Angelo Sky
Naglalakad na ako papasok sa isang napakalaking gusali na may sampung palapag.
Pagkapasok ko palang kanina sa pinakagate ay kita ko na ang pagtataka sa mukha ng mga security. Nagtataka siguro kung ano ang ginagawa ko dito pagkatapos kumalat sa buong kumpanya ang pagkakatanggal ko.
"Good afternoon Sir Angelo," gulat na bati ni manong guard sa akin.
"Good afternoon din po," ganti ko sa kanya at bahagya ko pang tinapik ang kanyang braso bago tuluyan naglakad papasok.
Ramdam ko ang mga tinging ipinupukol sa akin. Pero dedma lang ang ginawa ko.
Tumigil ako sa harapan ng elevator kung saan may dalawa ring empleyadong babaeng nakatayo na mukhang naghihintay din sa pagbukas ng elevator.
"Paano kung alisin ng anak ni Mr.Vazquez lahat ng benefits na ibinigay ng tatay niya," rinig kong sabi ng nakakulay pink na blouse.
"Oo nga, eh, balita ko pa man din napakaspoiled daw nun tapos wala pa raw pakialam sa ibang tao. Naalala mo 'yung kaarawan ni Mr.Vazquez, ni hindi man lang siya nakisalamuha sa atin pagkatapos ipakilala ay umalis na," sabi naman ng isa pang babae na may hawak-hawak na folder.
Hindi ko sila kilala sa dami ba naman ng empleyado sa loob ng kumpanya.
"Nakakatakot tuloy, ang hirap pa man din maghanap ng trabaho ngayon." Hindi ko maiwasan makinig sa usapan nila dahil nasa likuran nila ako.
"Panalangin na lang natin na hindi ganun ang mangyari," muling sabi ng may hawak na folder.
"Don't you think is early to judge someone?" diko napigilan singit sa kanilang usapan.
Sabay naman silang lumingon sa akin na nanlalaki ang mga mata at nakanganga.
"Close your mouth ladies, baka pasukan ng lamok," biro ko ng di pa sila gumagalaw.
"Sir Angelo," sabay pa nilang bigkas.
Nginitian ko naman sila sabay lipat ng tingin ko sa kakabukas lang na elevator.
Kita ko ang pagkagulat din sa mga sakay nito na palabas na ngayon.
Bawat isa ay bumati sa akin na sinuklian ko na lang ng matamis na ngiti.
"So,...are you going to enter or...." sabi ko sa dalawang babaeng nanatiling nakatingin sa akin.
"A-ah yes sir." Unang nakabawi ang nakapink na blouse at hinila papasok ang kasama niya.
Sumunod na rin ako sa kanila. Tatlo lamang kaming nasa loob ng elevator.
"Sir, your back po?" tanong nung nakapink.
Tumango lamang ako.
"Ahmmm, sir pasensya na po sa nasabi namin kanina," sabi nung may hawak na folder habang nakayuko.
"It's ok, but next time be careful because once she is the one who heard that....I can't save you leaving the company," paalala ko sa kanila.
Sabay naman silang tumango.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay narating ko na ang ikasampung palapag kung nasaan ang aking opisina at ng ceo.
Pinagawan pa ako ng sariling opisina ni Don Arnulfo. Para daw may privacy ako. Nung una hindi ko maunawaan hanggang sa may bigla na lang siya pinadala na babae. Ang sabi mag-uusap kami tungkol sa negosyo.
Pero hindi negosyo ang pinag-usapan namin kungdi.....
Kung paano siya umungol habang binabayo ko sa loob ng aking opisina. That was before I met Loren.
"Mr.Samaniego, your here," pagsalubong sa akin ni Mrs.Salazar-ang sekretarya ni Don Arnulfo.
"Can we talk to my office?" tanong ko sa kanya. No need for proper greetings because we used to it.
Isa rin siya sa mga mapagkakatiwalaang tao ni Don Arnulfo.
"Ok, susunod ako." Tumango lamang ako at naglakad na patungo sa aking opisina.
Pagkapasok ko sa loob ng opisina ko ay iginala ko ang aking mga mata.
Marahas akomg napabuga ng hangin.
Parang pakiramdam ko ay nasasakal ako.
Siguro dahil sa loob ng opisina ko ay marami rin kaming mga ala-ala ng Don.
Lumakad ako palapit sa aking mesa at napadako ang tingin ko sa isang picture frame.
Si Don Arnulfo at ako nang matagumpay namin madala sa rurok ng tagumpay ang
Vazquez Shipping Company.
Mapait akong napangiti habang nakatingin pa rin sa litrato. Parang kelan lang.
"Ok ka lang iho? Kanina pa kasi ako kumakatok akala ko napano ka na," sabi ni Mrs.Salazar.
Ganun na ba kalayo ang narating ng isip ko.
"Pasensya na po." Umupo ako sa aking swivel chair. "Take a seat, Mrs.Salazar."
Umupo naman siya sa visitor chair at may iniabot na isang folder sa akin.
Nakakunot noo ko itong kinuha at nagtatanong tumingin sa kanya.
"An information of all the shareholders. Like how much their own share to the company. They been disturbing me after Don Arnulfo funeral. They planning to pull out and I think even some investor is doing too once Ms.Vazquez don't show up," mahaba niyang pahayag.
So, talaga ngang napakapangit ng imahe ng anak ng Don sa lipunan.
Kung sabagay ako mismo sa sarili ko ay napatunayan ko 'yun. Kaya nga nagtataka ako kanina at ako pa mismo sumuway sa dalawang empleyadong pinagsasalitaan siya ng masama.
"So, you two done talking?" Pukaw ni Mrs.Salazar sa nawawala ko na namang isip.
I focus my eyes on the folder I'm still holding since Mrs.Salazar gave it.
"Let's settle this for once..I know how you treasure the company too and now that we will having a new Ceo. We must be ready for all the changes if there is any. Inform all the shareholders that we will have a meeting tomorrow. But, don't tell them that ceo will come," mahaba kong paliwanag sa kanya.
Nakita ko ang pag-awang ng kanyang mga labi na tila isang imposibleng bagay ang aking sinabi.
"I will check on this and please inform all department to give me a report within this day. Thank you Mrs.Salazar." Binuksan ko na ang folder na inabot niya sa akin at sinimulan basahin.
Naramdaman ko ang kanyang pagtayo at paglabas ng aking opisina.
Buong maghapon kong inabala ang aking sarili sa mga kakailanganin para sa magaganap na meeting bukas.
Pero maya-maya ko rin kinukumusta si nanay. Buti na lang at nakagaanan ni nanay ng loob ang nurse niya.
Kungsabagay, mabait naman ang nurse niya at halatang alaga siya.
Kasalukuyan kong binabasa ang report mula sa accounting ng tumunog ang aking cellphone.
Nang tignan ko ito ay unregistered number, napakunot noo ako habang iniisip kung sino ito bago sinagot ang tawag.
"He-"
"Why taking so long to answer your f*****g phone, Mr.Samaniego?" bungad sa akin ng nasa kabilang linya na hindi man lang ako pinatapos magsalita.
So rude!
"Kalma lang, she's the boss," pakausap ko sa aking sarili.
"I'm sorry Ms.Vazquez. I'm busy at the moment. Do you need anything?" malumanay kong saad.
"It's already 5pm Mr.Samaniego. I need you now, pick me up at the mansion exactly 6pm." Bago pa man ako makapagsalita ay busy tone na naman ang sumalubong sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa wala akong magawa kundi sundin ito.
Tinapos ko na muna ang mga dapat kong tapusin na buti na lamang ay iilan na lang.
Makalipas ang halos bente minutos ay tumayo na ako para umalis.
Pagkalabas ko ng aking opisina ay nakita kong nakatingin sa akin si Mrs.Salazar.
Dahil madadaanan ko ang table nito bago makarating sa elevator ay tumigil muna ako sa harapan niya..
"Mauna na po ako, Ms.Vazquez called me and she wants to talk to me," imporma ko sa kanya. "Just be ready tomorrow 10am." Nang tumango siya ay nagpatuloy na ako sa pagtungo sa elevator.
Habang nagmamaneho ako papunta sa mansion ng mga Vazquez ay diko maiwasan maalala ang nangyari kaninang umaga.
Hindi ko alam na magkarelasyon ang anak ni attorney at si Belleza. Imposible namang hindi, kung makayakap ito kay Belleza kulang na lang ipasok sa bulsa nito.
Never din nabanggit ng Don ang relasyon ng mga ito kaya nagtataka ako. Dahil imposibleng hindi mababanggit ng Don ito sa akin o baka pati ang Don ay walang ideya.
Ano bang pakialam ko kung magkarelasyon sila.
Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan ng maging malaya ang daan nang mawala ang anumang gumugulo sa isip ko.
Pagkarating ko sa mansion ay dumiretso na ako sa looban.
Nakita ko si nanay Felisa na paakyat sa taas.
"Nay," tawag ko rito.
Lumingon siya sa akin. "Oh, iho, dito ka ba matutulog? Ipapalinis ko muna ang kwarto mo," sabi niya.
"Hindi po nay, nasaan po si Ms.Vazquez?Pinapunta niya po kasi ako," nakangiti kong saad.
"Ah, ganun ba. Sige sabihin ko lang nandito ka na. Alam ko nasa kwarto siya. "Tumango na lamang ako at pinagpasyahang magtungo sa may kitchen dahil nagugutom ako.
Kasalukuyan kong kakagatin ang tinapay na nilagyan ko ng peanut butter ng bumungad sa aking harapan si Belleza.
Nalunok ko tuloy ang sarili kong laway hindi dahil sa nahihiya ako na nahuli niya akong kumakain kungdi sa napakaseksi niyang awra.
"Hindi ka ba kumain?" tanong niya habang nakataas kilay.
Tinuloy ko ang pagkagat sa aking tinapay at nginuya ito bago nilunok pagkatapos ay uminom ako ng juice.
"I forgot to take lunch. What do you need?" tanong ko bago muling kumagat sa tinapay na hawak ko habang nakasandal ako sa kitchen island.
"Finish your food and be my driver," sabi niya kapagkuwan ay tinalikuran ako at iniwanan sa kusina.
Dahil sa narinig kong sinabi niya ay binilisan kong ubusin ang tinapay at ininom ang juice.
Inayos ko muna ang aking sarili bago siya hinanap.
Nakita ko siyang nakasandal sa hood ng aking kotse.
Why the f**k she looks so damn sexy. Wearing a black skirt above her knees and black sleeveless paired with black boots.
Nakikigaya ba siya ng style ko.
Tumikhim ako dahil busy siya sa kanyang cellphone.
Umangat ang kanyang tingin diretso sa akin.
"Anong meron sa kulang itim?" gaya ko sa tanong niya kanina sa akin.
Nginisihan niya lamang ako bago umalis sa pagkakasandal sa hood ng kotse ko at nagtungo sa may front seat.
"Open the door," utos niya.
Tila naman akong natauhan nang maalala ko ang sinabi niya kanina.
"Wa-wait. Bakit ako pa? May driver ka naman, diba? Kailangan ko pa puntahan si nanay," sabi ko sa kanya.
"Your mother has a private nurse and she will taking good care of her. Stop worrying and just drive!" madiin niyang sabi.
Napapikit na lamang ako upang pakalmahin ang sarili ko.
"Why are you doing this? Me, being your personal assistant doesn't mean I will be available anytime specially if it's not working hours," malumanay kong sabi.
She crossed her arms over her chest while giving me a sharp look.
"Should I remind you who you are or I mean what you are?" sarcasm filled her voice.
My fist clenched when I realized what she's trying to say.
"That's it, keep quiet and just follow everything I said. Ayoko ng mahabang usapan. Pero dahil nabuksan na natin ang usapan na ito. Lilinawin ko na sayo para hindi ka laging nagrereklamo." Lumakad siya palapit sa akin.
Pagkalapit niya ay naglakad siya papunta sa aking likuran habang ang hintuturo niya ay humawak sa aking balikat na ikinaintag ko. Gumapang ito papunta sa aking batok, papunta sa kabilang balikat ko at huminto roon.
"You will be my personal assistant in the company and my very own toy anytime. Meaning? Kung may iuutos ako sayo, ayoko makakarinig ng reklamo. The only words I want you to say is-Yes boss, yes Master or anything that you want to call me. I'm giving you the right to call me whatever you want." Napapikit ako ng dumampi ang mainit niyang hininga sa aking batok.
Why the f**k my buddy down there is reacting!
"Now, open the car and drive! I'm gonna be late!" Nagdadabog siyang naglakad pabalik sa pintuan ng kotse ko.
Habang ako ay idinilat na ang aking mga mata at pilit prinoproseso sa aking isipan ang sinabi niya.
"Hurry!" sigaw niya sa akin.
Napapailing na lang akong pinagbuksan siya ng pintuan at mabilis rin akong lumipat sa drivers seat.