Joy's POV
*sa kotse*
Isang mahalimuyak na amoy ang bumungad sa’kin sa kotse. Parang pamilyar ‘yong amoy. Sobrang bango para sa isang lalaki so I guess, sa mama ni Kent?
"Mahal, galing si tita rito sa kotse? Sobrang bango eh," pagtatanong ko habang nag-aayos ng seatbelt.
I never doubted that Kent will cheat on me. Never naging issue samin ‘yon. ‘Di ko alam kung bakit pero I think, honest lang siguro kami sa isa't isa. Subok ko na ‘yan. Every time that someone is trying to flirt with him, sinasabi niya agad sa’kin and he always assure me na he will never entertain other girl maliban sa’kin kasi gano’n daw niya ko kamahal. And I always believe him.
I'm just asking questions for my assurance na ako pa rin, syempre.
"Ah. Hindi, mahal. Si Kurt kasi kahapon, nagpahatid sa kanila. Eh sabay naman kaming galing sa gym so why not ‘di ba? Tsaka sobrang bango ba? Hindi ba pabango ko ‘yong naaamoy mo?" pagpapaliwanag naman niya.
Ah. Si Kurt sa umaga na nagiging Courtney sa gabi. Hay naku ‘yang beki na ‘yan. Talagang dumidiskarte pa rin sa boyfriend ko. Hays.
"Ah. Okay, baby. Sige na. Friend mo naman ‘yon eh so go," pagbabalewala ko na lang.
Wala naman akong problema if my boyfriend is getting some beki friend. Maliban sa sobrang maaasahan sila, funny din sila. I'm not against with that. Pero that Kurt kasi, nakita ko na ang mga tingin at hawak ‘non kay Kent and believe me, it's beyond being friends.
Never ko namang inopen-up kay Kent 'tong issue na 'to since tropa ang tingin niya kay Kurt. Ayoko namang isipin ni Kent na pinipigilan ko siya sa pamimili ng group of friends niya kasi never naman niya kong pinigilan sa pamimili ng group of friends ko. So ‘yon, bigayan lang. And on top of that, ‘di ko naman alam ang ugali nitong Kurt sa likod ng relasyon namin ni Kent. Malay ko ba kung naiiyakan niya si Kurt or what not. So ‘yon, let him be. Ako pa rin naman ang mahal ni mahal eh. Wala naman akong dapat ipag-alala..
‘ata?
Pero kung ako lang, sobrang sigurado na ‘ko sa taong 'to eh. Kasal na lang ang kulang talaga.
Isipin mo, sobrang gentleman, guwapo, ma-effort, matalino, mayaman at family-oriented na tao eh mahal na mahal ako, may hahanapin pa ba 'ko ro’n?
‘Di ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa taong nasa tabi ko habang hawak ang kamay niya at nagdadasal. Oo, nasa simbahan na kami.
"Mahal, bakit ka naman ganyan makatingin sa’kin?" sabi ni Kent nang saktong pagdilat niya ay nakita niya kong nakangiti sa kan’ya.
"Wala lang, mahal. Sobrang masaya lang ako na ikaw ang minahal ko," pagpapaliwanag ko naman.
"Sus, nambola pa. Oh sige, ikaw mag-decide kung saan tayo kakain," sabi naman niya sabay halik sa noo ko.
Agad kaming lumabas ng simbahan at nagpunta sa kotse niya.
Pero pabukas pa lang si Kent ng pinto ng kotse nang may tumapik sa kan’ya.
"Hey, brad. Dito ka rin? Akala ko 9 am mass kayo?"
Oo, tama kayo. Si Kurt nga.
Nice timing ‘di ba?
"Uy, brad. Wala eh. Tinanghali ng gising si mahal," paliwanag ni Kent sabay hawak sa beywang ko.
YES, BABY!!! IPAGSIGAWAN MO SA MUNDO NA SA’YO LANG AKO!!!
Agad na tiningnan ni Kurt ‘yong parte ng katawan ko na hawak ni Kent.
"Ahhh. Kasalanan pala ni Ligaya eh. Uy, lumalaki ka lalo ah," pang-aasar naman ni Kurt sa’kin.
Aba, naghahanap ‘ata ng away 'tong baklitang 'to ah.
Sasagot pa lang sana ako nang sumagot si Kent na siyang ikinawindang ko.
"Hahaha. Nasa tamang tao kasi pare. O siya, mauna na kami ah," walang alinlangang sagot ni Kent sabay bukas ng pinto para sa’kin.
Oh, ano kayo? Parang pang-miss universe ang ganda ko ‘di ba?
‘Di pa agad pumasok ng kotse si Kent, mukhang pinagbantaan pa ‘ata si Kurt.
Kawawa naman si ate mo girl. ‘Di ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero parang iniwan ni Kent si Kurt ng lugmok ang mukha at kumaway na lang sa’kin para magpaalam. Diretsong pasok naman ni Kent sa kotse.
"Sorry for that baby," bungad na wika ni Kent pagpasok niya ng kotse sabay halik sa noo ko.
Ngumiti na lang ako bilang tugon at hinawakan ang kamay niya.
"Let's go?" tanong niya.
At dahil kanina pa ko nagugutom, "Tara na. Mang Inasal tayo para unli rice. Hehe," paglalambing ko sa kan’ya.
"Anything for my baby," sabi niya sabay ngiti sa’kin at pinaandar ang kotse.
‘Di ko alam kung anong meron pero parang nakakabother ‘yong pinag-usapan nila kanina. Maliban sa hindi ko narinig kung ano ‘yon, mas na-bother naman ako sa sad face ni beks. Ano kaya ‘yon?
-
Author's Note: Kent or Kurt's POV? Choose.