CHAPTER 75 “Ninong, ‘yong bunganga mo baka marinig ka ng ibang tao rito,” Tumingin ako sa paligid namin. Kahit mahina lang ang boses niya nakakatakot pa rin na marinig ‘yon ng iba. Pahamak ‘tong bungang na Ninong. Kung ano-ano na lang ang sinasabi niya. “Sabi kasi ng Tatay mo pakainin mo raw ako,” sagot pa nito. At sasagot pa talaga siya? “Ewan ko sa ‘yo, Ninong. Dito ka lang, kukuha na ako ng pagkain sa ‘yo,” Iniwan ko na siya upang kumuha na ako ng pagkain. Marami akong nilagay sa pinggan ko dahil nga share raw kami sa iisang pinggan lang. “Magkakabalikan na ba kayong dalawa niyan?” bulong sa akin ni Janella nang tumabi ito ng tayo sa akin habang kumukuha ako ng pagkain sa mesa. “Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol d’yan, Janella. Kay Alas muna ang focus naming dalawa

