Sa paglipas ng mga araw ay patuloy ko ring nararamdaman ang kalungkutan sa aking dibdib. Gabi-gabing si Benjamin lang ang laman ng aking panaginip. Mukha ni Benjamin ang nakikita ko sa bawat lalaking aking nasasalubong. Daig ko pa ang isang baliw na walang ibang hinahanap kundi ang tanging presensiya lamang ni Benjamin. Lagi kong ipinipikit ang aking mga mata upang isipin na narito lamang siya sa aking tabi. Matinding pangungulila ang aking nararamdaman sa bawat oras na naiisip ko siya. “Benjamin!” Sigaw ko sabay nang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. “Bumalik ka na, please!” Muling sigaw ko sa malawak na karimlan mula rito sa balkonahe ng condo unit na pag-aari rin ni Benjamin at dati kong tinuluyan. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaang dumampi ang lamig ng simoy ng

