtanto niya kung gaano niya pinagsisisihan ang nagawa ngunit tila huli na.
"We don't trust you anymore, Dad. Hinayaan namin na ikaw ang mag-asikaso sa lahat ng plano para sa family natin because we know that you can but to our surprise, inisahan mo pala kami." May bahid ng galit sa boses ng dalaga. Gusto na niyang umiyak ngunit pinipigilan niya lamang dahil gusto niyang ipakita sa ama na hindi siya nito katulad na mahina at hindi nag-iisip ng ikabubuti.
"Every hope that I had before was destroyed by you and the only one you can't take away from me is my daughter. That two-million worth was supposed to be my hope to somehow cure my heart disease pero naging bato pa," malumanay na wika ni Nerie at pinipigilang hindi umiyak.
Sabay na napatingin ang mag-ama sa kanya. "Mom, is that true?"
Napaawang ang bibig nila parehas nang tumango si Nerie habang nakayuko upang iwasan ang reaksyon nila.
"But why did you hide it also, Mom? You must told it earlier so that I can work harder for you and to–" Hindi natapos ni Leinara ang sinasabi nang mapansin nilang nahihirapan sa paghinga si Nerie.
"Mom, hold on!"