CHAPTER 76 “Ninong, umayos ka nga!” tinulak ko ulit ang katawan niya palayo sa akin. “Can I have a kiss, Ligaya?” he asked using his husky voice. Sabing ‘wag painumin ng marami ‘to, eh. Ang daldal na tuloy. Ang bigat-bigat niya. Nasa akin na lahat ng bigat niya dahil nakaakbay ito sa akin. “Ninong, kapag hindi ka umayos d’yan masasapak na kita,” pagbabanta ko sa kanya. Aba, ang walanghiya ay dinikit pa ang mukha sa aking leeg. Tumatama na ang mainit niyang hininga sa aking balat. Nagtatayuan na ang aking balahibo sa katawan. Lalo na at humahaplos ang kamay nito sa aking balat. Parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko. “One kiss, Ligaya, please,” sabi nito. Nagmamakaawa ang kanyang boses. Ang nakaakbay niyang kamay ay nilipat niya iyon sa aking bewang. Doon naman humahaplos n

