VIVIAN
It's been a week since nangyari iyon. Bwiset rin kase si Sophia e. Sarap talaga sambunutan. I am here sa garden, sa likod banda ng campus. Ang tahimik dito. Minsan talaga mas masaya maging mag-isa. Solitude is enough to heal everything including those thoughts that can be very disturbing to my mental health. Agad kong itinaas ang ulo ko at nilanghap ang sariwang hangin. Ipikit ko rin ang mata ko para mas dama ko ang katahimikan na natatamasa ko ngayon. "What are you doing?" agad akong napamulat sa narinig na boses. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko na kung sino ang may-ari ng boses na iyon. "Nothing", pataray na sagot ko sa kanya. Ano naman kaya ginagawa niya rito? "I know you're not okay. Come on, you can vent on me just like before. I am still your friend, Vivian", seryosong saad niya at tumabi siya sa akin. May distansya pa rin naman sa pagitan namin. Mabuti naman. Kilala niya na talaga ako. "I am okay. No need to worry about." sagot ko sa kanya. "Keep on lying to yourself then." seryosong sagot niya pabalik sa akin habang nakatitig sa mata ko. "I don't need you. I don't need anyone. I can perfectly handle myself." may diing sagot ko. "You're being self-centered again", prangkang saad niya. Aray ah. Masakit yun pero totoo naman. I may be selfish and self-centered but I am just doing those to protect myself. "Shut up. Just go to Lara and do not bother me again." sabi ko sa kanya bago umalis doon at bumalik na sa room. Nakakainis talaga minsan si John Viel, pakialamero. Nakakainis dahil totoo lahat ng sinasabi niya. Hindi ako okay. Gusto ko nalang bumalik sa Canada kahit na sinasaktan ako ni Mommy.
Nagising ako dahil sa ingay. Parang may nagbabatuhan ng plato at baso na babasagin. Mula sa kusina ang ingay kaya naman ay pumunta ako roon para tignan. Bumungad sa mata ko sila Mommy at Daddy na nagsisigawan. "She is not my daughter! How could you lie to me! You're disgusting!"sigaw ni Daddy kay Mommy. "She is yours. Please, don't leave us. We are family." umiiyak na sagot ni Mom habang nakakapit sa damit ni Dad na pilit naman nitong tinatanggal. "Don't you ever lie to me again. The DNA Test says it all. She is not mine. For seven years, you keep this from me. I have loved and trusted you." sagot ni Dad at agad na lumabas ng kusina pero bago pa siya lumabas ay nahagip ako ng mata niya na nakatayo sa pintuan ng kusina. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay nginitian niya ako. Pagkatapos noon ay nawala na siya sa harap ko at kaagad naman siyang hinabol ni Mom. Iyak ng iyak si Mom habang nag-iimpake si Dad at hanggang sa paglabas ni Dad para tuluyan na kaming iwan. Huling halik at ngiti na pala iyon mula sa kanya bago niya kami iwan ni Mommy. Iyak lang rin ako ng iyak that time. Nakita ko kung paano magmakaawa si Mom kay Dad para magstay sa amin. Natigil lang ako ng iyak ng biglang hinablot ni Mom ang buhok ko."This is your fault. Nagsisisi ako na binuhay pa kita", sigaw niya sa mukha ko. Nakakatakot si Mom, parang hindi siya ang ina na kinalakihan ko."I should have aborted you. He left me because of you. Habambuhay mo itong pagbabayaran! Papahirapan kita hanggang sa ikaw na ang magmakaawa na patayin kita!"sigaw niya ulit sabay sampal sa kaliwa kong pisngi at umakyat sa kwarto nila ni Dad. Ako naman ay tumakbo palabas at tumungo sa playground na malapit sa subdivision namin.Sa swing ako umiyak ng umiyak. Ang sakit sakit ng sambunot at sampal ni Mom. Pero mas masakit na nakakayanan na akong saktan ni Mom. Halos dati ay hindi niya hinahayaan na dapuan man lang ako ng langaw. At si Dad, iniwan niya na kami. I lost my Mom and Dad.
"Are you okay?", tanong ng lalaking sa tingin ko has the same age as mine. Is he dumb? May umiiyak bang okay?"Isn't obvious? Of course, I am not okay. Fathead." I said as I rolled my eyes."Yeah. It is obvious that you are not okay. I just don't know how to comfort people", paliwanag niya. Hindi na ako kumibo at pinunasan nalang ang luha ko gamit ang laylayan ng damit ko."Do you want ice cream?"tanong niya at tumango nalang ako.Agad naman siyang umalis at wala pang limang minuto ay bumalik siya dala ang ice cream naming dalawa. Una ko siyang kaibigan dito sa Canada. Wala kase akong masyadong kaibigan dito kase ang taray ko daw."By the way, my name is John Viel but you can call me JV", nakangiti niyang pakilala sa akin."I am Viena Vianna but you can call me Vivian", nakangiti ko ring pagpapakilala sa kanya.Pagkatapos noon ay naglaro kami at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin. Magmula ng iwan kami ni Daddy ay naging alcoholic si Mom. Minsan sa akin niya ibinubuntong ang galit niya. Ako ang sinisi niya sa pag-iwan sa amin ni Dad. Sa edad na pito ay naranasan ko nang masampal, masambunutan, at mapagbuhatan ng kamay ni Mom. Hindi ko nga alam kung mahal niya ba talaga ako e. Does she see me as her daughter? Did she regret having me? Of course she did haha. I am just fooling myself if sasabihin ko na mahal niya ako. Kulang na nga lang ay hingiin niya na patay na ako para wala na siyang iintindihin kung hindi pag-inom at mga business niya nalang. Kaya naman ang laki ng pasasalamat ko ng mabalitaan kung kukunin na ako ng tunay kong ama. Sampung taon rin akong nagtiis sa pananakit ni Mom. Kaya sobrang swerte ni Lara, alagang-alaga siya nila Dad and Tita. Punong-puno ng pagmamahal na hindi ko naranasan mula ng iwan kami ni Dad, my step-father."Umiiyak ka ba?" nagulat ako sa tanong ni Sophia, hindi ko namanlayan na umiiyak na pala ako habang nakaupo dito sa loob ng room at inaalala ang nakaraan.
"No. Why would I? Stupid.", mataray kong sagot sa kanya habang pasimpleng pinupunasan ang luha ko.
"Liar."sabi niya sabay alis sa harapan ko. Bwiset talaga, ang epal lagi. Inilibot ko ang mata ko sa loob ng room. Karamihan ay busy sa paglalaro ng mobile legends, especially mga kaklase kong lalaki. Ang iba naman ay natutulog, ang iba ay kumakain. Napansin kong wala si Lara sa upuan niya. Asan kaya iyon? Bahala nga siya, malaki na siya. Vacant naman kaya siguro naggagala iyon kung saan-saan. Hindi man lang nagsabi o ano. Bakit ba ako nag-aalala? Galit nga dapat ako sa kaniya.