Chapter 7

730 Words
Naabutan ko si Vivian na nakasakay na sa kotse namin. Siguro kanina pa nag-aantay si Manong Ben sa amin. Napansin ko ding nakabusangot at nakakunot ang noo ni Vivian kaya hindi ko na siya inabala pang kausapin pa. Buong byahe ay hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating na kami sa bahay. Agad siyang bumababa at tumakbo papuntang kwarto niya. Ni hindi niya man lang pinansin si Dad na nakaupo sa sofa ng sala namin. "What happened?",nagtatakang tanong ni Dadi. I kissed his cheek. "May nakaaway po sa classroom Dad",I answered him. "But don't worry Dad, it's not Vivian's fault po",pagtatanggol ko sa kapatid ko. "Sigurado ka ba? Knowing your sister's attitude, baka naman may nasabi siyang masama sa kapwa niya. You know as your father, I want you both to respect other people. Kagandahang asal ang pinakahigit na maipamamana namin sa inyo ng Mom mo", that melted my heart. Dad really wants the best for us. "Of course Dad", ngiti kong sagot sa kanya. "Wala pa po si Mom? Gantong oras po andito na siya e", pansin ko kase na wala pa si Mami. "Overtime ngayon ang Mom mo. Madami daw pasyente kaya hindi sila pinayagang umuwi ng maaga", pagpapaliwag niya. "Let's eat? Paniguradong gutom ka na." ginulo niya ang buhok ko. "Nagpaluto ako ng pancakes kay Manang Silva para sa meryenda natin", pag-anyaya niya sa akin. Pancakes my favorite. "Magbibihis lang po muna ako Dad and tawagin ko po si Vivian para sabay-sabay tayong magmeryenda", paalam ko sa kanya. He just nod his head and give me a smile. So I smiled back at him. Agad akong umakyat papunta sa kwarto ko para magbihis. Una kong niluwagan ang blue necktie ko at isinabit sa lalagyan ng mga tie. Isinunod ko ang white long sleeve at pagkatapos ay hinubad ko ang skirt ko, above the knee naman kaya hindi masyadong maiksi kung titignan. Sobrang simple lang talaga ng school uniform namin. Kumuha lang ako ng pajama at plain white cotton shirt sa walk in closet ko. Ito nalang ang susuotin ko para mas komportable ako. Pagkatapos ko magbihis ay kinatok ko si Vivian sa kwarto niya para sabay-sabay na kami magmeryenda. "Vivian, let's eat". At first, she didn't respond so I opened her room door and found her lying on her bed while staring at the ceiling. She probably didn't notice me. Mukhang malalim ang iniisip. "Vivian". I called her again. Tiningnan niya muna ako bago siya sumagot. "No thanks. I'm full". And she closed her eyes. I guess matutulog siya so I slowly go out of her room. Pagdating ko sa kusina ay nandoon na si Dadi at kumakain ng pancakes. Agad akong umupo para saluhan siya. "Where is your sister?", agad na tanong niya nang makitang hindi ko kasamang bumaba si Vivian. "Busog pa daw po siya, Dad. Parang matutulog nga po e, hayaan nalang po muna natin siya", nakangiting sabi ko sa kanya. "Okay. Baka nga mas mabuti na huwag muna natin siyang kausapin, baka nagmumuni-muni pa iyon dahil sa nangyari kanina", saad ulit ni Dad bago isubo ang pancake. "Opo", sagot ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi na ulit kami nagsalita ni Dad hanggang sa matapos ang meryenda. Pagkatapos ay agad kaming pumunta sa sala at nanood ng balita. Wala pang limang minuto ay narinig ko na ang kakarating lang na kotse ni Mom mula sa hospital. Agad akong tumakbo upang salubungin siya. Gayundin si Dad. Gan'to kase talaga kami kapag sinasalubong namin ang isa't-isa. "Mommy!" sigaw ko ng pababa na si Mom ng kotse niya. "Hay naku, tumakbo na naman kayong mag-ama", pabirong sabi ni Mommy ng makita niyang napatigil kami ni Daddy sa harap niya at hinahabol ang hininga. "Hindi ka pa nasanay, Honey. Gan'to naman talaga tayo kapag sinasalubong natin isa't-isa e", pangangatwiran ni Dad. Kaagad niya din naman hinalikan si Mom sa noo. Ang sweet talaga netong dalawa. Nakakainspire mainlove. "At ikaw naman Lara, papaalala ko lang na magdadalaga ka na. Next year, you will be in legal age so be mindful of your actions", sermon sa akin niya sa akin bago ko siya halikan sa pisngi. Tango lang ako ng tango habang natatawa. "Opo, Mom", nakangiti kong sagot sa kanya. Agad din naman kaming pumasok pagkatapos noon at hinahanap sa akin ni Mom si Vivian. Sinabi ko nalang na natutulog na sa taas at napagod ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD