Chapter 43

1756 Words

Unang araw ng seminar para sa business venture namin dito sa Davao. Hinanap ng mga mata ko sa paligid si Rey ngunit ‘di ko ‘to makita. Tumingin ako sa pambisig na relo at nakita kong malapit nang magsimula ang oras ng seminar. Nag-uumpisa na ring magngitngit ang dibdib ko sa inis. “Bw*sit talaga na lalaking ‘yon! Alam naman niyang importante ang ipinunta namin dito tapos pa-VIP lang din ang peg niya,” gigil kong bulong sa sarili. Nagsimula nang magsalita ang speaker pero ni anino ni Rey ay wala pa rin. “Napaka-iresponsable talaga niya!” anas ko sa sarili at pinaikot pa ang mga eyeball ko sa mata. Nauna na akong umupo sa upuang nakalaan sa aming dalawa. Nakapangalumbabang itinukod ko ang mga braso sa mesa at pahinamad na tumingin sa harapang bahagi kung saan naroon ang tagapag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD