CHAPTER 68 “Senyorito!” pinanlakihan ko siya ng mga mata. Puro kalokohan na naman ang ituturo niya sa anak ko. “Joke lang!” Hindi pa nga namin naayos ang relasyon namin ng Kuya niya tapos susundan namin si Alas? Wala pang isang araw na nagkasama ang mag-ama susundan ko na agad ng pangalawa? Minsan ang tindi rin ng mga lumalabas sa bibig ni Senyorito Isidro. Ilang taon na nga ba si Senyorito Isidro at hanggang ngayon wala pa ring anak? “Sabi mo na hindi siya nakakapagsalita, 'di ba?” tanong nito sa akin. I nodded at him. Hindi nga nakakapagsalita ang anak ko. Pero nung makita niya si Ninong Leandro ay nakapagsalita na siya. Buong akala ko ay kakailanganin ko pa ng therapy para makapagsalita siya. Nakakapagtaka man pero masaya akong sa wakas ay narinig ko na ang boses ng anak ko.

