Chapter 12

4803 Words
Hindi lang isang beses nangyaring pinagbuhatan ako ng kamay ni Keith. Naulit pa iyon ng makailang beses at sa tingin ko parang normal na lang para sa kanyang saktan ako kapag ganoong makaramdam siya ng pagseselos o kaya'y pagduda sa mga taong nakakasalamuha o aking nakakausap. Sumisikip na ang mundo ko sa kanya. Kulang na lang talian niya ako at ipasok sa loob ng baul. Kung may lalakarin man ako ay dapat naroon siya at kapag hindi niya magawang sumama dahil sa busy siya sa pag-aasikaso sa kanilang real estate company, may ipapadala siyang bodyguard na magbabantay sa akin. Noong isang linggo nga nang magkaroon ng retreat ang aming klase sa isang beach sa Pangasinan ay pinasamahan niya ako kay Brando, isa sa mga tauhan niya na sa tantiya ko wala pa sa kwarenta ang edad. Hindi man pinagpala ng mukha, ngunit may malaki naman itong pangangatawan at matangkad pa. Iyong parang bodegero ng palay sa probinsiya namin noon. Maangas ang itsura at mukhang malibog. Kung nagkataong babae lang ako ay malamang pinagnanasaan na niya ako. Hindi naman literal na bumubuntot sa akin si Brando na kagaya ng ginagawa ng ibang mga bodyguard sa kanilang mga amo. Sa may di-kalayuan lang siya pumupwesto na pasimpleng tumitingin sa akin kung sino ang kinakausap ko at kung ano ang aking mga ginagawa. Mistula lamang siyang ordinaryong taong namamasyal lang din sa paligid at walang nakakahalata isa man sa mga kaklase ko na may bodyguard akong kasama. Ganunpaman, di ko pa rin maiwasang mailang. Hindi naman kasi ako sanay na may bodyguard at pakiramdam ko limitado lamang ang aking kilos at mga galaw. Kunting pagkakamali ko lang tiyak magrereport iyon kay Keith at siguradong bugbog na naman ang aking aabutin. Hindi ko pa rin talaga matantiya ang pag-uugali ni Keith. Kahit pa may bodyguard na ako ay di pa rin maalis sa isip niya ang magselos. Pati password ko sa f*******: ay alam niya. Iyong bagong bili niyang sim sa akin ay halos araw-araw niyang tsini-tsek kung may bagong pangalan bang nadagdag sa phonebook nito at kung meroon man, kahit pa pangalan iyon ng babae ay tatawagan niya ito para ma-confirm kung talaga bang babae nga dahil kung hindi tiyak sasaktan na naman niya ako. Subalit kampante naman ako habang binubusisi niya ang aking account sa sss at celphone dahil kahit pa hindi ko naman talaga siya mahal at sa kabila ng pagmamaltrato niya sa akin ni kailanman hindi ko inisip na tumingin pa ng ibang lalaki. Hindi sa takot ako sa maari niyang gawin kundi bilang respeto ko na lang sa kanya at kay Lukas na magpahanggang ngayon, ang lalaking laman pa rin ng aking puso at isipan. Dumating rin ang araw ng pagharap ko sa kanyang mga magulang. Thanks-giving party iyon sa kanilang kompanya na kung saan bigating mga tao sa lipunan lamang ang imbitado. Ginanap iyon sa isa sa pinaka-class na hotel sa Manila at doon ko nalaman na hindi pala talaga basta-basta ang kanilang pamilya. Nanginginig ang aking mga kalamnan sa kaba nang hilain niya ako patungo sa veranda na kung saan naghihintay sa amin ang kanyang mga magulang. Bagama't may mga edad na subalit lantad pa rin ang kagandahan ng kanyang ina at ganoon din ang kapogihan ng kanyang ama na halatang may dugong banyaga. Walang duda, sa kanya namana ni Keith ang tisoy nitong itsura. "Hi, Mom, Dad. This is Mario, my partner and we're celebrating our fifth monthsary this month!" Ang walang kagatol-gatol niyang pahayag. Hindi ko man lang siya nakitaan ng pagka-awkward. Samantalang ako, mistula ng kandilang nakatirik na unti-unting nalulusaw sa matinding hiya at kaba. Lalo na nang hinagod ako ng tingin ng mga ito. "H-hello po" Ang simpleng bati ko sa kanila. "Where did you met my son, Iho?" Ang kaagad na tanong ng ama ni Keith sa akin. "Sa isang party po" Ang tugon ko naman. Iyon ang bilin sa akin ni Keith kapag tinanong nila sa akin iyon. "A-ano ba ang family background mo? I mean, anong assets ng pamilya mo?" Ang pagsingit naman ng Ina ni Keith. Mukhang mataray ito kaya naman mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko sa dibdib. Napahawak ako sa kamay ni Keith. "Ulila na po ako sa ama, Ma'am. Si Nanay ko naman ay isang tindera sa maliit naming sari-sari store sa probinsiya. Hindi po kami mayaman tulad n'yo. Pero, nasisiguro kong mahal ko ang anak ninyo" Ang deretsahan kong sagot sa tanong niya. Nakita ko ang maluwag na pagkakangiti ni Keith sa aking sinabi ngunit taliwas naman iyon sa nakikita kong ekspresyon ng kanyang mga magulang. Iyon bang parang nakakakita ng nabubulok na basura sa tabi ng daan na hindi pa kinokolekta ng mga basurero. Tumaas ang mga kilay ng mga ito. Mas lalo pang tumindi ang pangingilatis ng mapanuri nilang mga tingin. "It's a waste of time. I had to meet some other big men in the industry, rather than talking of this nonsense things, excuse me!" Biglang umalis ang ama ni Keith. At sa sinabi niyang iyon mas lalo pang nadagdagan ang naramdaman kong hiya at panliliit ko sa aking sarili. Halata kasing hindi niya ako gusto para sa kanilang anak hindi dahil sa isyu ng aking kasarian kundi sa katayuan ko sa buhay. "Hey, Dad, anong kabastusan 'to? Pigil ni Keith sa kanyang ama. "Dati, isang basura ang ipinakilala mo sa amin ng Mommy mo. Pinerahan ka at kalauna'y iniwan rin at ipinagpalit sa iba. Ngayon isang basura rin ang iniharap mo sa amin. Hindi ka pa rin ba nadala Keith?" Napayuko naman ako sa narinig kong iyon. Pinagsisihan ko nang malaki ang pagsama ko sa party na iyon. Sana kaya kong mag-teleport para hindi ko na marinig pa ang kanilang pangmamaliit at pang-aalipusta sa aking pagkatao. "Hindi ganyan si Mario, Dad. Maaring nanggaling siya sa mahirap na pamilya but he's a decent man and full of ambition. He is a graduating Thomasian academic schoolar. Soon to be summa c*m laude kaya huwag n'yo siyang ikumpara sa mga nauna kong ipinakilala sa inyo! "Then, good to hear that. But with deep honesty, that is not his ticket to win this family. Saka na siguro kong mapapatino ka na niya nang husto. Iyong maipapakita niyang hindi ka niya iiwan sa kabila ng iyong karamdaman at hindi pera mo lang ang habol niya sa'yo" Bulalas ni Mr. de Guzman. "Stop that, Enrico!" Dali-daling lumapit ang Mommy niya sa kanila upang pigilan ang kanilang sagutan. Lalo pa't bigla na lamang nag-iba ang anyo ni Keith. Iyong kapag inaatake na naman siya ng kanyang hindi napipigilang galit na siyang kadalasang dahilan kung bakit niya ako napagbubuhatan ng kamay. "Ahhhh!" Sigaw ni Keith at inambaan nito ng suntok ang ama subalit naging mabilis ang mga kilos ko upang siya ay pigilan. Hindi ko man lubos maintindihan ang kanyang pakatao, sa kabila ng p*******t niya sa akin minsan ay sigurado akong may nakatagong kabutihan pa rin sa kanyang puso. Napatunayan ko iyon nang pinagtanggol niya ako sa panghuhusga ng kanyang ama sa akin. Kinakailangan ko lang higpitan pa ang tali ng aking pagpapasensiya at lalo pa siyang kilalanin at tulungan kong totoo mang siya ay may karamdaman. "Mario, dala ba niya ang gamot niya?" Ang tanong ni Mrs de Guzman habang nakayakap ito sa asawa. "A-nong gamot po?" "Wala akong sakit kaya di ko kailangang ang mga gamot na sapilitan ninyong pinaiinom sa akin!" Tinulak ako ni Keith at patakbong nilisan ang lugar. Malakas iyon kaya natumba ako sa kinatatayuan. Tumayo naman ako upang sundan siya ngunit pinigil ako ng Ginang at sinabing hahayaan ko na lamang daw si Keith at may pag-uusapan kami. Bumalik na sa kasiyahan ang Mister nito. Kami na lamang dalawa ang naiwan sa veranda. "First and foremost I am very sorry, Boy to tell you na hindi ka namin gusto para sa anak namin. Pero I gave myself a chance na kilalanin ka at patunayan mo ang iyong sarili sa amin, sa amin ng anak ko na hindi ang kayamanan lang niya ang interests mo. Dati ng may iniharap sa amin si Keith, isang lalaki rin but it doesn't matter to us, tanggap na naming iyang si Keith mula noong inamin niyang sa lalaki siya nagkakagusto. Magulang niya kami, kaya wala kaming choice kundi tanggapin ang kanyang pagkasino. Lihim naming pinaiimbistigahan ang unang lalaking kinababawalian niya and we found out na may asawa ito at mga anak. Ginagamit lang niya si Keith upang matustusan ang naghihirap nitong pamilya. Dahil first love, nasaktan nang husto ang anak ko, naguho ang kanyang mundo at umabot sa punto na ito'y kanyang sinira sa pamamagitan ng ipinagbabawal na druga. He's become an addict. We actually send him to rehab dahil talagang umabot sa puntong he's out of control at pati kami na magulang niya ang nagagawa niyang saktan. He had this mental illness na kung saan hirap siyang magkontrol ng galit. As you can see kanina, muntik na niyang suntukin ang Daddy niya kung di lang ako pumagitna. Now, if you really do love my son, help him. Convince him to stop using drugs ang eventually send him back to rehab for his own good!" Tinapik niya ako sa balikat. Tumango ako. Nauna ng bumalik ang Ginang sa venue at ako nama'y naiwang napapaisip. Hindi ko alam na may ganoong kwento si Keith dahil wala naman siyang sinasabi sa akin bukod sa nahahalata kong sakit niya sa pag-iisip. Buong akala ko'y likas lamang siyang sadista ngunit isa na pala itong mental disorder na bunga ng pagamit niya ng ipinagbabawal na druga. Mukhang nadagdagan pa tuloy ngayon ang aking mga pasanin. Halatang sumuko na ang kanyang mga magulang sa kanya at sa akin na iniatang ang responsibilidad para sa kanilang anak. Kahit papaano, nakaramdam ako ng awa sa sitwasyon ni Keith. Nariyan nga ang mga magulang niya subalit wala na yata sa hinagap ng mga ito na iahon siya sa kinasadlakang karimlan. Sinasaktan man niya ako ngunit naroon sa loob ko ang udyok na siya ay tulungan. Marahil iyon ang misyon ko, ang maibalik sa dati si Keith. Tumungo akong parking lot upang hanapin siya ngunit tanging kotse lang niya ang aking nakita. Bumalik ako sa venue ng party sa pag-aakalang naroon siya at nakipaghalubilo sa kanilang mga bisita subalit wala rin siya doon. At sa aking pagmamasid, nahagip ng aking paningin ang lamesa ng JT Realty na kung saan kilalang-kilala ko ang isa sa mga nandoon, si Sir Jeric. Ang partner ng may-ari ng dati kong pinapasukang fastfood na si Sir Makoy. Nagsalubong ang aming mga paningin. Nginitian niya ako kaya naman nagmamadali akong lumapit sa kanyang kinaroroonan para maki-join ng mesa. "Mario, kumusta ka? Nice too see you again" Ang bati niya sa akin at tumayo pa talaga siya para bigyan ako ng upuan. Nagpasalamat naman ako bago umupo. "Mabuti po. Sa awa ng Diyos, ga-graduate na ako sa susunod na buwan. Kaibigan ko nga pala ang anak ng may-ari nitong kumpanya kaya ako naimbitahan rito. Kayo ho, kumusta kayo ni Sir Marko?" "Good to hear that. Anyway, going strong pa rin kami kahit medyo nagkakaedad na. Actually, kabubukas lang ng bagong branch namin doon sa Laoag kaya hindi siya nakasama ngayon" Kwento niya. "Ang swerte n'yo talaga sa kanya, Sir. Bukod sa gwapo na, ang sipag pa" "Siguro. Pero alam mo bang todo bantay din ako roon ',no? Andami kasing umaaligid. Lahat na yata ng ahas nasa siyudad na kaya mahirap ng matuklaw ang Sir mo!" Tawanan kaming pareho sa biro niyang iyon. At dahil sa dami ng aming napagkwentuhan nawala na sa isip ko si Keith at hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras hanggang sa nagsimula ng magsiuwian ang mga bisita. Halos sinuyod ko na ang buong hotel ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita kaya naman napagpasyahan kong balikan ang parking lot na kung saan nakahimpil ang kanyang sasakyan. Nakita ko itong nakahimpil pa rin doon, ibig sabihin ay naroon lang siya sa paligid. Lumapit ako sa sasakyan, biglang umilaw ang headlights nito kasabay ng paghawak sa akin ng mahigpit ng isang kamay. "Keith!" Bulalas ko nang tumambad sa akin ang malademonyo na naman niyang itsura. Mistula siyang nasapian sa panahong iyon kaya nasisiguro kong inaatake na naman siya ng kanyang pagiging psychopath ayon na rin sa kwento ng kanyang ina. Ngunit bakit? Binuksan niya ang pinto sa may frontseat. Hinila niya ako at itinulak papasok sa loob. "Hindi ka na nahiya, pati official ng constituents ng kompanya ay nilalandi mo!" Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Sa lakas no'n parang nagkahiwalay ang magkabila kong panga. Natitiyak kong si Sir Jeric ang tinutukoy niya. "Nagkakamali ka sa inaakala mo, Keith, si Sir Jeric 'yon. Partner ng amo ko sa dati kong pinapasukang fastfood. Nakita mo na sila minsan noong sinundo mo ako diba?" Ngunit tila wala siyang narinig. Patuloy pa rin ang pangganggalaiti niya sa akin. Ini-insist niya pa rin ang pakikipaglandian ko sa iba. Sa condo niya itinuloy ang p*******t sa akin. Kinaladkad niya ako patungo sa aming silid at kaliwat-kanang sampal ang natamo ko mula sa kanya. Hindi pa siya nakuntento, nagawa pa niya akong dagukan at sakalin habang inuupuan niya ang aking dibdib na siyang lalong nagpapahirap sa aking huminga. "Mapapatay kitang, malandi ka!" Sigaw niya. Tuluyan na siyang nilamon ng isa niyang pagkataong may sa demonyo. Ako nama'y bagama't nahihirapan sa aking kalagayan ay sinikap kong makahanap ng paraan sa kung paano makakawala sa kanya. Nasipat ko ang maliit na flower vase na nakapatong sa sidetable ng kama. Sinikap ko iyong abutin sa paraang hindi niya mapapansin. Pasimple at dahan-dahan. At noong nahawakan ko na iyon, buong lakas ko iyong inihampas sa kanyang ulo dahilan para mabitawan niya ako ng pansamantala. "Ahhh, tang-ina!" Sigaw niya sapo ang kanyang ulo. Bago paman niya ako muling masaktan, itinulak ko siya ng buong lakas at bumagsak siya sa sahig. Sinamantala ko naman iyon para makatakas. Nagmamadali akong lumabas ng condo na puno sa laway at dugo ang aking mukha. Narinig ko pa ang pagsusumigaw niyang pabalikin ako ngunit hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Kailangan kong iligtas ang sarili kong buhay. Mabigat ang katawan ko dahil sa kanyang mga bugbog ngunit pinagsusumikapan kong bilisan ang aking mga kilos. Kinailangan kong makasakay agad ng taxi upang hindi niya ako maabutan na noo'y nanlilisik ang mga mata na tila isang leon na hinahabol ang kanyang magiging pagkain. Ngunit sadyang hindi nakikiayon ang pagkakataon sa akin sa panahong iyon. Wala kasing taxi o kahit jeep man lang ang dumaan kaya naman tumakbo ako nang tumakbo upang hindi niya ako maabutan kahit pa napapadalas na ang aking pagkakadapa dahil sa panghihina. Nakasunod pa rin sa akin si Keith. Hawak ng kaliwang kamay niya ang kalibre 45 na baril. Nahintakutan ako. Alam ko kasing hindi malayong mapapatay niya ako dahil tuluyan na siyang nawala sa katinuan. Lakad-takbo naman akong tumungo sa dako pa roon. "Bumalik ka dito, Baby Boy!" Sigaw niya habang pinaikot-ikot ang baril sa isa niyang daliri. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo at noong napadaan ako sa madilim na bahagi ng kalsada ay naramdaman kong may matitigas na bisig na humila sa akin sabay takip sa aking bibig. Dinala ako ng taong humila sa akin sa likuran ng mayayabong na halaman. Madilim man ang paligid ngunit namukhaan kong si Brando na aking bodyguard ang humila sa akin. "Pssssshhhh!" Ang pagsaway niya nang akmang pumiglas ako. Nakuha ko naman ang kanyang nais kaya naman umayos ako. Nakahinga rin ako ng maluwang nang makita kong nilagpasan kami ni Keith at hindi napansing naroon lang kami sa mayayabong na halaman nagtatago. "Umalis ka na, bilisan mo!" Ang pangtataboy sa akin ni Brando. Hindi ko inakalang may nakatagong kabutihan rin pala sa kanyang puso na taliwas sa kanyang itsura. Kaya ang sabi ko, "Salamat" bago ako umalis sa aming pinagkublihan. Tiyempo namang may napadaang taxi at pinara ko iyon at natagpuan ko na lamang ang aking sarili sa tapat ng bahay nina Gina. "Napaano ka, Mar?" Bulalas niya nang pinagbuksan niya ako ng gate. Halata sa kanyang boses ang sobrang pag-aalala sa nakita niyang itsura ko na duguan at may mga pasa. Sa loob ng kanyang silid ikinwento ko sa kanya ang lahat habang nilalapatan niya ako ng gamot. "Iwan mo na ang baliw na 'yan dahil kung hindi, ikaw rin ang mahihirapan. Mamaya, mapapatay ka pa niya!" "Ito na marahil ang karma ko sa ginawa ko kay Lukas" "Huwag kang magsalita ng ganyan, Mar. Biktima ka lamang ng pagkakataon. At malinaw naman kasing sinamantala ni Keith ang sitwasyon. Halatang dati na niyang pinagplanuhan ang lahat. Ang baliw na iyon ang dapat na makarma at hindi ikaw!" Sandaling katahimikan. Inisip ko ang maaring mangyari kong iiwan ko si Keith. Paano ako at ang aking pamilya? Nasisiguro kong hindi siya makakapayag ng gano'n na lang. Natitiyak kong hahanapin niya ako saan mang lupalop ako magtatago. Buti sana kung ako lang ang papahirapan niya. Ngunit paano kung idadamay niya pati ang pamilya ko na dati na niyang pinagbantaan? Hopless ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nais ko mang magsumbong sa mga pulis ngunit natitiyak kong hindi rin ako pakikinggan. Maaring tatanggapin nila ang aking reklamo ngunit wala ring patutunguhan ang kaso. Ano nga bang laban ng isang langgam sa napakalaking elepante? Matapos akong gamutin ni Gina ay sa kwarto na niya ako pinagpahinga. Hindi niya ako pinayagang bumalik ng condo at baka makalimot si Keith at mapatay ako. Sinabi rin niyang sa kanila muna ako mamalagi habang ako'y nagpapagaling hanggang sa araw na sumapit ang aming graduation. "Paano kung pupuntahan niya ako sa university at pipilitin niya akong sumama sa kanya?" Ang nag-aalala kong tanong kinaumagahan nang mag-almusal kami. "E di, huwag kang sumama. Sabihin mong ayaw mo na sa kanya at tinatapos mo na ang inyong relasyon!" Ang sagot naman ni Gina. "S-sana gano'n lang iyon kadali, Gina. Sigurado kasi akong hindi siya papayag. Matitiis ko naman kung ako lang iyong sasaktan niya pero paano kung idadamay niya ang aking pamilya?" Napabuntong-hininga si Gina. Pinag-iisipan ang aking naging pahayag. "Tama ka, Mar. Psychopath nga pala ang taong iyon kaya malaki ang posibilidad na idadamay niya ang pamilya mo. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung papaano. Umm, ano kaya kung uunahan na lang natin siya?" "Anong ibig mong sabihin?" "Ipapatay mo siya bago ka niya maunahan!" "Hindi ko kaya ang kumitil ng buhay kahit gaano pa siya kasama. Kahit naman kasi ganoon si Keith ay may kutob akong may kabutihan pa ring nakapaloob sa kanyang puso. Napatunayan ko iyon nang pinagtanggol niya ako sa harap ng kanyang mga magulang nang hamakin ng mga ito ang pagkatao ko!" "So, ibig sabihin ba niyan babalik ka d rin sa kanya at titiisin ang kanyang p*******t. Hahayaan mo na lang ba na maging battered wife ka, este husband pala?" "Ewan, hindi ko talaga alam. Parang may udyok kasi sa akin na tulungan siya" "Paano kung mapuruhan ka niya, sino ang tutulong sa'yo? Ano kaya kung hanapin mo si Lukas at makipagbalikan ka sa kanya nang saganun may makakatuwang kang harapin ang mga problema mo at may magtatanggol sa'yo!" "Hindi na siguro. Sa sobrang sakit ng ginawa ko, sigurado akong kinasusuklaman na niya ako. Alam kung isinumpa na niya pati kaluluwa ko!" Naging ganoon ang takbo ng aming usapan at sa huli bigo pa rin kaming makaisip ng paraan sa kung paano malulusutan ang suliraning aking kinakaharap. Bakas pa rin ang mga pasa sa aking mukha pero minabuti ko pa ring pumasok lalo pa't ilang linggo na lang ay graduation ko na. Napaaway ako nang umuwi ako ng probinsiya ang aking idinadahilan sa tuwing may nagtatanong sa akin na kung bakit may mga pasa ako sa mukha. Napaniwala ko naman sila. Nasa labas na ako noon ng university at kasalukuyan ng nag-aabang ng masasakyan patungo sa bahay nina Gina nang huminto sa aking harapan ang sasakyan ni Keith. Nilukob bigla ako ng takot sa maari niyang gawin kaya bago pa man siya nakababa ay nagmamadali akong humakbang palayo sa lugar na iyon para makaiwas. Subalit naging mabilis din ang mga hakbang niya para sundan ako. "Mar, sandali!" Ang tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinadya kong magtungo sa isang parke na kung saan maraming tao. Kapag ganoon kasi ay alam kong mahihirapan siyang pagbuhatan ako kung sakali. Patuloy pa rin siya sa kasusunod sa akin habang nagpakumbabang humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawang p*******t sa akin. Mukhang nasa mabuti siyang pag-iisip sa sandaling iyon. Iyong dating Keith na nauna kong makilala. Mabait at sweet. Kaya naman huminto ako sa paglalakad upang siya ay harapin. Ito na rin ang tamang pagkakataon na aking hinihintay na makausap siya ng maayos. Wala sa impluwensiya ng droga. "A-anong kailangan mo?" Ang tanong ko nang makalapit siya. "Hihilingin ko na umuwi ka na sa atin. Pero bago iyon, humihingi ako sa'yo ng kapatawaran!" Sabay luhod sa aking harapan dahilan para magsitinginan ang mga taong napapadaan at bago pa kami pagpiyestahan ng mga usyosero, agad ko siyang hinila palayo sa lugar na iyon. Pumasok kami sa kotse niya at doon itinuloy ang aming pag-uusap. "Kung talagang bukal sa loob mo na makipagbalikan sa akin. At kung talagang mahalaga pa ako sa buhay mo, dapat makinig ka sa aking mga sasabihin!" "Ano naman 'yan?" "Ipangako mo!" "Oo, pinapangako ko!" "Naikwento na sa akin ng Mommy mo ang tungkol sa dinadala mo. At nais kitang matulungan, Keith!" "You mean, you believe in her?" Nasa boses niya ang pagkadismaya ngunit hindi naman galit. Nanatili pa rin siyang mahinahon kaya sinamantala ko ang pagkakataon na siya ay makumbinseng magpagamot at tuluyan nang iwan ang ipinagbabawal na droga. "At bakit naman hindi? Tingnan mo kung ano ang nagawa mo?" Itinuro ko ang aking mukhang may pasa. Napayuko siya. Hindi makatingin sa akin ng deritso. "I-ikaw naman kasi!" "Keith, hindi gawain ng matinong tao ang manakit ng walang sapat na dahilan. Muntik mo na akong mapatay subalit hindi naman ako nagtanim ng galit sa'yo. Bagkus, gusto kitang tulungan na gumaling. Mahal mo ako diba? At ayaw mong mawala ako sa buhay mo..." Nakita kong tumango siya kasabay ng pagkagat ng kanyang mga kuko sa daliri na para bang paslit na nakikinig sa pangaral ng isang ina. "...Kung gano'n, sasamahan kitang magpatingin muli sa doktor!" Tumango ulit siya sabay sabing, "Ngunit ayoko sa rehab, papatayin nila ako doon. Pinapangako kong iiwasan ko na ang pagamit ng drugs but please, Baby huwag mo akong piliting ibalik doon. I've been there once and it's a hell for me!" Hinawakan niya ang dalawa kong palad. Nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkahabag sa kanya sa kabila ng p*******t sa akin. Parang sa akin siya kumakapit sa sandaling iyon kaya napagdesisyunan kong bumalik sa kanya. Isinuko na rin kasi siya ng kanyang mga magulang kaya ako na lamang ang taong pwede niyang malapitan. Handa kong isugal ang aking buhay para lamang bumalik siya sa dating hwisyo. Naniniwala kasi akong likas siyang mabuting tao. Bumalik na muli ako sa condo. At pansin ko ang kanyang pagbabago sa paraan ng pakikitungo niya sa akin. Hindi na niya pinakikialaman ang aking celphone at itinigil na rin niya ang pambubusisi sa aking f*******: account. Mas naging sweet na siya sa akin at maalaga. Kapag wala siyang pasok sa trabaho, ipagluluto niya ako ng mga paborito kong pagkain. Siyempre touched ako sa kanyang ipinapadamang pagmamahal sa akin kahit pa alam ko sa sarili kong wala naman akong nararamdamang pag-ibig sa kanya. Kung palaging ganoon si Keith, marahil darating din siguro ang panahon na matutunan ko rin siyang mahalin lalo pa't nakikita ko ang pagsusumikap niyang sundin ang mga tagubilin ng doktor, ang inumin ang kanyang mga gamot ng walang palya. Hindi man agaran ngunit nakikita kong pinagsusumikapan niyang iniiwasan na gumamit ng ipinagbabawal na droga. May mga sandaling maratnan ko siya sa condo na nangninginig at nakahalukipkip sa gilid, iyon ay palatandaan na hinahanap na naman ng kanyang katawan ang makahithit subalit pilit niyang nilalabanan ang dating kinahiligan. Hindi nga naman siya perpekto. Minsan, nagpapaalam iyan dis-oras ng gabi at alam ko kung saan ang kanyang tungo ngunit hinahayaan ko na lang. Kung ang paninigarilyo nga ay hindi matitigil ng biglaan, iyon pa kaya? Siguro ay mapipigil din niya iyon nang paunti-unti at hindi lang bibiglain. Nagtapos din ako sa kolehiyo at ipinasok ako ni Keith bilang isang accounting executive sa kanilang kumpanya. Laking pasalamat ko dahil malaking tulong iyon para sa akin at sa aking pamilya. Napag-aaral ko na nang sabay sa kolehiyo ang aking dalawang kapatid. Naipagawa ko na rin ang sira naming bahay sa Mariveles at nakapagpatayo na rin ako ng sari-sari store para kay Inay. Tuwing weekends naman ay nagma-masteral ako dahil binalak kong makapagturo ng college doon sa aming probinsiya. Nasa mga kamay ko na ang aking mga minimithing pangarap. Ang makapagtapos ng pag-aaral at mabigyan ng magandang bukas ang aking pamilya subalit ramdam ko pa rin ang malaking kakulangan. Oo nga't gumuguhit sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti ngunit sa likod nito ang matinding kalungkutan at pangungulila sa taong hanggang ngayon ay lihim ko pa ring iniibig. Halos magdadalawang taon na simula noong magkahiwalay kami. Marahil limot na niya ako ngunit sa sandaling nag-iisa ako sa aking silid, di ko maiiwasang mapaluha habang palihim na tinititigan ang aming larawan na aking itinago. Iyon na lamang ang bagay na nagdudugtong sa aming magagandang alaala ng nakalipas. Sa pamamagitan ng larawang iyon, maisasaliw ko sa aking gunita ang magandang pagsasama namin ni Lukas sa nakaraan. Nasaan na kaya siya ngayon? Naalala pa rin kaya niya ako? Iyon ang palaging sumusulpot na mga tanong sa aking isip bago ako igupo ng antok sa gabi at inaasam ko na sana'y magkasama kaming muli sa aking panaginip subalit hindi naman nangyayari. Pati panaginip ay napakailap na para sa amin kaya sigurado akong ganoon din sa totoong buhay. Para maiwasan kong gunitain ang nakalipas, itinago ko na sa baul ang larawan namin ni Lukas nang minsang umuwi ako sa amin. Sa ganoong paraan hindi na ako matutukso pang pagmasdan iyon na siyang nagpapasakit ng aking kalooban. Itinuon ko na lamang ang buong atensiyon ko sa aking post graduate studies, trabaho at siyempre kay Kieth na magdadalawang taon ko ng partner. Sa loob ng dalawang taon bigo pa rin niyang maangkin ang aking puso at lingid iyon sa kanyang kaalaman. Ganunpaman, ginagampanan ko pa rin ang aking tungkulin bilang partner niya. Ni kailanman hindi ako gumawa ng mga bagay na ikasisira namin lalo na at nakikita ko ang malaki niyang pagbabago. Tunay ngang malaki ang nagagawa ng pag-ibig. Napatunayan niya iyon sa akin. Nagawa niyang magbago para maipakita niya kung gaano niya ako kamahal kahit di pa rin niya tuluyang naiwasan ang pagamit ng ipinagbabawal na droga bagay na inintindi ko na lamang. Akala ko ay magtuloy-tuloy na ang pagbabagong iyon ni Keith. Ngunit sadyang totoo nga ang kasabihan na mahirap ng ituwid ang punong baluktot ang tubo kung ito ay matayog na. Napapadalas na ang pagamit niya ng ipinagbabawal na droga at kung aking papakiusapan, sisigawan niya ako at aambaan ng suntok. Halata mang nagpipigil siyang hindi ako mapagbuhatan ng kamay subalit bakas sa kanyang mukha ang panggagagalaiti ng galit. May napansin din akong bago niyang kinahiligan sa tuwing nagtatalik kami, ang gamitan ako ng mga s*x toys na iba't ibang sukat. Hindi na siya nakukuntento sa kaswal na pagniniig namin kapag wala ang mga bagay na iyon. Gustuhin ko mang tumutol subalit natatakot ako na baka sasaktan na naman niya ako dahil na rin sa kanyang banta. Talagang bumalik na siya sa pagkademonyo. Inalok din niya akong sumubok ng ipinagbabawal na gamot para makadagdag raw sa gana kong makipagtalik ngunit umayaw ako at dahil doon, bugbog na naman ang inabot ko sa kanya. Sapilitin niyang pinalalanghap sa akin ang usok na nagmumula sa parang sigarilyo na kanyang ginamit. Matindi ang ubo ko noon, hindi ko maisalarawan ang amoy at lasa. Paulit-ulit niya iyong ginagawa hanggang sa feeling ko gumaan ang aking pakiramdam, mistula akong lumulutang sa ere. At doon nagsisimula ang aming p********k buong maghapon na tanging ang pag-ihi lamang ang aming naging pahinga. Naroon man sa utak ko ang pagtutol sa kanyang kahayukan ngunit tila yata nagugustuhan naman ito ng aking katawan. Hindi ko na kontrolado ang mga pangyayari. Pinipilit kong pagtiisan ang mga hilig niya para maiwasan ang gulo. Subalit laking gulat ko na may halong takot ng sinabi niya ang panibago na namang hilig kapag nagtatalik kami. Bukod kasi na sapilitan niya akong pinagagamit ng drugs at ang gamitan ako ng mga s*x toys, gusto rin niyang makita akong makipagtalik sa ibang lalaki at siya nama'y manonood lang habang kinukunan kami ng video. Hindi ko pinansin ang tungkol doon sa pag-aakalang nagbibiro lamang siya. Kahit ganoon naman kasi si Keith ay alam kong mahal niya pa rin ako at ayaw niyang makitang may kinakalantari akong iba. Ngunit nagulat na lamang ako isang gabi nang umuwi siyang sabog at may kasamang guwapong lalaki na makakatalik ko raw. At noong umayaw ako, kaliwat kanang p*******t ang aking natamo at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya, ang makipagtalik sa ibang lalaki na hindi ko kilala. Pinagpapasa-pasahan nila ang aking katawan at minsan pa tinitira nila ako nang sabay gaya ng napapanood kong p**n videos noong aking kabataan. Mukhang hindi na isang katipan ang turing sa akin ni Keith kundi isang s*x slave. May pag-asa pa kayang makatakas ako sa impiyernong aking kinasadlakan? Ito na ba ang kabayaran sa sakit na idinulot ko kay Lukas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD