CHAPTER 38: Sarili “TRES, HUWAG DITO,” sambit ni Mengil. Muli akong hinawakan ni Bab sa braso. “Tres, pakiusap. Inom na lang muna tayo ‘tol. Pahinga natin, ‘di ba?” pahayag niya. Nawala ang anyo ng pagiging bampira ni Troy. At narinig kong may paparating kasabay ng halimuyak ng rosas. Pumikit ako, at sa pagdilat ko ay wala na rin ang pagiging bampira ko. Inakbayan ako ni Bab. “Act normal,” may pilit na ngiting bulong niya sa akin. “Ba’t ang tahimik n’yo?” tanong ni Arjay. Tinitigan ko siya ngunit hindi niya ako tinitingnan. “Banlaw muna ako,” paalam ko sa kanina. Agad na akong tumayo at umalis. “Hintay!” habol sa akin ni Bab. Patakbo siyang sinundan ako. “Hindi ba sabi mo, ‘wag akong aalis sa tabi mo,” nakangiting sabi niya. Hindi na pilit ang ngiti niya. Isa lang ang banyo sa bah

