CHAPTER 85 Umiling na lang ako sa pinagsasabi ni Ninong. May inutusan lang si Ninong na pwedeng bumili ng gamot na para kay Alas. Sa awa ng Diyos ay naging maayos na ang pakiramdam ni Alas sa mga sumunod na araw. Nang medyo bumuti na ang pakiramdam niya ay ang bilis na nitong kumain. Parang bumawi siya ng kain dahil sa ilang araw itong walang ganang kumain. Nakakahinga na ako ng maluwag dahil maayos na siya. “Alas, dito lang si Mama sa labas maghihintay, okay?” paninigurado ko sa kanya. Sumilip ulit ako sa classroom nila at inayos ko ang damit niya. “Break a leg, Alas! Just enjoy,” Magkasama kami ni Ninong na hinatid si Alas sa first day of school niya. Pinasok namin siya sa isang private school. Malapad ang aking ngiti nang pumasok na sa loob ng classroom niya si Alas. Nak

