CHAPTER 36: Ang pagbabalik NAGING NORMAL ANG lahat. Nakatingin pa rin sa akin si Troy na may nakakalokong ngiti. “Fight! Kainan na!” hudyat ni Mang Ramon na puwede nang kumain. “Sugod!” segunda naman ni Mang Andoy. “Let’s go!” sigaw ni Bab. Napatingin kami sa kanya ni Mengil at natawa na lang. Ang mga kasama namin ay nagsimula nang kumain. At nakakaramdam ako ng inis sa katapat ko na kumakain na masaya at nagtatawanan, sina Arjay at Troy. Iuntog ko kaya sila? Kaso hindi ko nga pala mabubura ang alaala ng mga kasama namin. “Kumain ka na nga,” sabi ni Bab sa akin habang may nguya siyang karne. Bukod sa naaasar ako sa dalawang kumag sa harapan ko, iniisip ko pa kasi kung ano ang dapat kong kainin kaya hindi pa ako nagsisimulang kumain. Baka kasi mangyari uli ang nangyari sa akin sa H

