Forgotten?

1178 Words
Balisa si Leinara habang naglilinis ng sahig. Sinamantala niya itong gawin habang wala pang kustomer sa coffee shop. Hindi maalis sa kanyang isipan ang kagandahang lalaki ng kanyang unang pag-ibig. "Bakit hindi niya ako nakilala?" nag-tatakang tanong niya sa kanyang sarili. Saktong nasa tapat siya ng maliit at bilog na salamin na nakadikit sa pader. Sinipat niya ang kabuuan ng kanyang mukha. "Am I that too old for my age? It's just three years has been passed," dismayadong kumento niya. "Someone rejected you?" Isang malalim na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang mop. "Boss, you scared me to death," nahihiyang wika ng dalaga. Natawa ng kaunti ang kanyang amo habang dinidisplay ang mga slice ng cakes na siya mismo ang gumawa at nag-design. Lumapit si Leinara sa kanya. "Boss, may tanong ako sa'yo," panimula niya habang pinupunasan ang menu malapit sa cashier. "Huwag lang tungkol sa pera, I'm not yet a billionaire." Biro niya habang hindi pa rin natatapos sa ginagawa. "I know, I know. I will never ask about money from you if it's not my salary," natatawang tugon ni Leinara. "Pero 'yon nga, is it possible for you not to recorgnize someone after not seeing her only for three years?" Salubong ang kanyang kilay at tila umaasa sa magiging tugon ng kausap. Sakto namang natapos na ng kanyang amo ang ginagawa. Tumingin ito sa kanya na parang nag-iisip din ng isasagot. Matangkad ito at maganda ang katawan. Sa katunayan nga'y marami ang mga babaeng nagiging kustomer sa kanyang coffee shop dahil sa kanyang kagwapuhan kahit pa mahigit 30 na ang edad. "Compared with your looks three years ago and today, there is no difference aside from your skin tone. You're darker now than before but it's still you," mahinahong tugon nito. "It's not me!" protesta ni Leinara. Pinitik nito ang noo ng dalaga. "Silly, I'm just making it easier for you to understand. Too defensive," pang-aasar sa kanya. Nahihiya namang napakamot sa batok si Leinara. Umisip siya ng paraan para hindi na usisahin pa ang naging tanong niya. "Bakit wala ka pang pamilya, Boss?" kaswal niyang tanong. "Siguro kasi nandito ka pa," makahulugang sagot nito bago siya iwanan ng kanyang amo at tumungo sa kusina. Naiwan namang napaisip si Leinara ngunit sa huli'y napagpasyahang tawanan na lang ang birong iyon. Nang gabi ngang iyon ay natuloy pa rin ang pa-welcome party para kay Ashton ngunit ang mga malalapit lamang sa kanila ang dumalo dahil biglaan lamang ito. Ngunit pagsapit ng umaga, itinuloy pa rin ang naka-handang araw para sa pagdiriwang ng pagbabalik ng binata. Marami ang nagbigay ng papuri at nagpahatid ng iba't isang regalo para kay Ashton. Kahit na pagod pa ito mula kagabi, kinailangan niyang magpakita ng paggalang at pagpapasalamat sa mga taong nais siyang makita. Ang ilan sa mga media ay inimbitahan at binigyan ng permiso sa pag-dokumento ngunit dadaan muna kay Mr. Fontevilla ang lahat ng clips na ipalalabas sa madla. Kung nais mang magtanong ng mga ito ay pagkatapos na ng patitipon at sa limitadong oras. "Thank you so much for the warm greetings, everyone. I am looking forward for the successful collaborations and innovations of our companies in the near future. Cheers!" Isang masiglang closing statement ang pinakawalan ni Ashton sa lahat. Napuno naman ng palakpak at tunog ng mga wine glasses na nakikipag-cheers sa isa't isa. Sa pagkakataong iyon ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang isa sa mga interviewers upang lapitan ang binata na pababa sa stage. "First of all, congratulations, Sir Ashton. The fans and I would like to know why Miss Shane Forrest isn't here yet? How is she since you both went into the same foreign university?" Napatawa ng kaunti si Ashton. "Fans? I'm not a celebrity or consider myself as famous, but yeah, thanks for the support! Anyways, with regards to Shane, she's still in China for her completion and we're hoping for her to come home soonest. That's all," tuluy-tuloy niyang tugon. Isang tanong naman ang muli niyang sinagot tungkol sa umano'y kasal nilang dalawa pagbalik ni Shane dito sa bansa. "No comment," tipid niyang tugon bago sumenyas na hindi na siya tatanggap pa ng anomang katanungan. Ilang sandali pa'y ang ina ni Shane ang sumalo ng tanong. "Shane is a smart and beautiful lady, and both of them have their own careers to take. You'll get notified when they're ready," nakangiting tugon nito. Mawawari ang pagka-elegante at yaman niya dahil sa mga nagkikinangang puting perlas sa palibot ng kanyang leeg. Natapos ang pagdiriwang kasama ang mga kamag-anak, investors, at malalapit na kaibigan ng mga magulang ni Ashton lalo na sa negosyo. Kinaumagahan ay alas onse na gumising si Ashton. Sapat na ang ilang oras na iyon upang makabawi ng pahinga at tulog. Nadatnan niya sa kusina na naghahain na ng tanghalian ang mga kasambahay. Naroon na rin ang kanyang ina at dalawang pinsang babae. "Good morning!" sabay-sabay nilang bati sa kanya. "Hey there," bati nito pabalik habang patungo sa fridge at kumuha ng tubig. "You grown up too fast, Ash. Akala ko hindi ka na tatangkad," biro ni Mia na sinabayan pa ng tawa. "Well, you underestimated our own genes," biro nito pabalik na ikinatawa naman ng lahat. "By the way, Kuya Ash, Mommy told me to take you in different places here. Tita agreed already. Are you gonna come with me today?" Si Cristie naman ang nagsalita. Mas bata lamang ito ng dalawang taon ngunit kuya ang turing nito sa binata. "Of course. You're my favorite cousin," tugon niya upang asarin si Mia. "Look, Tita! He's still unfair!" Kunwari'y naiinis ito bago sinundan ng tawa. Ganyan sila makipag-kulitan sa isa't isa. Mag-aasaran at magtatawanan. Tinupad nga ni Ashton na sumama sa kanyang pinsan. Dahil limitado na lamang ang oras nila sa pamamasyal, dalawang lugar lamang ang napuntahan nila; ang ocean-themed park na Fontevilla mismo ang nagpatayo, at ang sikat na beach na may artificial sand. Matapos nilang masilayan ang sunset, inaya siya ni Cristie na sumaglit sa paborito nitong coffee shop sa hindi kalayuan. "This coffee shop is the best, Kuya. You'll like it, I bet!" sabik na parang bata ang kanyang reaksyon. Napangiti na lamang si Ashton dahil hindi pa rin nagbabago ang pag-uugali ng kanyang paborito at pinakabatang pinsan. "As long as you're happy." Sakto namang kararating ni Leinara upang magtrabaho sa parehong coffee shop, dahil siya'y naka-uniporme na, tinawag siya ng dalaga. Dahil namukhaan sila ni Leinara ay agad siyang tumalikod at nagkunwaring hindi narinig. Mabilis siyang nagpunta sa counter area at sinabihan ang kanyang katrabaho na ito muna ang kumuha ng kanilang order. Dahil may kalapitan sila sa kanyang pwesto, medyo naririnig niya ang kanilang usapan. Matapos masabi ni Cristie ang kanilang order na dalawang Latte at isang strawberry shortcake, nabaling sa ibang paksa ang kanilang pinag-uusapan. "When will you visit Liciada, Kuya?" "Maybe the other day or next week? I'm not sure." Patango-tango si Cristie. "How about visiting Ate Lei?" makahulugang tanong nito na nakapagpakunoot sa noo ng binata. Agad na dinalaw ng kaba si Leinara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD