Chapter 4

1104 Words
Kurt's POV Alright. Oplan maging maligaya si Ligaya tayo ngayon. Hmmm??? Pano ko kaya sya iaapproach? The way I approach her before? Like mang-asar muna? Nuh. Di nya sineseryoso pag ganun eh. Ekis na natin 'to. Next, magpasama kay Kent sa bahay nila para makita ko ang way of living nya. Hmmm? Pwede pwede. Pero anong sasabihin kong dahilan kung ba't ako sasama papunta kina Joy?? Tsaka sure akong di ako papayagan 'non ni Kent lalo na't alam nya na may alam ako. So ekis na din 'to. Malabo pa sa tubig kanal mangyari 'to eh. Ah! May naisip na 'ko!!!! Sana maging effective. Joy's POV *sa isang malawak na hardin* Sobrang ganda naman dito. Ang sarap mag-stay. Pero bakit ako lang ang tao? Wala ba dito yung may-ari o hardinero man lang? Baka naman akusahan akong trespasser dito ah. Pero bakit parang pagod na pagod na 'ko? Kanina pa ba 'ko naglalakad dito? Bakit ang dami kong tanong pero walang sagot? "Ah. Miss. Excuse me.." boses na hula ko ay mula sa isang matipunong lalaki. Sobrang lalim eh. Mukhang sya na ata ang sasagot sa mga tanong ko ah. "Yes po?" sagot ko sabay lingon sa kanya. Pero.. "Kuya, may flashlight ka ba? Sobrang liwanag eh. Pwede huwag mong itapat sa mukha mo? Di ko makita eh." salitang lumabas na lang sa aking mga labi saktong pagkaharap ko sa kanya. Paano ba naman kase, katawan lang nakikita ko tapos topless pa. Di naman pwedeng di ko makita ang itsura ng kausap ko di'ba? Parang ang bastos naman na sa abs nya lang ako nakatingin este sa katawan lang pala. Teka.. Parang kilala ko 'tong lalaking 'to ah. "Miss, yung sugat sa paa mo. Kanina pa kita tinitignan na palakad-lakad dito sa hardin. Akala ko noong una eh may hinahanap ka lang pero parang natutuwa ka lang talaga sa ganda ng mga bulaklak sa hardin na ito kaya hindi na kita nilapitan. Hanggang sa ito.." dire-diretsong sabi ng matipunong lalaki sa akin na hindi pinansin yung tanong ko sabay luhod sa harap ko at tinalian ng isang tela ang aking kaliwang paa na hindi ko napansin at ramdam na nagdudugo na pala. Snobber na gentleman??? "Kuya, tanong lang. First time ko ba dito? Bakit parang kilala kita? I mean, hindi sa mukha ah. Yung katawan mo tsaka yung suot mo.." takang tanong ko ulit saktong pagtayo nya mula sa pagkakaluhod sa harap ko. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha nya. Ang bastos ko di'ba? Walang 'Thank you' man lang. Sobrang curious ko na kase. "Hindi ito ang unang beses. Pero sana, sa susunod na punta mo dito, wag mo sanang hayaang matapilok at masugatan ka ulit nang dahil lang sa pagkamangha mo sa lugar na ito.." sagot nya sa akin saka tumalikod at lumakad ng dire-diretso. Hindi ko malaman kung nasaang lugar ako pero di ko sya masundan at wala ng salitang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa.. "KUYAAAAAA!" sa wakas, narinig ko na rin ang boses ko sabay preno ng malakas ng lalaking katabi ko. Si Kent. "Ano ba, Joy?! Nagmamaneho ako eh!!" galit na sambit ni Kent kahit nasa tabi ko lang naman sya. Ah. Panaginip pala yun. ULIT?! "Sorry, mahal.." mahinang bulong ko na lang kay Kent nang mahimasmasan ako mula sa panaginip na yun. Ngayon ko na lang ulit narinig si Kent na sumigaw ng ganun. Nagulat nga ba talaga sya? Ganun ba kalakas yung sigaw ko? O galit pa rin sya sakin? "Umayos ka, Ligaya kung gusto mong makauwi tayo ng buhay." galit nya pa ring sambit sabay maneho nya ulit. Naka-idlip siguro ako kanina sa biyahe kaya ako nanaginip ng ganun. Hindi naman kasi ako madalas nakakatulog sa biyahe eh. Ngayon na lang ulit kasi magkaaway kami ni Kent. Kesa magsigawan kami buong biyahe, mas okay na 'tong tahimik kaming dalawa. Ang pinag-awayan namin? Ang hindi ko pagpayag sa lakad nila ni Alfredo. Kesyo nagpapasama daw bumili ng sapatos. Talaga ba?! Linggo na nga lang yung oras namin sa isa't-isa tapos ilalaaan nya pa yung kakarampot na oras namin para samahan yung 'kaibigan' nya na bumili ng sapatos?! At talagang sya pa ang nagalit sakin ah. Naiinis na naman ako pag naaalala ko. "Baba." sabi ni Kent nang hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. "Hindi mo man lang ba—" pasimulang sabi ko pero.. "Hindi. Pag-isipan mo muna yung ginawa mo. Baka sakaling tumungtong ulit ako dyan sa bahay nyo. Baba!" dire-diretsong sabi nya na para bang hindi nya ko girlfriend. Na para bang di nya ko mahal. "Grabe. Ang kapal ng mukha magalit, sya na nga ang mali. Huwag kang mag-alala, tingin mo, gusto kitang nasa bahay? Huwag ka ng pupunta dito!" huling sabi ko sabay baba ng kotse nya. Ang kapal ng mukha. Nanggigigil ako. Jusko. Para kaming nasa 1st month ng relationship ulit sa mga iniiral nya. Nakaka-buwisit. Ganun ba kahalaga si Alfredo over me?! *after 5 minutes* Ah. So wala talagang Kent na babalik? Grabe natitiis nya na 'ko? Dati, wala pang isang minuto, bati na kami agad eh. Natiis nyang hindi ako ihatid sa loob ng bahay? *after 10 minutes* Ano na, Joy?! Abang pa rin? Di na babalik yun. Sampung minuto na oh. Tapos wala pang tawag o text man lang. *after 15 minutes* Tama na. Maximum mo na yan, Ligaya. Alas-singko na ng hapon oh. Magdidilim na. *after 30 minutes* Ay, tanga nga. Mahal na mahal. Isipin mo, Joy, nasa tapat ka na lang ng bahay nyo, di ka pa pumasok. Naghihintay ka habang suot ang heels at ang deputang dress na niregalo sayo ng boyfriend mong walang pake sayo. Eh bakit ba?! Mahal ko nga eh. Minor away lang 'to. Maaayos pa 'to. Kaya ko pang maghintay dito. Para naman akong baliw dito eh. Kausap ko ang konsensya ko at sarili ko, nagtatalo pa sila. Baliw ka na nga talaga, Joy. Last 5 minutes na lang, pag wala, papasok na talaga ko. Pramis. Upo na lang muna 'ko dito habang naghihintay. *after 2 minutes* "Ay oh. Ang galing. At umulan pa nga." nasabi ko na lang nang biglang bumuhos ang ulan. Konti na lang, Ligaya. Last 3 minutes of waiting. Babalik yun. Mahal ka nun eh. Baka na-traffic pabalik sayo. Yumuko na lang ako habang nakaupo pa rin para hindi mahulas ang make-up ko. Konti na lang. Wala pang dalawang minuto ng paghihintay ko.. Parang huminto yung ulan??? Unti-unti kong iniangat ang ulo ko nang may isang lalaki ang nasa harap ko at may hawak syang payong. "KURT?!" -- Author's Note: Pagpasensyahan na ang matagal na update. Tamad ang author. Paki-unawa. Hahahahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD