CHAPTER 38 Magkasabay kaming kumain. At buti na lang at binitawan na ni Ninong ang manok kung hindi sa kaldero ang bagsak nun sa akin. Pagkatapos kumain, sumabay pa kami ni Nanay sa kanya papunta sa mansyon. Habang si Tatay naman ay nagpaiwan mag-isa sa bahay. Matutulog daw siya buong araw dahil masakit ang ulo niya.b Ang kapatid ko naman ay pumasok na sa school. Si Senyorito Isidro ang bumungad sa amin nang dumating kami ni Nanay. “Magandang umaga, Senyorito Isidro,” magkasabay namin na bati ni Nanay sa kanya. “Good morning!” Nakuha ko na agad ang mga ngiti nito sa akin. Halata na kung ano ang ibig sabihin nun. “Nasaan si Kuya?” agad na tanong niya sa akin nang maiwan kami ni Nanay. “Nasa labas pa, Senyorito,” Pumasok sa aking isipan ang nangyaring pagsisinungaling nito

