Chapter 8 Meet her friends

2217 Words
Angelo Sky Itinigil ko ang aking kotse sa harap ng isang resto bar na may pangalang Sweet Heaven. "Open the door. Do I really need to command you every now and then?" sarkastiko niyang sabi. Tinapunan ko lang siya ng tingin at mabilis nang bumaba at pinabuksan ang mahal na Reyna. Pagkababa niya ay naglakad na siya papasok pero nang mapansin siguro niyang di ako sumunod ay huminto siya at liningon ako. "Follow me!" maawtoridad niyang sabi kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Mabuti talaga at may mahaba akong pasensya dahil kung hindi baka kanina ko pa pinatulan ang babaeng ito. Pagkapasok namin sa loob ay halatang hindi basta-basta ang buong resto bar. Mga mayayaman lamang ang makaka-afford nito. May mga iilang kumakain habang ang iba ay umiinom. Naglakad si Belleza patungo sa may hagdanan kaya mabilis rin akong sumunod sa kanya. Mga nasa labing limang baitang ang hinakbang namin bago makarating sa ikalawang palapag. Pabilog ang style ng nasa ikalawang palapag at may tatlong pintuan na medyo may kalayuan ang pagitan sa bawat isa. Huminto si Belleza sa isang pintuang nakasara. Alam ko na ako ang hinihintay niyang magbukas ng pintuan para sa kanya. Kaya ganun ang aking ginawa pero bago ko tuluyan pihitin ang door knob ay humarap ako sa kanya. "I just want to remind you that we have a meeting tomorrow," mahina kong sabi. "I don't care, open the door, now!" singhal niya sa akin. Napapailing na lang akong binuksan ang pintuan. Sumalubong sa amin ang nagkakasayahang boses. Nanatili ako sa likuran ni Belleza hanggang sa tuluyan na siya nakapasok. "Oh my daks!" rinig kong tili ng isang babae na patakbo sa gawi ko ay namin pala. "Your late, Maria," sabi niya kay Belleza bago inilahad ang kamay niya. Nakita kong napapailing si Belleza bago may kinuha sa kanyang dalang sling bag at iniabot sa kaharap. Nanlalaki naman ang mga mata ng babaeng tumanggap sa binigay ni Belleza na isang susi. "Happy birthday, Joy," bati ni Belleza at humalik sa pisngi ng tinawag niyang Joy na nanatiling nakatulala. "Finally your here!" Sabay pa kami ni Belleza na lumingon sa pinanggalingan ng isa pang boses. Dalawang babae ang papalapit sa amin. One is wearing a black dress while the other one is red dress. Halatang may mga lahi dahil sa tangkad at awra nila. "Ofcourse. I won't be missing at Joy special day," nakangiting bati ni Belleza at nakipagbeso sa dalawang babae. "Hey, Joy! What happened to you?" Tinapik nung nakablack dress 'yung tinatawag nilang Joy. Ilang beses kinurap-kurap ni Joy ang kanyang mga mata bago malakas na tumili. "What the f*****g gift!!" tili niya habang itinataas ang hawak na susing ibinigay ni Belleza kanina. Nakita kong nanlaki ang mga mata ng dalawang babaeng lumapit sa amin. "Yo-your not serious Maria!" bulalas ng babaeng naka-red dress. "f**k! Lucky b***h!" sabi naman ng naka-black gown habang si Joy ay tuwang-tuwang ipinapakita pa sa dalawa ang susing hawak na tila iniinggit sila. Hanggang sa mapagawi ang tingin ng naka-black gown sa aking gawi. Tumaas ang isang kilay niya at lumipat ang tingin kay Belleza at bumalik sa akin. "Who we have here?" tanong niya na hindi ko alam kung ako ang kinakausap o si Belleza. Tumuon na rin ang tingin nung Joy at ang naka-red dress sa akin. Lumapit pa silang tatlo at pinaikutan ako na para bang isa akong kriminal. Tumigil sila sa pag-ikot at nagsalita 'yung naka-black dress habang pinalipat-lipat niya ang tingin sa aming dalawa ni Belleza. "Maria, when did you have interest wearing a couple outfit?" kaswal niyang tanong na muntik ko ng ikaubo pero pinigilan ko dahil sa mga matang nakatutok sa akin. "His my new toy. Enjoy!" pagkasagot ni Belleza ay lumakad na ito palayo sa amin habang ako ay naiwan sa tatlong babae na parang gusto akong ibaon ora mismo sa pagkakatingin nila sa akin. Tangna ako ang lalaki pero bakit pakiramdam ko magigilitan ako kapag namali ako ng galaw! "Follow us," sabi nung Joy. Nag-aatubili man ako ay sumunod pa rin ako sa kanila. Nagtungo sila sa may bar counter. Malaki ang lugar, may mga nakakalat na upuan at table sa buong paligid. May napansin rin akong lamesa kung nasaan may mga pagkain. Ang music ay sakto lamang hindi kalakasan kaya maririnig ang mga nag-uusap. "Sit," boses nung naka-black na dress ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Mabilis akong umupo sa stool na naroon. Nakatalikod ako sa may bar counter at isinandal ang aking likuran. Sa magkabilang gilid ko nakatayo si Joy at 'yung naka-red na dress habang sa aking harapan ay 'yung naka-black dress. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan ako. Ikaw ba naman palibutan ng mga naggagandahang babae. Pero alam kong hindi 'yun ang dahilan ng pawis ko kungdi ang mga mata kung makatingin sa akin ay parang ang laki ng kasalanan ko. Fucking s**t! "I'm Sofia Kaye," pagpapakilala nung naka-black dress. "Kathryn Joy here, the birthday celebrant." "Alexandra Nicole over here," saad naman ng naka-red dress. "We are Maria friends." Nanlaki ang mga mata ko ng isa-isa nila akong hinalikan sa pisngi. "Oh, we shocked him. Are you ok?" tanong ni Kaye. "Ahm, ye-yeah." Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at nagpakilala sa kanila. "I'm Angelo Sky Samaniego, Ms.Vazquez personal assistant s***h a....toy." Wala naman dahilan na ideny ko dahil sinabi na kanina ni Belleza nung nagtanong sila kung sino ako. "What a good name, nakakakilabot," sambit ni Kaye sa aking tenga na naghatid ng totoong kilabot sa aking buong kalamnan. "Do you have any idea whose the woman with you?" nakangising tanong ni Joy. "It's like you already want to die, my dear," sabi naman ni Nicole. Hindi ko maunawaan kung ano ang kanilang sinasabi. "Anong malalaman mo?" Nagsalubong ang kilay ko sa tanong ni Nicole at parang gusto ko rin matawa dahil halatang hindi siya marunong magtagalog ng puro. May accent ang pagkakabigkas niya at parang mali din. Napangiwi naman ang dalawa pa naming kasama bago binatukan ni Kaye si Nicole. "Arouch!" daing ni Nicole na hinawakan pa ang batok. "What is arouch?" tanong ni Joy. Umirap naman si Nicole at pinag-ekis ang mga braso sa kanyang dibdib. "A combination of aray and ouch," Pagmamalaki niya pang tugon na tila isang napakalaking achievement ang nagawa. "My gosh! Nicole! Where have you been this day and you just came up with those f*****g words. And please stop speaking in Filipino if you can't. The one you've said is wrong. It must be 'Anong masasabi mo?' kuha mo?" mahabang sermon ni Kaye dito. Nagkibit-balikat lamang si Nicole. "You two, shut up. Lets go back to our real topic!" singit ni Joy at muling itinuon sa akin ang atensyon nila. "Just like what I said before, Angelo right?" tumango ako. "Gaano mo ba kilala 'yang boss mo? Bakit pumayag kang maging laruan niya?" usisa ni Kaye. "Are you really sure about it? Are you aware that she is one of the scary person I met?" dugtong ni Joy. "And the heartless one!" sabat ni Nicole. Natigilan naman ako sa mga narinig. This ladies around me are Belleza friends and they are telling me who she is. Kung meron man nakakakilala sa kanya maliban sa ama ay sigurado ang mga ito. "Did we just scared him?" boses ni Nicole ang pumukaw sa akin. "No-no, I'm fine," mabilis kong sagot sa kanila. Pero mukhang hindi sila kumbisido sa sinabi ko. "Your handsome, you know. I like you... but...I don't want to mess with Maria business. I'm still love my life," sabi ni Nicole. "Alam mo bang walang iniiwanang laruan si Maria nang hindi..." tumigil si Kaye sa pagsasalita at inilapit ang bibig sa may tenga ko."wasak!" Parang nagsitaasan ang aking balahibo dahil sa sinabi niya. Nang tignan ko siya ay nakalayo na siya sa akin. "And she will make sure that every penny she spent is worth it," dugtong ni Joy. Napalunok ako sa kanilang mga sinabi. Ganun ba kasama ang anak ng Don? Pinilit kong patatagin ang loob ko at tinignan sila isa-isa bago ako nagsalita. "To see is to believe." Kita ko ang sabay-sabay nilang pagngisi. "I like the answer," si Joy. "Goodluck dear," si Nicole. "All the best," sabi ni Kaye na kumindat pa sa akin. "Come on, Joy! Let's try your new car," aya ni Kaye dito at nauna ng naglakad palayo. "Halika na Nicole." Paghila naman ni Joy kay Nicole. "Huwag mo akong habulin." Napangiwi ako sa sinabi ni Nicole. "f**k Nicole, it's 'huwag mo akong hilahin'. Don't speak tagalog! Por favor!(please)" rinig ko pang saad ni Joy. Lumibot ang aking mga mata upang hanapin si Belleza at nagtagpo ang aming mga mata. Nakatayo siya sa kabilang dulo ng lamesa kung nasan ang mga pagkain habang may hawak na kopita at pinapaikot ito sa kanyang isang kamay. Ako na ang unang nagbawi ng tingin. Humarap ako sa bartender at nagtanong, "Meron ba kayong beer dito?" Hindi ko kasi type ang mga mamahaling alak. Nakakainom naman ako kasama ang Don at siyempre sa mga party na dinadaluhan namin. Pero mas gusto ko talaga ang beer kesa sa anumang mamahalin na klase ng alak. "Wala po sir, rum po baka gusto n'yo po i-try?" magalang na sagot ng bartender sa akin. "Sige," sang-ayon ko na lang. Wala naman din akong choice. Mabilis niya akong binigyan ng isang baso ng rum na mabilis kong tinungga. "One more," hirit ko pa. Pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa akin. Mabilis naman akong binigyan ng panibagong served ng rum. Pinagdesisyunan kong tumayo at maghanap ng makakain dahil gutom pa talaga ko. Malapit na ako sa may mahabang lamesa ng may sadyang bumunggo sa akin kaya natapon ang hawak kong alak sa aking damit. "Oh! F*ck!" malakas na mura ng taong nakabunggo sa akin. "Sorry," sabi ko kahit siya naman ang bumangga sa akin kapagkuwan ay tinignan ko ito. Isang kasing tangkad kong lalaki ang nasa aking harapan na halatang may lahi. "Next time watch your step," medyo may kalakasan niyang sabi na umagaw ng atensyon ng mga malapit sa aming kinatatayuan. Ayoko na sana pahabain pa dahil ayoko makagawa ng eksena sa kaarawan ni Joy pero mukhang iba ang trip ng taong nasa harapan ko. "Let me pay for your shirt that I think is just cheap though it's your fault!" Hindi ko alam kung talagang sinasadya niyang lakasan ang boses upang umagaw ng eksena o ano. Nanlait pa ito! Dahil mukhang nagtagumpay siya ay sa amin na ang atensyon ng mga taong naroroon. "How much it-" "No need sir. I can handle it." Putol ko sa kanyang sasabihin at akmang tatalikuran na ito ng hinawakan niya ang aking braso. "Being rude is not good, bro. I was trying to be kind here," inosente pa niyang sabi habang nakangisi. Binawi ko ang aking braso at tinignan siya. "Why don't you tell that to yourself, sir?" sarkastiko kong sagot. Hindi ako pinalaking bastos pero hindi rin akong pinalaking duwag na hahayaan maliitin ako. "What did you say?" bulyaw niya sa akin. "Don't you dare answer back! By the way who invited you here? It's look like you are not one of us." Patuloy niyang pangmamaliit sa akin. Nakita ko sa peripheral vision sina Joy na papalapit na sa gawin namin. Habang nakarinig na ako ng mga bulung-bulungan na parang mga bubuyog! Sasagot na sana ako sa kanyang mga sinabi ng may magsalita mula sa aming likuran. "His with me," sabi ng boses na sigurado ako kung sino ang nagmamay-ari. Tumingin naman sa may likuran ko ang lalaki sa aking harapan. At kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Is....he your property?" tanong ng lalaki sa aking harapan. Naramdaman ko ang paghinto ni Belleza sa aking tabi. Gusto ko siyang tignan pero pinigilan ko ang aking sarili. "My new property, so..leave him alone," may pagbabanta sa boses niya na maging sa akin ay may hatid na kilabot. "Uh-oh, ok, ok." Itinaas pa ng lalaki ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Pagkaalis ng lalaki ay inilibot naman ni Belleza ang tingin sa paligid na nakatutok pa rin ang atensyon sa amin. "One," sabi ni Belleza at dumako ang tingin sa akin. Pansin ko naman na ang bilis magsibawi ng tingin ng mga tao sa paligid namin at bumalik sa kanya-kanyang paksa. Ganun sila katakot sa babaeng nasa harapan ko. "You!" Turo niya sa akin gamit ang kanyang hintuturo. "Leave!" Napakurap-kurap pa ako sa kanyang sinabi. "Hu-huh?" wala sa sarili kong saad. She rolled her eyes. "I hate repeating myself." Bigla na lang niya akong tinalikuran at akmang maglalakad na palayo ng mabalik ako sa aking sarili. "Wait! How about you?" mabilis kong tanong sa kanya ng maproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. "I can handle myself. Dont worry I will show up tomorrow," sabi niya at tuluyan ng humakbang palayo. Gusto ko pa sanang itanong kung paano siya uuwi nang mahagip ng mga mata ko si Alex. "More patience needed," sabi ni Kaye na diko namalayan nakalapit na sa akin. Sinulyapan niya ako at sumunod na kay Belleza. Tapik sa braso naman ang ginawa ni Joy habang si Nicole ay ngumiti ng matamis sa akin. Nagdesisyon na akong umalis dahil ramdam ko ang mapanghusgang mga tingin sa akin. Ramdam ko ang pagbaba ng aking pagkatao sa walang pakundangan pag-anunsyon niya na ako ay pag-aari niya na para bang isang gamit lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD