CHAPTER 39: Bab NAGING TAHIMIK KAMI nang maggabi na. Hindi dahil gabi na, kundi dahil may tama na ng alak. Ako panay na ang ihi ko kanina pa. At gano’n din si Troy. Nagpatugtog na lamang si Mengil sa bluetooth speaker niya bago pa kami makapagsalita ng kung ano dahil sa kalasingan. Bago pa muling may mabuong tensiyon sa pagitan namin ni Troy. Pero hindi naman talaga ako nalalasing, nakakaramdam lang ako ng kalungkutan kaya down na down na ang pakiramdam ko na parang tinalo na ng espirito ng alak. “Iihi ka na naman?” tanong sa akin ni Bab nang tumayo ako. “Oo,” sagot ko. “Panay na nga pass mo sa alak,” nakangising sabi niya. “At least may isang bagay akong alam kung saan mas malakas ako sa ‘yo,” may pagmamalaki sa sariling sabi niya. Ngumiti na lang ako at umalis na. Hindi ako iihi, g

