Chapter 1
Joy's POV
"Sobrang ganda naman dito," mga salitang tanging lumabas sa bibig ko nang makita ang isang napakagandang hardin na punong-puno ng lilies.
Nasaan ba 'ko ngayon? Langit na ba 'to? Ang ganda eh.
"Miss, mag-iingat ka," mula sa boses ng isang lalaki.
Jusko ah. Ang creepy. Kanina ko pa tinatanaw 'tong malawak na hardin na ito at sure naman akong ako lang ang tao rito.
"Lord, ikaw na ba ‘yan? Ayoko pa po. Mahal ko pa po pamilya ko, ‘di pa po ako sasama. Madami pa po akong tungkulin sa buhay tsaka magpapakasal pa po kami ng boyfriend ko," mga salitang nasabi ko na lang para hindi ako kunin.
Malay ko ba kung si Lord talaga ‘yon ‘di ba?
"Gaga. Dinamay pa si Lord. Lumingon ka kasi," sabi no’ng boses lalaki??
Lalaki ba talaga 'to?
Lilingon na sana ako nang..
"Sinabi ko ng mag-ingat eh," sabi no’ng lalaki habang nakahawak sa braso ko.
Tatanga-tanga na naman si ate girl eh. May malaking bato pala sa unahan ko at matutumba na dapat ako nang bigla akong hinawakan nitong boses lalaki na ito.
Paharap na sana ako pero habang palapit na ko sa mukha niya eh nasisilaw lang ako. May katawan, yes. Pero sobrang liwanag ng mukha. ‘Yong katawan mami, borta. Nakakaloka.
"Bakit--" hindi ko pa natatapos ang itatanong ko sana nang bigla akong nagising sa liwanag mula sa kwarto ko.
Ah. Panaginip. Ah ge ge.
Pero in fairness, this is first time in a long time. I think, huling beses na nanaginip ako eh 4 months ago. Medyo matagal na rin. And I must say na lahat ng panaginip ko ay somehow connected sa life ko. It's somehow related sa past, present or sa future. Ewan. Baka gano’n ko lang iniinterpret ang mga panaginip ko.
So ngayon, hanapin natin ang dahilan kung bakit ‘di natuloy ang panaginip ko. Sino na naman ang umiskapo at binuksan ang kurtina sa kwarto ko para masikatan ako ng araw? Putragis. Araw ng linggo ngayon so I deserve to rest naman siguro ‘no? Pagkatapos ng isang nakakapagod na linggo.
Pababa na 'ko galing kwarto nang masilayan ko sa baba ang isang guwapong nilalang na biyaya ng Diyos sa akin na nagluluto. Yes, my boyfriend.
"Good morning, mahal. Naistorbo ko ba ang tulog mo? Sorry," sabi niya saktong pagkababa ko at hinalikan ako sa noo.
Kung siya naman pala ang nagbukas ng kurtina, wala namang problema.
"Napakagandang salubong naman nito sa umaga, mahal. Anong meron at ang aga mo yata?" tanong ko habang naka-backhug sa kan’ya. Nagluluto kasi siya eh.
"Maaga ka dyan. Alas-nueve na ng umaga, mahal. Nakakalimutan mo yatang may lakad tayo mamayang alas-dose,” panenermon niya.
‘Di ko naman nakakalimutan pero ang aga kaya ng 9 am para sa 12 nn na lakad.
"Hay na’ko, Ligaya ha. Alam ko na naman ‘yang nasa isip mo. Hindi maaga ang alas-nueve para sa lakad mamaya. Mabagal ka kumilos kaya maupo ka na ro’n at maghahain na 'ko," sunod-sunod niyang sabi nang hindi na ‘ko sumagot sa huling tugon niya.
Telepathy? Kilalang-kilala na talaga 'ko netong boyfriend ko na 'to. Sa bagay, 4 years na rin kami eh. Paanong ‘di namin makikilala ang isa't isa, right?
"Nasaan nga pala sina mama't papa tsaka ‘yong mga kapatid ko? Ang tahimik ng bahay ngayong umaga eh," tanong ko sa kan’ya habang naghihintay ng pagkain na hinahain niya.
"Ah. Nag-9 am mass sila kaya maaga silang lahat umalis. Gigisingin ka na sana nila kanina pagdating ko kaya lang pinigilan ko at sinabi kong sabay na lang tayong magsisimba. Nagpaalam din ako na ipagluluto kita kaya ikaw, kumain ka na at maligo pagkatapos ha?!" paliwanag ng asawa ko, este boyfriend ko sabay pisil niya sa ilong ko.
Haaaaay. Salamat po Lord sa lalaking ito na never akong pinagsawaan.
Minsan, ‘di ko maiwasang titigan ng matagal 'tong boyfriend ko eh. Sobrang ideal. Guwapo na, matalino na at magaling pa sa lahat ng bagay. I couldn't ask for more.
"Huy, mahal. Bilisan mo ng kumain," sabi ni boyfie nang mapansing nakatulala ako.
"Oo na po, sir," tugon ko na lang sabay ngiti sa kan’ya at kumain na ng dire-diretso.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkain, naligo na ako. Pinaakyat ko muna siya ro’n sa kwarto ko para kahit papano eh makapagpahinga. Ang aga-aga kasi bumiyahe rito tapos pinagluto pa ‘ko. For sure, pagod ‘yon.
*pagkatapos ng 30 minutes*
Hmmmm. Feeling fresh.
Palabas na sana ako ng banyo nang may nakita akong isang malaking box dito sa tapat nang pinto ng cr, with note pa.
'Wear this one, mahal. I bought this for you. Sana magustuhan mo. I love you.'
- Kent
Aweeee. Grabe talaga. Giving me gifts kahit walang okasyon. I don't deserve him.
It's a beautiful white dress. Sobrang ganda niya talaga.
"You like it, baby?" tanong ni Kent sa’kin pagkaakyat ko sa kwarto para ipakita sa kan’ya ‘yong dress.
"No, baby. I love it. Thank you so much!!!" sabi ko sabay yakap nang mahigpit sa kan’ya.
Kakawala na sana ako sa yakap niya pero pinigilan niya 'ko sabay sabing, "Can we stay like this for a while, mahal? Sobrang namiss kita eh. Kinakain na ng trabaho ‘yong mga oras natin. Tuwing linggo lang tayo nagkikita tapos minsan sobrang saglit pa. Kaya sige na mahal, gan’to lang muna tayo ha?" paglalambing niya sabay yakap ng mahigpit.
"’Di naman ako tatanggi, mahal. Namiss din kita eh," tugon ko sabay yakap din ng mahigpit sa kan’ya.
"Gawin nating prom style, mahal. Teka. I have here a perfect song for us," tuwa niyang sabi sabay kuha sa cellphone niya.
(Play Can I have this dance on this part)
Sa gano’n pwesto at konting ikot-ikot ang ginawa namin hanggang sa matapos ang kanta.
Grabe. Ngayon ko masasabi na kahit apat na taon na ang lumipas, sobrang mahal na mahal ko pa rin 'tong taong 'to. Never kong pagsisisihan ang pagmamahal ko sa kan’ya.
Sana siya na ang makasama ko habang buhay.