Matapos pormal na hingiin ni Benjamin ang basbas ng mga magulang ko ay sa bahay na rin niya kami ni Jerson inuwi ng gabing iyon. Nalaman ko mula sa kaniya na hindi totoong umalis siya ng bansa. Tanging si Santos at Mark lang ang nakakaalam kung saan siya naroon. "Sabi ko na nga ba at hindi ko talaga mapapaamin 'yan si Santos sa kinaroroonan mo. Nasa sa'yo talaga ang loyalty niya," nakaingos kong saad kay Benjamin. Tatawa-tawa naman ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit mula sa aking likuran. "I love you, Dear!" malambing niyang bulong sa akin at idinikit pa ang kaniyang mukha sa aking batok. Nagtayuan naman ang lahat ng mga balahibo ko sa batok. "I miss you!" Paanas niyang bulong at lalo pang idinikit ang kaniyang mainit na katawan sa akin. "Tse! Na-miss niya raw ako pero natii
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


