CHAPTER 50 Mas lalong ayaw ko namang tanggapin ang pagkain na 'to lalo na ngayong nalaman kong galing pala kay Ninong. “Hindi ko po matatanggap 'yan, Kuya, pasensya na po. Pakisabi nalang po sa nagpadala niyan na hindi ko tinanggap, pasensya na po talaga.” Kahit nakakabastos tingnan, dahil sa aking takot ay pinagsarhan ko ng pintuan ang delivery rider. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba ko. Si Ninong ang bumili ng pagkain para sa akin? Hindi pa ba ito umalis? Ni hindi na nga ako lumalabas ng boarding house namin para hindi siya makita tapos malalaman kong pinadalhan niya ako ng pagkain? Takot ang aking naramdaman. Nilock ko ang pintuan namin. Nilagyan ko pa ito ng isang silya. Ang daming mga pumapasok sa isipan ko. What if bigla na lang akong pasukin dito at sapili

