Chapter 7

5236 Words

Kabanata 7 "Anak, bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling?" Aligagang tanong sa akin ni Inay nang makitang pababa ako ng motor ni Lukas. "Bakit po, Nay. May nangyari ba?" "Si Leny, kanina pa namimilipit sa sakit ng tiyan. Ikaw lang 'yong hinihintay namin para madala siya ng ospital!" Kaagad akong pumasok ng bahay at nakita kong namimilipit nga sa sakit ng tiyan ang aking kapatid. Siguro sa sobrang sakit nito naging mapusyaw na ang kulay ng kanyang balat. Nataranta naman ako nang bigla na lamang itong sumuka ng aking akayin. "Kailangan na natin siyang madala sa ospital, Koy!" Bulalas ni Lukas sa aking likuran at kaagad nitong nilapitan si Leny at binuhat patungo sa kanyang motor. "Nay kami na ang bahala kay Leny. Mauna na po kami sa ospital. Ihanda n'yo lamang po ang mga gamit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD