Kurt's POV
*sa labas ng simbahan*
Hay, salamat at tapos na rin ang misa. Medyo mahaba ang sermon ni father today ah unlike before. Though okay lang naman since wala naman akong ibang gagawin today.
Pauwi na sana ako nang may nakita akong kakilala ko. Parang si--
"Hey, brad. Dito ka rin? Akala ko 9 am mass kayo?" sabi ko sabay tapik sa balikat ni Kent.
Si Kent. Gym buddy ko at basketball buddy din. May girlfriend, oo. Pero lapitin pa rin ng mga chicks. Never may pinatulan ‘yan na chicks, dati.
At kasama niya pa pala ngayon si Ligaya. Ang aking mortal enemy. ‘Di ko malaman ba't ganito na lang 'to lagi makatingin sa’kin eh. Parang laging aagawan ko ng boyfriend.
"Uy, brad. Wala eh. Tinanghali ng gising si mahal," sagot ni Kent sabay hawak sa beywang ni Ligaya.
Defense Mechanism ni Kent. Para kunwari walang problema sa relasyon nila ni Ligaya. Para kunwari si Ligaya LANG. Para kunwari si Ligaya pa rin.
Ito namang babaeng 'to, tuwang-tuwa pa. Nakakaloka.
"Ahhh. Kasalanan pala ni Ligaya eh. Uy, lumalaki ka lalo ah," biro ko kay Ligaya pero jokes are half-meant, right? Makukuha kaya ni Ligaya ang gusto kong iparating?
Ito lang kasi ang nakikita kong paraan para makatunog si Ligaya sa pagloloko ng boyfriend niya.
"Hahaha. Nasa tamang tao kasi pare. O siya, mauna na kami ah," sagot naman sa’kin no’ng boyfriend sabay tapik sa balikat ko habang pinaunang pasakayin si Ligaya sa kotse.
Wow, galing. Kelan pa naging tama ang pagloloko sa girlfriend?
"Pare, hayaan mo 'ko. Hayaan mo kami. Diskarte ko 'to. 'Wag kang mag-alala, labas ka rito ‘pag nagkabukingan," huling sabi niya sabay sakay na sa kotse.
Tangina. Ito na ang sinasabi ko. ‘Di ko akalaing aabot sa ganito. Parang hindi si Kent ‘yong kausap ko. Parang demonyo na hayok na hayok sa babae. Kahit makasakit na siya ng iba. Kahit masaktan niya na ‘yong babaeng tinanggap siya nang buo at inayos siya.
Ako ang naaawa para kay Ligaya eh. Never kong kinonsinte si Kent sa pang-bababae. Chicks magnet kasi kami eh, lapitin ng babae. ‘Yon lang. Gano’n lang kami dati. Never naming pinatulan ‘yong mga babaeng lumalapit samin. Pero ‘di ko alam kung anong nagtulak dito kay Kent para lokohin na lang ng gano’n 'tong si Ligaya.
Sa pagkakaalala ko, 6 months na ‘ata sila no’ng babae niya. Isipin mo ‘yon, sa loob ng 6 months na may babae si Kent, never nakatunog 'tong si Ligaya. Grabe magtago 'tong babaerong 'to. Beterano.
And the only thing I noticed simula no’ng nagloko si Kent eh lalong lumolobo si Ligaya. Pakiramdam ko, ‘yon ang gagawing dahilan ni Kent para makipaghiwalay kay Ligaya. Pakiramdam ko lang naman. Kasi tuwing nagkikita kami no’ng mortal enemy ko na ‘yon, lalo siyang lumalaki. ‘Di ko alam kung kagustuhan niya ba o pinipilit siya ni Kent na lumobo ng gano’n.
Nevertheless, kahit mortal enemy ko ‘yon, ‘di ko naman hahayaang masaktan ‘yon dahil sa kagagawan ng boyfriend niyang babaero. Nakikita ko kasi kung gaano kamahal ni Ligaya si Kent eh. Sinwerte na si gago sa girlfriend niya tapos papakawalan niya pa. Bobo eh. Paano ‘ko kaya kakaibiganin si Ligaya???
Joy's POV
*sa Mang Inasal*
Sobrang dami namang inorder nito ni mahal. Mukhang gutom na gutom ‘ata.
"Mahal, sobrang dami naman ng inorder mo. May iba ka pa bang ininvite maliban sa atin?" tanong ko kay Kent habang sineserve niya ‘yong mga pagkain na inorder namin galing sa counter.
"Ha? Wala na mahal. Tayo lang. Uubusin natin ‘yan," proud pang sagot sa’kin ni Kent.
‘Di ko alam kung anong meron kay Kent lately pero lagi niya na lang akong pinapakain. Natutong magluto para sa’kin, umoorder palagi ng pagkain ‘pag nasa bahay siya, pagkain ‘pag masaya, pagkain ‘pag malungkot tapos ito, pagkain tuwing lalabas kami. And take note, hindi lang simpleng pagkain. Isang tumpok ng pagkain yata ito.
Isipin mo ‘yong nasa table namin, dalawang order ng chicken inasal with unli rice, mga sabaw, dalawang order ng palabok, dalawang order ng sisig tsaka dalawang halu-halo din. Dun pa nga lang sa chicken inasal with unli rice, busog na ko eh. Ito pa kaya?
"Mahal, mauubos ba natin 'to?" tanong ko sa kan’ya.
Sobrang dami kasi.
"’Di mo na ba gusto mga pinapakain ko sa’yo, mahal?" sagot niya with a pout.
Jusko. Gawain na ni Kent 'to. Lagi na lang.
"Ah eh. Hindi, mahal. Ito na nga eh. Kakain na," naisagot ko na lang sabay kain ng mga pagkain na nasa harap ko.
Lord, ‘di po ako nagrereklamo sa mga biyayang nasa harap ko. Pero kasi, ang taba ko na.
I hate to admit it pero oo, ang laki ko na talaga. I can't even wear my bathing suit na favorite ko. ‘Di ko na masuot ‘yong mga damit na kasya sa’kin dati. Gano’n kalaki ang inilaki ko. Tipong ‘di ko na talaga sila masuot kasi ‘di na kasya.
Pero tuwing tatanggihan ko naman, magagalit sa’kin 'tong taong mahal na mahal ko. Believe it or not pero minsan na naming pinag-awayan ang hindi ko pagkain ng mga niluto niya or even inorder niya. Sobrang strikto. Kesyo ayaw niyang pumayat ako, ayaw niyang magkasakit ako, ayaw niyang nagugutom ako. Eh alam kong alam niya naman na kaya ko ‘ding magluto at mas lalong kaya kong umorder tuwing nagugutom ako. ‘Di ko na lang talaga alam.
Tapos ito pa--
"Mahal, labas lang ako ah. May tumatawag eh," pagpapaalam niya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
Lagi na lang ganiyan. Tuwing kakain kami, eksaktong-eksakto na may tumatawag sa kan’ya. Alfredo ang pangalan. Kalaro niya raw sa basketball. Always. Nakakapagtaka, right?
Eh ano pa nga ba ang magagawa ko?
"Sige lang, mahal. Sagutin mo na. Mukhang importante eh," nasabi ko na lang.
Wala naman akong magagawa eh. Tulad ng sabi ko, ayoko namang pigilan si Kent sa pagpili ng group of friends niya, kahit minsan, nakakahinala na.
"Thank you, mahal," huling sabi niya at lumabas na.
Parang ang saya saya niya lagi tuwing kausap si Alfredo. Usapang basketball? Puwede. Kent is always a big fan of basketball. Mapa-local man o international. So baka ‘yon nga. Pero every time? Haaaaay. Nakakainis na rin 'tong utak at puso ko eh. Napapadalas ng magtalo. Na dati hindi naman.
Kent, please. Stay faithful to me.
--
Author's Note:
Sorry kung slow update. Hirap kumuha ng inspirasyon eh. Hehe. Sana na-enjoy nyo ang update today.