Mula nang malaman ko kay Julie na narito si Benjamin sa bansa ay mas naging masigasig akong hanapin ito. Hihingi ako ng kapatawaran sa kaniya sa lahat ng aking mga nagawa. Pumasok ako sa opisina ng araw na 'yon at pilit kong pinapaamin si Santos kung saan naroon si Benjamin. Alam kong alam niya kung saan naroon ang binata ngunit ayaw niya lamang iyon sabihin sa akin. "Santos please, sabihin mo na sa akin kung saan naroon si Benjamin." Pakiusap ko sa kaniya. "Hindi ko po talaga alam Madam, kung saan naroon si Boss." Tanggi pa niya sa akin. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata at pilit na hinuhuli ito. "Imposibleng hindi kayo nagkakausap, Santos," Malakas na ang aking boses. "Yes Madam, nakakausap ko siya pero through cellphone lang talaga. Ni hindi nga kami nagkikita 'nun k

