CHAPTER 35: Pamilya

2199 Words

CHAPTER 35: Pamilya  MAAGA KAMING PUPUNTA ng baryo ng Igang, pagkatapos pa lang namin magkape ay naghanda na kami. Upang makatulong na rin sa mga ihahandang pagkain. Boodle fight ang style ng salo-salo kina Mengil, na celebration pala para kay Arjay. Nang maharap niya ang kanyang takot sa dagat. Nasaksihan ko ‘yon. At nang araw na ‘yon, habang nasa malayo ako at nakatanaw sa kanya, nando’n ‘yong pakiramdam na gusto ko siyang yakapin dahil sa saya. Na sana maging bahagi ako ng makabuluhang parteng iyon ng buhay niya. Gusto ko siyang batiin, purihin at ipagmalaki. “Hoy, tulala ka na naman d’yan,” tapik sa akin ni Mengil. Nasa garahe na kaming tatlo para magtungo na sa bahay nila. Si Mengil, hindi na nagdala ng gamit dahil may mga damit naman siya sa kanila. Kami na lang ni Bab ang nagdala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD