CHAPTER 66 Hindi ko naisip na ang unang lalabas mula sa labi ng anak ko ay ang salitang “Papa”. He never met him. Ni hindi ko nababanggit sa kanya ang tungkol sa tunay niyang ama. Pero sa oras na makita niya ang mukha ni Ninong Leandro, ang mga katagang “Papa” ang nasambit niya. Gusto kong takbuhin ang direksiyon ni Alas upang yakapin siya. Ang sarap pakinggan ng boses ni Alas. Narinig ko na rin sa wakas ang boses ng anak ko kapag nagsasalita siya. Paano niya nalaman? “Nakakapagsalita naman pala ang batang ‘to! Pinahirapan mo pa ako! Akala ko English ang kailangan!” sigaw ng isang kasama namin kanina. Nakatingin sa akin si Alas. Nanghihingi ng tulong ang anak ko ngunit wala akong magawa. May tali ako at kahit malapitan man lang ay hindi ko rin magawa. “Please, ‘wag n’yong idam

