CHAPTER 67 Napapailing na lang ako sa ginagawa ni Senyorito Isidro. Kung makaasta siya parang magtropa lang sila nung kidnapper. Kahit saan dalhin dala-dala niya pa rin ang kalokohan niya! Muntik pang ma high blood ang kidnapper sa pinaggagawa niya. Saglit na kinalikot nung mamang kidnapper ang cellphone ni Senyorito Isidro. Naka loudspeaker iyon kaya naririnig namin na nagriring na. Ilang beses na nagriring ang cellphone hanggang sa makarinig na kami ng boses mula sa kabilang linya. “Isidro?” Napangisi si Mamang kidnapper nang marinig niya ang boses ni Don Mariano. “Mariano, ang tagal ko ng hindi narinig ang boses mo,” Tumingin ako sa buong paligid. Kaming lahat ay tensyonado na. Pero si Senyorito Isidro ay nakangisi pa rin. Nang tumingin ako kay Alas ay nakatitig lang sa akin

