Benjamin Resurrection (POV) “Annalyn!” Mabilis kong nasalo ang katawan ng nawalang malay na dalaga. “Annalyn!” ani naman ni Rey. "Sorry, 'di ko sinasadyang matamaan ka, Annalyn," wika pa nito. “Layuan mo siya!” Taboy ko sa kaniya at tinabig ang kamay niyang nakahawak sa isang kamay ni Annalyn. “Kasalanan mo ‘to! Kung hindi ka sana nakikialam sa aming mag-asawa, hindi sana kami lalong nagkakalabuan ng ganito,” asik niya sa akin. “D*mn! Ang lakas ng loob mong magsalita sa akin ng ganiyan gayong ikaw ‘tong nanloko sa kaniya,” gigil kong turan kay Rey. Binuhat ko ang katawan ni Annalyn at may nahawakan akong malagkit na likido mula sa kaniyang mga hita. Tiningnan ko iyon at nakita ko ang patuloy na pag-agos ng dugo mula roon. “F*ck!” mura ko sa sarili. “Dugo!” gumagaralgal na saad n

