Bagsak ang balikat ni Leinara habang naglalakad sa hallway ng hospital at paulit-ulit na tinitingnan ang kabuuang babayaran nila para sa hospital expenses ng kanyang ina.
"Where can I find this six digit bill just within a week?" Nauubusan na siya ng pag-asa dahil hindi naman sapat ang kinikita niya sa pagiging waitress at cashier sa isang coffee shop.
"Breaking News!"
Napatigil si Leinara sa paglalakad nang marinig niya iyon mula sa hanging TV na nasa reception area.
"Nakatakdang babalik sa bansa bukas ang panganay na anak at tagapagmana ni Mr. Romualdo Fontevilla, ang may-ari ng pinaka-malaking hotel at bakasyunan sa Liciada. Mahigit tatlong taon ang inilagi ng kanyang anak sa bansang China upang matapos ang kursong may kinalaman sa kanilang negosyo. Makikita sa i********: account ni Ashton Fontevilla ang kanyang graduation picture at may caption pang, "Dedicated to all who helped me and supported me. I will never forget you." Marami naman ang nagbigay ng papuri at paghanga sa binata."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Leinara habang pinapakinggan ang balita. Mabilis siyang umalis sa reception area at tumungo sa ward ng kanyang ina kung saan kasama rin doon ang mga kapwa nito may sakit sa puso. Pinilit na lamang niyang huwag alalahanin ang narinig na balita.
"Mom, how are you?" masiglang tanong niya nang madatnan ang ina na inaayos ang kanyang pag-higa.
"Don't worry, Lei. Ako dapat ang magtanong sa'yo, nakakapagpahinga ka pa ba? Are you going to overtime at work again later?" nag-aalala naman nitong tanong.
Hinawakan ni Leinara ang mga kamay ng kanyang ina at saka ngumiti. "Mom, malaki na ako and I've been working for the past three years. I have no regrets po for missing my studies," pagpapagaan niya sa kalooban ng kanyang ina.
Bago umalis si Leinara ay binilinan niya ang ina na inumin sa takdang oras ang mga gamot na inireseta sa kanya ng cardiologist. Sinabihan niya rin ang ina na huwag masyadong magpapaka-stress sa ama kung sakali mang guluhin siya nito.
"Don't worry, my sweetie. Tatawagan kita agad kapag pinasama na naman ng Dad mo ang pakiramdam ko," natatawang biro ng kanyang ina.
Paglabas niya sa mismong hospital, napaupo na lamang siya sa isa sa mga benches, at nakaharap sa fountain sa 'di kalayuan.
Magtatakip-silim na at isang oras na lang ay babalik na siya sa coffee shop na hindi kalayuan sa hospital.
Mapait siyang napangiti habang pinagmamasdan ang makulay at nakakaakit na fountain.
"We had a good life before, but now, we are living the other way around." Mahina ang pagbulong niya sa hangin.
"Mommy, can we eat ice cream today?" wika ng batang babae sa hindi kalayuan. Napatingin si Leinara sa gawing iyon.
"Of course, when you feel better, so get well soon," malambing namang tugon ng ina nito.
Napangiting muli si Leinara habang pinagmamasdan niyang palayo ang mag-ina.
"I wish I could turn back our fate," muli niyang bulong sa hangin.
Nabasag lamang ang kanyang pagmumuni-muni nang mag-ring ang kanyang cellphone.
"Hello, Kate?" agad niyang tugon.
"May emergency sa bahay, kaya ikaw muna ang pumalit sa'kin. Please?" pakiusap ng kanyang kapalitan sa pagiging cashier na si Kate.
"No problem, patungo na ako," sagot niya sabay tayo at nagmamadaling umalis.
Sa kabilang banda naman, hindi magkamayaw ang mga tagapagsilbi sa paglilinis at paghahanda sa mansion dahil sa pa-welcome party ng pamilya at mga kamag-anak ni Ashton Fontevilla kinabukasan.
"Everyone, let's do our best. You are all invited tomorrow, so please let's make it tonight," pakiusap ng ni Mrs. Fontevilla, ina ni Ashton.
"Opo, Madam," magalang nilang tugon.
Masaya ang mga tagapagsilbi at lahat ng nanunungkulan sa pamilya Fontevilla dahil sa kanilang kabaitan. Ang kanila lamang ipinag-aalangan ay ang pangalawang anak ng pamilya na si Aerah, pitong taong gulang, dahil sa kaniyang ugali. Ayaw niyang kausap ang sinoman maliban sa kanyang mga magulang kaya nahihirapan din ang mag-asawa kung kanino siya iiwanan kapag papunta ang mga ito sa trabaho.
Habang abala si Mrs. Fontevilla sa paggabay sa mga tagapag-silbi kung anong mga dapat gawin, narinig niyang may tumatawag sa kanyang smartphone.
"OMG! It's Ash!" natutuwang wika niya bago sagutin ang tawag. "Hello, anak! I am excited to see you, and to hug you!"
"Mommy, we just met last month. You're still excited as if you didn't see me for years," natutuwang tugon ng binata.
"Of course, you are my son! Paano naman kita hindi mami-miss, aber?"
"Then I am on my way there," makahulugang wika ni Ashton.
Napaawang sandali ang panga ni Mrs. Fontevilla bago mabalik sa kanyang katinuan. "No way! Don't kid me," excited na wika niya.
"I just sent you a picture thru WeChat, Mom– wait! I'll gonna hang up first!" pagpapaalam ni Ashton bago patayin ang tawag.
"Ash! Wait, Ashton!" kinakabahang wika ni Mrs. Fontevilla habang dina-dial ang numero ng kanyang anak ngunit hindi na ito sumasagot.
Agad naman siyang nilapitan ng kanyang pamangkin na si Mia na sinegundahan naman ng isa pa nitong pamangkin na si Cristie, at tinanong kung anong problema.
"Ash told me that he's on the way but he suddenly hang it up!" kinakabahang tugon ng ginang at mahigpit ang hawak niya sa kamay ng kanyang mga pamangkin.
"Are you sure, Tita? Ash is already here?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mia. Agad namang tumugon ang ginang at pinakita ang mga litratong pinadala ni Ashton kanina lamang. Totoo ngang nakabalik na siya mula ibang bansa base sa mga lugar sa mga litrato.
Sa dako ni Leinara, napasalampak siya sa daan nang muntik na itong mahagip ng mamahaling sasakyan.
Agad na bumaba ang driver ng sasakyan at sinipat nito ang kanyang kalagayan.
"Dalhin na kita sa ospital, Miss," prisinta ng medyo may-edad na driver.
"Ah, hindi na po kailangan. Wala naman pong masakit sa'kin," maagap na tugon ni Leinara habang inaayos ang kanyang damit ngunit hindi niya pinahalata ang iniinda niya sa kanyang balakang.
Agad na bumaba si Ashton mula sa sasakyan at nilapitan si Leinara. Napatigil ang dalaga sa pag-aayos ng kanyang damit nang biglang may nag-aabot ng tseke sa kanyang harapan.
Sinundan niya ang kamay na iyon at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ito. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ng taong hindi niya inaasahang makita.