CHAPTER 39 Nagising ang buong diwa ko nang sinabi niya iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Sapilitan akong lumayo sa kanya upang titigan ang kanyang mukha. Sa unang tingin ko ay hindi ko ito maaninag ng mabuti dahil na rin sa ilaw sa loob ng bar. Kailangan ko pang pasingkitin ang aking mga mata para makita ko siya ng mas malinaw. At doon ko na nga siya tuluyang nakita. Si Ninong, nakatayo sa aking harapan. May mga ngiti sa mga labi niya. Shit. Shit. Shit. Nakakahiya ka, Ligaya. Sinabi ko ba sa kanya na may boyfriend na ako? Tapos pangalan niya pa ang ginamit ko! Paano ko naman babawiin 'yon sa kanya? Malinaw na malinaw ang pagkakasabi ko kanina sa pangalan niya. Ngayon paano ko itatanggi 'to? “Ligaya! Let's dance!” rinig kong sigaw ni Senyorito Isid

