Kurt's POV
Matapos ang aking matinding pag-iisip ng plano, agad akong nagpunta kina Joy.
Alam ko kung saan sya nakatira kasi kapag papunta kami ng gym ni Kent, dadaan yan sa bahay para isabay ako tapos dadaanan naman namin si Joy kapag may lakad sya, ihahatid muna ni Kent then diretso na kami sa gym.
Kung bakit nya ginagawa yun? Hindi ko rin alam. Kahit alam ni Kent na may kotse ako. Okay lang naman sakin para tipid din sa gas.
Uy, sakto lang pala yung dating ko. Kakarating lang din nina Kent. Tinitignan ko kung sino ang unang bababa, akala ko si Kent. Pero si Joy lang ang bumaba sa kotse.
Hinihintay kong pumasok sya sa bahay nila pero bigla lang syang umupo at tila ba hinihintay na bumalik si Kent.
May problema ba?
Maya-maya pa eh biglang umulan. Akala ko, ulan ang makakapagpatayo sa kanya pero nanatili sya sa ganung pwesto habang nakatingin pa rin sa daan, tinitignan ko din kung may isang Kent na babalik.
Di ko na kayang manood lang dito.
Agad akong lumabas para payungan sya, alam kong nagulat sya ng makita ako pero mas nagulat ako sa mukha nya.
HULAS NA YUNG MAKE UP NYA!!
Gusto ko mang tawanan yung itsura ni Ligaya ngayon eh hindi ko magawa. Oo, alam kong umuulan at basa na ang damit at mukha ni Joy, di ko malaman kung umiiyak ba sya habang umuulan pero isang bagay lang ang sigurado ako. Malungkot sya. Nakikita ko sa mga mata nya.
Agad akong umupo para tumapat sa kanya, pinunasan ko ang mukha nya kahit pa puro bakas ng make up ito, walang kahit anong salitang lumalabas sa bibig ko.
Hindi ko alam kung paano magsisimula.
Hanggang sa..
Niyakap ako ni Ligaya.
"Salamat, sis." mga salitang lumabas sa labi nya habang umiiyak.
Gustuhin ko mang itama yung pagtawag nya ng sis sakin, di ko magawa. Niyakap ko na lang din sya pabalik.
I feel sorry for her.
Hindi nya deserve na gaguhin ni Kent.
She keeps on crying habang nakayakap sakin and I just let her. Kahit pa nakaputing polo ako at parehas kaming nakaupo dito sa labas ng bahay nila habang patuloy pa rin na umuulan. Sige, okay lang.
Di ko tuloy maiwasang mapaisip, ito kaya yung unang beses na umiyak sya kay Kent? O di kaya, kung hindi ito ang una, bakit pa rin sya nananatili sa tabi nito?
Napapaisip din ako kung ganito ba talaga umiikot ang isang relasyon?
Ang daming tanong pero di ko alam kung sa paanong paraan ko makukuha ang sagot.
Pagkalipas ng sampung minutong pag-iyak ng dire-diretso, parehas na kaming tumayo at pinapasok nya ko sa bahay nila.
"Oh anak, nandyan ka na pala. Kain na. Kent, pasok." walang lingong bungad ng mama ni Joy pagkabukas nito ng pinto.
"Walang Kent, ma." malungkot na tugon ni Joy.
"Santisima, Ligaya! Ano ba yang itsura mo?! Wala ka bang payong? Nasan si Kent? Sino 'tong kasama mo?" gulat na sabi ng mama ni Joy pagkakita nya sa anak.
"Ma, bukas na." lamyang sagot ni Joy at umakyat na sa taas
Hinayaan ko munang makaakyat si Joy sa taas saka ako nagpakilala sa nanay nya.
"Hello po. Ako po si Kurt. Kaibigan ni Kent, kaibigan din ni Joy." pagpapakilala ko sabay lahad ng kamay ko sa mama nya.
Agad na kinuha ng mama ni Joy ang kamay ko sabay hinatak ako para yakapin.
"Ano ba iho?! Shakehands shakehands pa eh bilang lang sa daliri ang kaibigan nyan ni Joy kaya tawagin mo kong tita, okay? Masyado kang pormal." sabi ni tita matapos nya akong yakapin.
Wow. Yakap ng magulang. Ang cool ng mama ni Joy.
"Oh sya, akyatin mo na si Joy don sa taas at ako'y mamimili pa at mag-aayos na ng gamit ng aking asawa. Yung kwarto ni Joy ay yung nasa kanan. Kulay pink na pintura." bilin ng mama ni Joy bago lumabas ng bahay nila.
Ang swerte naman ni Joy. May mapagmahal na magulang. Sana maranasan ko din.
"Joy." tawag ko sa kanya habang kumakatok sa pinto nya.
"Ligaya, yuhoooo. Nandito pa ko." pangungulit ko.
"Teka!!! Nagbibihis pa, wait lang." tugon ni Ligaya.
Makalipas ang limang minuto, binuksan nya na rin ang pinto.
"Ang ganda.." wala sa wisyo kong sabi.
"Huh?" buong pagtataka ni Joy.
Maganda rin pala sya kahit walang make-up eh. Mas maganda.
"..ng kwarto mo." dugtong ko sa sinabi ko kanina sabay hawi kay Joy para diretsong pumasok sa kwarto nya.
"Thank you ha?!" nasabi na lang ni Joy.
Ayoko naman kasing maging awkward kami pag sinabi ko talaga yung totoo.
Baka di na ulit kami magkita.
"Oh bakit ka nga pala nandito? Sakto pa talaga yung dating mo." tanong ni Joy pagkaupong pagkaupo ko sa upuan na binigay nya.
Di ko alam paano sisimulan 'to. Sabihin ko ba na..
"May iba na ba si Kent?" sunod na tanong ni Joy habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang basa nyang buhok.
"Ah wala Joy, ikaw lang. Ikaw lang mahal nun." bigla kong sagot dahil nabigla din ako sa tanong.
Para bang nabasa nya yung iniisip ko.
Hinihintay kong sumagot si Joy pero pagtingin ko sa kanya, umiiyak na naman sya habang nakatingin pa rin sa salamin. Sa salamin nga ba?
Ah. Sa picture pala nila ni Kent na nakakabit sa kanang bahagi ng salamin.
Unti-unti akong lumapit sa kanya hanggang sa kaming dalawa na ang nasa repleksyon ng salamin. Nasa likod nya lang ako.
We are looking at each other through the mirror. Eye to eye.
"Kurt, ang pangit ko noh?" tanong nya habang patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha sa mata nya.
Tangina naman eh. Paano ba magpatahan ng babae?
Ang hirap palang makakita ng babaeng umiiyak sa harap mo habang nakatitig sayo kahit sa pamamagitan lamang ng salamin, naghihintay ng sagot mo sa tanong nya.
"Ligaya, hindi. Pakiramdam mo lang yun." tanging naisagot ko na lang sa kanya sabay yuko ng aking ulo.
Hindi ko kayang makitang umiiyak sya ng ganto.
"Eh kung pakiramdam ko lang 'to, bakit ayaw matanggal? Ang tagal namang matanggal." sagot nya habang pinupukpok ang dibdib at patuloy na umiiyak hanggang sa mapaupo na sya sa sahig.
Di ko alam kung saan nanggagaling si Joy ngayon. Kahit ako, litong-lito sa mga sinasabi nya. Clueless ako kung bakit hinayaan lang sya ni Kent na lumabas ng kotse nya nang ganun lang, kung bakit hinihintay ni Ligaya na bumalik si Kent at kung bakit sya nasasaktan ng ganito.
Wala akong alam pero isang bagay lang ang sigurado ako at alam ko.
"Tutulungan kita."
-
Author's Note: Sorry sa slow update. Wala namang nagbabasa so okay lang yan. Hahahahahaha.