Hinatid ako ni Rey at masuyong inalalayan hanggang sa makalabas ng hospital. Pasakay na ako sa taxi nang pigilin niya ako sa braso. Napatingin ako sa kaniya at nagtatanong ang aking mga mata. Hinapit niya ako palapit sa kaniya at saka ako siniil ng halik sa aking mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Nang itutulak ko na siya ay saka naman niya binitiwan ang aking mga labi. "Bakit mo ginawa 'yon?" asik ko sa kaniya. "It's just a goodbye kiss. Salamat sa lahat, Annalyn. Salamat!" madamdamin niyang wika. "Isang bagay lang ang hihilingin ko sa'yo, Rey..." Sandali akong natahimik at humugot ng malalim na buntong hininga. "Ibigay mo sana ang kalayaan ko," mariin kong sabi sa kaniya. Kitang-kita ko ang dumaang sakit sa kaniyang mukha pero pinilit pa rin niyang ngumiti sa aki

