CHAPTER 86 Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. “May anak kana?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. “I just found it last week, Ligaya. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa nalaman ko. She's two years old already! Sobrang saya ko dahil hindi ako baog!” Agad kong hinampas ang balikat nito. Akala ko pa naman ay masaya siya dahil may anak na siya. 'Yon pala masaya siya dahil nalaman niyang hindi siya baog. May saltik ba 'tong bunso ng mga Guevarra? “Sino ang Nanay? Baka ang dami mo ng panganay, Senyorito tapos hindi mo lang alam,” Umiling ito. Nakapaskil ang kanyang mga ngiti sa labi niya. May anak na ang isang 'to? At hindi niya pa alam! “I don't want to spoil anything, pero may anak na ako,” “Sana makita namin ang anak mo. Ipakilala mo sa amin para makabondin

