Chapter 6

1574 Words
"Are you done staring at each other?" napakurap at nagulat ako sa biglang pagsalita ni Vivian. Oo nga pala. Kanina pa kami nagtititigan ni John Viel. "Tara na?" balik na tanong ko kay Vivian nang mapansing nakasimangot na siya. "Are you going home already? Let's roam around first. Can we?" nakangiti pang sabi ni John Viel. Englishero din nga pala 'to tulad ng kapatid ko. Laking Canadian. Tiningnan ko si Vivian na para bang inaantay ko ang sagot niya. Baka kase ayaw niya at saka friend niya naman 'to e. Nakakahiya kung ako ang sasagot. Pero as usual, inirapan lang ako. "No. We are going home." may diing sagot ng kapatid ko. Ba't parang may halong galit? O ako lang nag-iisip nun? "Okay. I'll just see you and Lara tommorow." nakangiti na namang sagot ni John Viel. Ba't ang hilig niya ngumiti? Hindi niya ba alam na ang ganda ng mga ngiti niya? Ay gaga Lara! Ang harot mo. "And why would you see us?",mataray na namang tanong ng kapatid. Hello! Andito po ako. Audience lang ata ako dito sa sagutan nila. Panay pa english. "I just transfer here. We are on the same class." pagpapaliwanag niya. "So, nice to meet you again Lara", ayan na naman. Nakangiti na naman siya sa akin. I just nod my head and give him an awkward smile. After that, we parted ways. Kami ni Lara papuntang parking lot while him, waiting for the taxi. *** "Let's all welcome your new classmate, John Viel Zevidroz", pag-announce ni Mrs. Valdez, ang class adviser namin. So, totoo nga talaga ang sinabi niya kahapon na nagtransfer siya dito. I wonder why? Maganda naman siguro ang mga unibersidad sa Canada pero bakit dito niya pa naisipang mag-aral? Tiningnan ko si Vivian at nakasimangot na naman siya. May problema kaya siya? Kahapon pa siya nakasimangot e. "He's so handsome" "I want him. Ang gwapo. And look at his smile, nakakahimatay gosh!" "Sana siya nalang ang boyfriend ko" Ilan 'yan sa mga naririnig kong bulong-bulungan ng mga kababaihan dito sa loob ng classroom namin. Sabagay, kahit ako naman aminadong ang gwapo nga niya. "Choose where you want to sit Mr. Zalvidroz", nakangiting saad ni Mrs. Valdez sa kanya. Agad din naman siyang naglakad papunta sa kinaroroonan namin ni Vivian? Hala! Saan siya mauupo? Oo nga pala bakante pa ang upuan sa kanang bahagi ko habang ang sa kaliwa ay si Vivian ang nakaupo. Don't tell me... dito siya mauupo sa tabi ko? "Can i sit here?" tama nga ako. Andito siya ngayon sa harapan ko. "Sure", nakangiti kong saad para hindi siya mailang. "Thank you", nakangiti na naman niyang sagot. Ang hilig niyang ngumiti. Halata din sa mukha niya ang pagiging mabait at friendly. Such a soft boy. *** Ang sakit sa ulo. Puro quiz at paactivity kase ginawa namin ngayong araw. Kaninang lunch break kasabay ko si Vivian kumain habang si John Viel naman ay sumabay siya kila Josh at iba pang kaklase naming lalaki. Pansin ko ngang kaclose niya agad e. Ba't ko ba siya iniisip? Erase erase. Mabuti nalang ngayon last subject na. Alas-kwatro na ng hapon at isang oras nalang ay uwian na. Agad akong umayos ng upo nang pumasok si Mr. Haltz, ang strikto naming guro na mahilig magpa-activity by pair. "Listen, everyone! We have an activity and you'll do it by pair." pag-aannounce niya sa klase and as usual, by pair na naman. "Sir, kami po ba ang pipili ng magiging partner namin tulad ng dati?" tanong ng presidente ng klase namin, si Josh. "No. Ako ang nag-assign at nainform na din ako na mayroon tayong transferee which is si John Viel, welcome sa klase ko." sabay tingin niya sa gawi ni John Viel na siya namang ngumiti lang bilang sagot sa guro namin. "Sana tayo ang magkapartner Vivian" nakangiti kong baling sa kanya. "Whatever." nakairap na naman siya. Nakakalungkot lang. Akala ko pa naman magkasundo na kami. "Josh Santos and April Sadvera" "Sophie Villareal and Viena Vianna Velloso" "John Viel Zevidroz and Lavienna Rachelle Veloso" and so on... Naku magkapartner si Vivian at Sophie. Baka mag-away lang silang dalawa, mukhang pa namang hindi sila magkasundo. At isa pa, kapartner ko pala si John Viel. Ano kaya ang gagawin ngayon? "Settle down everyone! Sit beside your partner", sabi ni Sir at nagsitayuan naman ang mga kaklase ko papunta sa kani-kanilang partner. Ganun din si Vivian papunta kay Sophie. "I have an activity questionnaire here and you just need to solve all the problems. Do it by pair and work together!" paliwanag niya sa amin. Agad akong humarap kay John Viel nang matanggap ang activity questionnaire na ibinigay ni Sir. "So, let's start?", he asked me with a wide smile. Nakakatunaw! "Why don't we do it this way? I'll answer number 1 while you will answer number 2 and so on. Para mabilis tayong matapos", paliwanag ko sa kanya. Nakakaintindi naman ata siya ng tagalog kahit papaano. "Yeah sure. If that's what you want", nakangiti niyang sagot sa akin. Nakakaintindi nga talaga siya ng tagalog. Agad ko namang sinagutan ang question number 1 at wala pa atang limang minuto tapos niya na ang limang bilang na nakaatang sa kanya. Wow. Ang talino din pala niya habang ako nagsisimula palang sa pagsagot. "Are you not done yet?", tanong niya sa akin nang mailapag niya sa lamesa ng upuan ko ang papel na sinasagutan niya kanina. "Not yet", sagot ko sa kanya. Ni hindi ko siya nilingon basta sumagot lang ako habang patuloy sa pagsagot. I was busy answering number 3 when he grabbed my paper and continue what I was solving. Hindi na ako umangal sa pag-agaw niya sa papel ko dahil sa totoo lang, nahihirapan ako sa pagsagot ng mga iyon. Mahina kase ako sa math. Sakit sa ulo 'yang calculus para sa akin. "We're done", he showed me our papers. Wow. Lahat nasagutan niya in just a couple of minutes? Ang galing. "Thank you", I give him a genuine smile. "Sorry if I didn't answer those numbers that were supposed to be mine. I'm weak when it comes to mathematics. Its like my brain isn't working well", pagpapaliwanag ko sa kanya. "It's okay. I understand you and I'm glad that I did help you", nakangiti niyang sagot. Nginitian ko din siya pabalik and I went to our teacher's table to put our answer sheets. Mr. Haltz isn't here. He went to the comfort room that's why I just put our answer sheets on his table. Bumalik agad ako sa upuan ko at pinagmasdan ang iba pa naming kaklase. Kami palang ni John Viel ang nakapasa. Ang karamihan sa kaklase ko ay busy sa pagsasagot, ang iilan naman ay panay tawanan habang ang iba ay nag-aaway sa kani-kanilang sagot tulad nina Vivian at Sophie. "Your answer is wrong! It should be negative!" sigaw ni Sophie sa kapatid ko. "It's positive. A negative number multiplied by another negative is equal to a positive. You dumb b***h!" sagot naman ng kapatid ko at nakaroll-eyes pa. Napansin ko ring pinalilibutan na sila ngayon ng iba pa naming kaklase para makichismis at wala man lang nagtangkang umawat sa kanila. "What did you just say? I'm not dumb! You plastic!" nanggigigil na sagot ni Sophie. Sabay hablot sa buhok ni Vivian. Agad akong tumakbo nang nagsambunutan na si Sophie at ang kapatid ko. Pumagitna agad ako sa kanila at hinila si Vivian papunta sa likod ko para hindi na maabot ni Sophie ang buhok niya. Habang si Sophie naman ay hawak-hawak ni Josh. "Plastic my ass", sagot ulit ni Vivian mula sa likod. Sana naman tumigil na siya kakasalita para wala nang away. "Bakit hindi ba totoo? Plastic ka naman talaga e. Kitang-kita jan sa mata mo ang galit at inggit sa tuwing tinitignan mo si Lara", saad niya at itinuro pa ako. "At dahil mabait si Lara, hindi niya napapansin na ang half-sister niya ay may lihim na galit at inggit sa kanya", dagdag niya pa. Hindi totoo yun. Alam kong mataray at maarte ang kapatid ko pero hindi niya magagawang magalit sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. "You f*****g b***h!" susugod na sana ulit si Vivian sa gawi ni Sophie pero napigilan ko siya. "Sabagay, ako din naman. Kapag nalaman ko na anak ako sa labas at isang pagkakamali lang ay tiyak na magagalit talaga ako", nakangiti pang sabi ulit ni Sophie na tila ba nang-aasar. "Sophie please, stop." I plead. "Wala namang ginagawa sayo si Vivian", hindi ko na napigilan makisabat. Nasasaktan na ako para sa kapatid ko. Puro maling paratang ang mga sinasabi niya. "Just be careful Lara. That kindness of yours might be the cause of your death",pag-papaalala niya sa akin at umalis na dala-dala ang bag niya. "She is so annoying! That b***h! Dapat hindi mo na ako pinigilan para nakalbo ko na siya" nanggigigil na sabi niya. "This is all your fault", she said as she walked away. Bakit ako? Maaminin kong nasaktan ako sa sinabi ng kapatid ko. Kakampi niya ako pero bakit parang itinuturing niya akong kaaway? Agad kong dinampot ang bag ko at bag niya para masundan ko siya. Pero bago iyon, nagpaalam muna ako kay Josh at sinabi kong siya na ang magpaliwanag kay Mr. Haltz kung ano ang nangyari. Ngunit bago ako tuluyang makalabas ng classroom namin. May dalawang pares ng mata akong nasulyapan. Matang tilang nagsasabi na hindi ako ang may kasalanan sa nangyari. Those eyes belong to John Viel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD